MATAPOS pindutin ang huling nota, ngumiti si Louela at dahan dahan tumayo para magbow sa harap ng maraming tao.Ito na ang huli niyang pagsali sa naturang competition kaya binigay niya ang lahat ng makakaya niya dito. Di naman siya dismayado sa naging play niya.
Nang tumingala, narinig niya ang sunod sunod na palakpakan ng mga tao. Napangiti na lang siya. This is for you. I hope it reached you.
Magaan sa pakiramdam na naipakita niya ang best niya. It paid her non-stop practices and all her hardwork.
Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa backstage kung saan naroon ang iba pang mga kasali. Ang iba ay binabati siya at ang iba naman ay abala sa paghahanda. Tanging pag ngiti lang ang tugon ni Louela sa mga bumati sa kanya.
Umupo siya sa pinaka malapit na upuan. Parang nanghihina ang tuhod niya. Kanina lang ay masaya siya at magaan ang pakiramdam pero di niya maintindihan bat parang bumigat ang pakiramdam niya. Baka pagod lang.
Lumipas pa ang ilang minuto tsaka siya nakabawi sa panghihina niya. Kinuha niya ang bag niya at tinawagan si Edi.
"Great play Louela!! You did great as usual." Napangiti siya sa pagbati sa kanya ng binata.
"Salamat salamat." Bago pa makalimutan, sinabi na niya ang dahilan kung bakit siya napagatawag. "Makakalabas ka ba Edi? Papabili sana ako ng iced coffee. Kung okay lang naman hehe."
"Sure thing. Yun lang ba?" Out of instict napatango siya. Napahawak na lang siya sa noo ng maalalang hindi siya nakikita ng binata.
"Oo yun lang." Ngumiti muna siya bago binaba ang tawag.
Sa tagal na nilang magkasama, sanay na sa kanya si Edi na laging magpabili ng iced coffee pagkatapos ng kanyang recital kaya walang angal siyang sinusuportahan nito.
Halos kalahating oras na ang nakakalipas mula ng tumawag siya sa binata. Dalawang competitors na lang ang di nakakapagplay, kailangan na niya bilisan.
Tumayo si Louela at nagpunta sa cr para ayusin ang sarili. Binalik niya sa maliit na bag ang cellphone, naagaw naman ng pansin niya ang maliit na bulaklak. Nasa loob ito ng parang transparent marble glass kaya kita pa din ang kagandahan nito. Isa ito sa mga pinapahalagahan niyang bagay. Inayos na lang niya iyon at sinara na ang bag.
Lalabas na lang siya saglit para salubungin si Edi, tatakas lang siya dahil baka may makahuli sa kanya.
Malapit na sa entrance si Louela, nangangalahati na siya sa grand staircase ng building ng magtama ang tingin nila ng lalakeng nakatayo sa dulo ng hagdan.
Kakaiba ang tingin nito na para bang tinatandaan ang mukha niya, or baka nagkakamali lang siya? Baka iniisip lang ng binata na kakilala siya kaya ganun na lang kung makatingin.
Iiwas na sana siya ng tingin pero hindi niya magawa. Para bang napako ang mata niya sa kulay green na mga mata ng lalake. Marami na din siyang dayuhan na nakilala pero ngayon lang siya nakakita ng may kulay green na mga mata.
Nang mapadako sa kabuuan ng lalake, nito lang niya napansin ang gulo gulo nitong buhok at gusot na dark green, short sleeved polo. Kung titignan para siyang nakipagbugbugan pero malabo dahil wala naman siyang nakikita na mga pasa.
"Louela!"
Agad siyang napalingon sa entrada ng building na kinaroroonan niya. Nandun si Edi na may dalang dalawang large plustic cup. Itinaas pa nito ang hawak para sabihin na nakabili siya.
I-iilang hakbang na lang sana niya ang hagdan ng matapakan niya ang long gown na suot. Narinig niya na sinigaw ni Edi ang pangalan niya pero di niya na iyon napagtuunan ng pansin.
Buti na lang nakahawak agad siya sa railing ng hagdan at hindi siya tuluyang nahulog. Napalingon si Louela sa lalakeng nakatitigan niya kanina, paalis na ito at para bang nagmamadali. Napatitig na lang siya sa papalayong bulto ng lalake na yon.
"Louela okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong sa kaniya ni Edi ng makalapit.
Tumango lang siya at inalalayan para makaayos ng tayo. Sa huling pagkakataon tumingin ulit siya sa direksyon na tinahak ng lalake. Wala na ito pero sigurado siyang papasok sa venue ang pinuntahan nito.
"Kilala mo ba yon?" Nagtatakang tanong ni Edi. Napansin niya siguro ang paghabol tingin ng dalaga.
"Hindi." Sagot niya. Pero halata sa tingin ni Edi na parang hindi ito convinced sa naging sagot. "Ang weird lang niya."
Nagtaka siya ng malaya itong nakaka-alalay sa kanya. Wala itong dalang kahit na ano kaya napadako ang tingin niya sa baba at sa sahig. Nandun yung kape na natapon na dahil sa pagmamadali ni Edi na saklolohan siya.
Nang makabawi, pinakawalan na siya ni Edi na napakamot naman sa ulo. "Sorry."
"Next time na lang siguro tayo mag iced coffee." Natatawa niyang pahayag.
Inayos niya ang nagulo na gown at ang clutch bag na bahagyang nakabukas tsaka sila sabay na bumaba sa hagdan. Sakto naman na may paparating na lalake, may dala itong mop at nakauniform kaya dali dali silang lumapit dito at sinabi ang nangyari sa kape. Tumango naman ang huli kaya nagpasalamat na sila at bumalik na sa loob ng hall.
Mag isa siyang naglalakad pabalik sa pinagdadausan ng kompetisyon. Naghiwalay na sila ng daan ni Edi dahil babalik na ito sa pwesto nila ng mommy niya at siya naman ay babalik na sa kwarto kasama ang iba niyang kalaban sa competition.
Habang nakaupo at nanonood sa natugtog biglang sumagi sa isip niya yung lalaki. Matangkad ito at matangos ang ilong, maganda din ang kulay green niyang mga mata. Halata sa itsura nito na banyaga ito. Sa tingin niya ay kasing edaran niya din ito. Pero parang masyado naman ata ito matangkad para sa 17 years old. Baka mas matanda sa kanya ito. Naguguluhan lang siya sa lalake kaya tinuon na lang niya ang pansin sa panonood.
Natapos na ang kompetisyon. Napanalunan ni Louela ang first place para sa division III dahilan para ipahayag ang susunod na petsa ng laban para sa finals.
Dahil tapos na, unti unti na nagsisiuwian ang mga tao, madami siyang nakakasalubong na bumabati sa kanya, nginingitian niya lang naman ang mga ito at pinapasalamatan. Dahil maraming tao nakatutok ang mata niya sa paghahanap kela Edi at sa mommy nito.
Di na siya mapakali dahil hindi mahagilap ng mga mata niya ang mag ina.
Sa gitna ng paghahanap muling tumama ang mata niya sa lalakeng nagmamayari ng green na mga mata. Para bang hinihipnotismo siya ng mga mata nito na tumingin lamang sa kanya. Parang may gustong sabihin ang lalake pero malayo sila sa isa't isa, idagdag pa ang mga taong dumadaan sa pagitan nila kaya hindi siya sigurado sa naisip.
"There you are Louela."
Parang bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng marinig ang boses ni Edi. Hinila siya nito kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang.
LALAPITAN sana ng lalake si Louela pero bigla na lamang itong nawala sa paningin niya. Nagpalinga linga pa siya, baka sakaling makita pang muli ang dalaga. Pero ni anino niyo ay wala na.
Napatingin na lang siya sa hawak niyang maliit na marble glass, sa loob nito ay may bulaklak. Sigurado siyang ang babae ang may ari nito dahil napulot niya ito ng muntikang malaglag sa hagdan ang dalaga. Ibabalik sana niya agad kaso may lalakeng papalapit dito kaya umalis na lamang siya. I'll give it back to you. Soon.
* * *
BINABASA MO ANG
Für Elise
RomanceLouela is enjoying her life as a pianist. It feels like she's nothing without it. Music gave her a family that she never had. It complete her as a person and gave her goals and hopes. She will be forever thankful to the person who introduce music to...