Chapter 6

35 2 0
                                    

( XYRO POINT OF VIEW )

New Beginning

_____________

"Wolf!" Sa Isip kong sabi pero dalawa silang wolf na nakita ko.

"Golf!" Saad naman ni knight sa isa kung saan ito nakatingin sa dalawang lalake.

"Christian!" Saad ng isa. Habang nakatingin ito kay knight.

"Wat!" Saad naman ng kasama nitong nasa likuran. Habang nakatingin sa akin.

Nagulat ako sa mga nabanggit nilang pangalan. Hindi ko alam kong paano nangyari o nagkataon lang ba ito? Dalawa lang naman ang naalala ko at nakikita sa panaginip kung hindi si wolf and wat. Pero sino itong dalawa? nakapagtataka lang bakit iba ibang pangalan ang mga nabanggit maliban lang sa pangalan na wat. Kung saan ay ako.

Nagkatitigan lang kami hindi ko alam kong ano ang nangyayari. Parang isang estatwa na walang buhay. Habang nag tatalo ang isip at puso ko sa kaba. Nakita ko na rin sa wakas ang reflection ni wolf sa katayuan ng isang lalake. Ngunit napaisip ako na hindi lang isa kung hindi dalawang reflection ni wolf ang aking nakita. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa sa puntong yon. Tinitigan ako ni knight gayon din ako. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito na hindi ko alam kong anong kadahilanan. Walang ni isang nagsasalita nagkatitigan lang kami sa mata at pumaibaba hanggang sa buong katawan tiningnan.

"Sino si golf at christian?" Pagbasag ko sa katahimikan ng sandaling iyon.

Hindi ko alam kong sino ang kanilang binabanggit basta ang kilala ko lang ay si wolf. Ang lalake na minahal ni wat na ako ngayon. Nang makita ko ang lalake ay nakakaramdam ako ng lungkot at pananabik, bumalik sa aking ala-ala ang nangyari sa aming nakaraan kung kailan ay ako pa si wat sa past.

Matapos kong banggitin ang dalawang pangalan na golf at christian ay biglang tumingin sa akin ang lalaking nasa likuran ng lalake na nasa harapan ko at si knight. Kaya nabigla ako sa titig nila sa akin.

"What?" Ako.

Ngunit wala silang sagot konde titig lang.......

"Ahnmmm... Xyro ipakilala ko nga pala sayo ang mga pinsan ko. Iyang nasa harapan mo ay si alex at ito namang nasa likod ni alex ay si richard. Sila ang mga bagong student sa B section."' Biglang tayo ni doris. Pagpakilala nito sa dalawa.

"Mga pogi kong pinsan ipapakilala ko nga pala sa inyo siya si knight." Sabay turo nito kay knight. "Siya naman ay si xyro." Dagdag pa nitong turo sa akin.

"Hoyyyy.... Doris paano naman kami?" Sambat ni sedny. Hindi talaga magpapahuli kapag gwapo na ang kaharap.

"Oo nga pala si Sedny... BF ni xyro." Aniya sabay turo na naman. "Si maris din silang lahat mga kaklase ko." Doris

"B-F!" Sabay na salita nila alex at richard.

"Hoyyyy bakla ka bf talaga...? Baka ano pang sa isip nila ang bf na yan?" Sedny.

"Ayyyyy ibig kong sabihin bestfriend silang dalawa. Hindi ibig sabihin ay magjowa." Pang depensa nito.

"Paano ako mapili kong sasabihin mong may jowa na ako?" Sedny.

Tiningnan namin nila doris, knight, alex at richard gayon na rin si maris si sedny sa sinabi nito.

"Talaga lang ha!" Si doris at maris naman habang nakatingin kay sedny.

"Ayyyy... Grabe sila dapat sabay talaga. Ibig kong sabihin sa bestfriend ko hindi ako." Ani sedny.

Ahhhhhhhhhhhhh..... Sabay na reaction nila doris at maris.

"Happy! Happy! Happy!" Ani sedny.

Ilang minuto rin kaming nakatayo. Biglang sa pagkakataon ay nagsalita narin ang isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Petals BL Series (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon