Chapter 12

9 0 0
                                    

Sa bawat araw ni Sebastian simula nang mamatay ang kaniyang ina, walang araw na hindi siya umiyak. Sa bawat pag-iyak niya ay sinisi niya ang Diyos sa mapait niyang naranasan. Ngayong araw ay hindi siya makapaniwala na darating ang araw na magkakaron ng kahulugan ang mga panaginip na tila'y paulit-ulit na dumadalaw sakaniya.

Pinagmamasdan ni Sebastian ang kaniyang sarili sa salamin tsaka huminga ng malalim. Nang matapos siyang mag-ayos sa sarili ay lumabas na siya sa kaniyang tinutuluyang condo. Saktong pagkalabas niya ay bumungad ang pagmumukha ni Samuel.

Sa hindi malamang dahilan ay naasar si Sebastian dahil sa pagmumukha ni Samuel. Kahit nalaman niya na ito ang kaniyang kaibigan ay hindi pa rin naalis sa isipan niya na may pagka weirdo si Samuel. Pero kahit na ganon ay magaan ang loob niya rito. Lalo na't nalaman niya na sa past life niya ay kaibigan niya ito.

Dali-dali siyang inakbayan ni Samuel. "Gusto mo lumipad tayo? Ako bahala kaya naman kita dalhin sa ere." Tumatawa-tawang sabi ni Samuel kaya inis na binalingan ito ni Sebastian.

Inalis niya ang pagkaka-akbay nito sakaniya.

"No thanks weirdo." Maikling sabi ni Sebastian bago tinakbuhan ni Sebastian para tumakas dito.

"Anong weirdo?! Hoy sa susunod ikaw na mismong lalapit sakin para lumipad tayo!"

"Yeah! Whatever!" Sigaw pabalik ni Sebastian.

Habang tumatakbo si Sebastian palayo ay itinaas niya ang kamay niya bilang pagpapaalam kay Samuel. Hindi pa rin nagsisink in kay Sebastian na isang anghel ang kaibigan niya sa kaniyang past life.

Nang makapasok na si Sebastian sa elevator ay agad niyang pinindot ang floor na kaniyang destinasyon. Habang pababa ang elevator ay hindi maalis sa isip ni Sebastian kung sino ba ang babaeng 'yun. Paano niya malalaman? Sa anong paraan? Paano niya malalaman kung sino 'yung babae?

Nang makarating na siya sa unang palapag ay agad siyang umalis sa straktura upang puntahan si Nathalie. Nakangiti siya habang suot suot ang kaniyang pang trabaho. Which is a suit and tie.

Habang naglalakad siya papunta sa baryo nila Nathalie ay agad niya itong nakita.

"Nathalie!" Agad namang lumingon sakaniya si Nathalie na may magandang ngiti. Kumaway siya rito at kumaway naman pabalik si Nathalie. Nag slow motion ang bawat pagkaway ni Nathalie. Nakalugay ang diretso nitong buhok, nakasuot ng simpleng t-shirt at paldang hanggang tuhod.

"Pretty..." mahinang sambit ni Sebastian sa kaniyang natatanaw na si Nathalie.

"Ano sabi mo k-kuya Sebastian?" Medyo nawindang si Sebastian dahil nasa harap niya na si Nathalie na sa gayon ay malayo sakaniya kani-kanina lang.

"Ahh wala.." ani Sebastian.

"Kuya Sebastian namiss kita!" Agad namang humagkan ng yakap si Nathalie dahilan para manigas si Sebastian. Hindi niya alam kung yayakapin niya ito pabalik o hahayaan lang ngunit sa huli ay hinayaan niya na lang.

Nang makahiwalay si Nathalie mula sa pagkakayakap kay Sebastian ay nagkatinginan sila dahilan para mapagtanto ni Nathalie ang kaniyang naging kilos. Tumaas ang isang sulok sa labi ni Sebastian dahil biglang napayuko si Nathalie.

"Ehem...pag pasensyahan mona ang aking kapusukan." Sabi ni Nathalie at tumuwid ng tayo.

"Talking like a woman from 19th century? Hahaha, parang 2 weeks lang naman na di mo nakita mukha ko." May pagka pilyong sabi ni Sebastian.

Simula ng insidente sa sementeryo kung saan umiyak si Sebastian ay naging malapit na ang loob ni Nathalie dito. Maliban sa gusto niya ito...napagsabihan siya ni Sebastian ng problemang hindi dapat kung kani-kanino sabihin.

Love Is MagicalWhere stories live. Discover now