Chapter 5

16 1 0
                                    

Panaginip
___________

Year 1998
(Wolf and Wat)

Sana ay mahalin mo rin ako
By: April boys

Kapag nakita ka, ako'y nahihiya kapag kausap ka, ako'y namumula

Sabi ng puso ko ako'y in-lab sa 'yo sana ay mahalin mo rin ako

Kapag kasama ka, wala ng pangamba nais kong sabihing minamahal kita

'Di sinasadya biglang nasabi mo sana ay mahalin mo rin ako

Kay sarap pala ng ibigin mo para bang ulap ang nilalakaran ko

Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo nagsasabing mahal mo rin ako.

O bakit ba? tayo'y nagkatagpo?
Wala na sanang wakas ang pag-ibig nating ito sana'y wala ng wakas

Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo sana ay mahalin mo pa rin ako

Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo nagsasabing mahal mo rin ako

O bakit ba? tayo'y nagkatagpo?
Wala na sanang wakas ang pag-ibig nating ito sana'y

Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo sana ay mahalin mo pa rin ako

Mahalin mo pa rin ako hanggang wakas
Kayrami nang hadlang wag na sanang magwakas
__________________

"Mahal, anong kanta yang ginagamitan mo ng gitara?" Ani wat sa lalakeng kakatapos lang kumanta.

"Kanta yan ni April Boy.. Nagugustuhan ko lang kasi mahal." Sagot nito kay wat. Habang kinuskos naman ulit ang gitara.

"Sana kahit magkalayo man tayo ay gusto ko na iyan ang patugtugin mo. Para kahit papaano maalala mo parin ang wolf ng buhay mo." Dagdag pa nito.

"Mahal, ano bang pinagsasabi mo walang maghihiwalay." Sagot naman ni wat dito.

"Hindi naman sa ganon mahal. Tatandaan mo lang lagi mahal ha.. Kahit anong mangyari alalahanin mo na mahal na mahal kita. Hinding hindi magbabago yon." Anito.

"Bakit parang may iba kang ipahiwatig sa mga sinasabi mo mahal?" Pagtataka ni wat dito.

"Wala naman gusto ko lang sabihin sa iyo mga ito." Wolf

"Mayroon ka bang sasabihin sa akin na hindi mo pa sinabi sa akin?" Ani wat na pagtatanong kay wolf.

"Pinag-alala mo lang ako eh. Alam kong sa mga ganyan mo ay may gusto kang sabihin." Dagdag pa ni wat sa malungkot na tuno

"Wala naman mahal, ano ka ba.. Huwag na nga lang nating pag usapan. Pasensya na at pinag-alala pa kita." Saad naman ulit ni wolf kay wat.

Masayang magkasama sila wat at wolf sa isang maliit na barung-barong tantsya ko sa aking nakikita sa panaginip ko.

Tawanan, kulitan at harutan ang ginagawa nilang dalawa na magkasama. Hindi ko nakikita ang mga lungkot ng mga mata nila sa bawat isa.

Nakikita ko rin sa kanilang dalawa ang pagmamahalan ng bawat isa.
Ang lugar or shed na kung saan sila ay may klase-klasing halamanan gaya ng mga rosas na iba't ibang kulay at mga santan at gumamela.

Napakalawak ng lugar kung saan ay puno ng mga klase ng halaman at bulaklak. Malaparaiso ang hitsura nito. Tantsya ko ay isa itong harden na  lagi nilang tinatambayan.
______________

Year 2018

"Besh, hoyyy! Hoyy!!!! Gising ka na jan!" Nakakaramdam ako ng pag-alog sa aking katawan. Hindi ko alam ang nangyari pero ramdam na ramdam ko na may gumigising sa aking pagtulog.

Petals BL Series (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon