Prologue

23 1 0
                                    

Naiinis akong tumingin sa langit. Sinong hindi maiinis kung ipapadala ka rito sa lupa para lamang sa isang misyon at ang malala pa ay yung pagkabagsak mo sa lupa. Don't get me wrong hah di ako galit sa langit. Galit ako sa pagkabagsak ko.

Tumingin ako sa paligid. Napakaraming tao, amoy usok, ang daming nagtataasang building. Napapikit ako ng mariin at muling tumingin sa paligid. Nainis ako dahil sa mga tingin ng tao sa akin na para bang sinasabihan akong baliw at kung anong ginagawa ko sa gitna ng kalsada. Teka bakit ako nakikita ng mga taga lupang ito?

Lord, bakit naman po ang hirap ng misyon ko? Di ko pa alam itong mundong kinagagalawan ko.

Tumayo na ako at kinuha 'yung notebook na kung saan nakalagay ang mga do's and don't ng misyon ko. Wala akong alam sa pagtakbo ng mundong kinagagalawan ko dahil ako ay isang munting--

"Angelita, ako ang magiging gabay mo para sa iyong misyon." Nang makatayo ako agad ay biglang sumalubong ang mukha ni
Kuya Samuel.

W-wait...

T-teka...

Bakit siya nandito? Akala ko ba ako lang ang gagawa ng misyong ito?

"Ano ba?! Bakit kayo nakaharang sa daan?!" Napalingon kaming dalawa ni kuya Samuel sa sumigaw. Automatic na napangiti ako rito at nagpeace sign. Bigla namang hinawakan ni kuya Samuel pulsuhan ko at napakurap ako dahil nasa ibang lugar na kami.

Ah oo nga pala, makapangyarihang anghel si kuya Samuel di tulad ko dahil bata pa ako. Batang anghel. Teka, edi nakita ng taga lupa 'yung biglaang pagkawala namin? Hindi pwedee.

Naramdaman kong may pumitik sa noo ko at unti unting inangat ang tingin ko.

"Kahit kailan talagang bata ka, di ko lubos na maisip na isa kang anghel pero yung utak mo pang uod." Sabi pa ni kuya Samuel habang hinawak hawakan ko yung noo ko. Child abuse talaga to si kuya. Muli siyan tumingin saakin na para bang hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. "Makinig ka Angelita, Anghel tayo at kaya nating burahin ang ala ala ng tao kapag nakita nila tayong gumamit ng kapangyarihan. Binura ko ang ala ala nilang nakita nila ang paggamit ng kapangyarihan ko."

"Eh kuya Samuel, maraming tao sa paligid non." Nakita kong napahawak siya sa sentido niya. "Samuel ata to. Isang makapangyarihang anghel" napasimangot naman ako dahil sa pagyayabang niya. Diba dapat kapag anghel ay mapagkumbaba? Naramdaman kong may pumitik ng noo ko ulit. "Aray kuya." Tsk tsk naman.

"Anghel tayo hindi Diyos hindi tayo perpekto tsaka wag kang makulit. Angelita sa sobrang kulit mo pinapasakit mo ulo ko, kung hindi ka lang nagkulit edi sana hindi ka pinadala ng pinunong anghel dito sa lupa tsk tsk. Tsaka ni Lord." Sabi pa ni kuya Sam. Paano nya ba nalalaman yung nasa isip ko?

"Anghel tayo." Hindi siya makapaniwala sakin at pilit niyang iniintindi yung takbo ng kaisipan ko. Hehehe.

"Oo nga po pala hehehe." Teka pano niya nabasa nasa isipan ko?

"Angelita, anghel tayo kaya ko nababasa isipan mo." Napahinga siya ng malalim at parang napipikon. Hindi ko na lang siya pinansin kasi wala namang nakakapikon sa sinabi ko.

Tumingin ako sa paligid at isa pa lang simbahan ang pinuntahan namin ni kuya Samuel. Dito ba kami manunuluyan?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa gilid kung saan nandoon ang isang pari. Oo naman alam ko yun noh. Minsan na rin naman akong nakarating sa lupa kung saan sobrang bata ko pa non. Ilan taon na ba ako ngayon? 10 years old pa lang naman ako diba? Oo 10 lang ako.

"Tasyo!" Sigaw ni kuya Samuel , kung kanina nandito siya sa tabi ko ngayon ay tumakbo siya papunta doon sa pari na tinawag niyang tasyo. Bakit wala siyang galang doon sa matandang pari?

Love Is MagicalWhere stories live. Discover now