Chapter 9

4 0 0
                                    

Third Person's POV

"Tara na sabay sabay na tayong umuwi!" Sabi ni Angelita na ngayo'y nakatingin at nakangiti na kinukumbinsi si Natalio. Hindi kasi sila susunduin ngayon ni Samuel, sila ni Nathalie. Si Natalio ay may sundo.

"Nga pala Natalio, don na lang tayo sa bahay nila Gem gumawa ng homework. Sabay na kami ni Nathalie sa sundo mo. " Napangiti si Natalio. Kahit isang beses lang siyang pumunta don at kahit di kalakihan ang bahay ni Nathalie ay nawili siya sa ipinakitang bait ng nanay ng kaibigan.

"Okay, marami pa naman akong handang questions sakaniya." Batid ni Nathalie na may masamang balak ang kaibigang si Natalio kaya binatukan niya ito. Napadaing naman sa sakit si Natalio. Nang makabawi sa sakit ng batok ni Nathalie ay itinuloy niyang ayusin ang gamit para sa paghahanda ng uwian nila.

Tumutol pa si Nathalie dahil maliit lang ang space nila sa bahay. Ngunit mapilit ang dalawa at hinila si Nathalie ng tuluyan palabas ng classroom. Habang papalabas sila ng classroom ay may tatlong mata ang nakatingin sakanilang tatlo.

Naramdaman ni Angelita ang mga tingin nitong masasama at mga nararamdaman niyang balak nito. Tinitigan niya ang dalawang kaibigang napamahal na sakaniya. Poprotektahan niya ang mga ito sa mga gustong manakit rito.

♡♡♡

Nandito na sila sa bahay ngayon ni Nathalie, gumagawa na sila ng kanilang homework. Napapakamot na lang sila sa ulo kapag hindi nila maintindihan kung paano isolve ang math equation na na nasa takdang arali nila. Nakasuot na lang ng t-shirt si Nathalie at dolphin short na black para presko sa pakiramdam. Si Natalio at Angelita ay nakasuot pa rin ng uniporme.

Nasa lamesa sila ng hapagkainan gumagawa ng takdang aralin nila. Tahimik lang silang nagawa hanggang sa sabay sabay silang natapos.

"At last!" Sabay sabay nilang sabi at nagkatinginan silang tatlo. Sakto namang may hinandang pagkain ang ina ni Nathalie na Banana cue sa harapan nila. "Salamat tita!" Masayang banggit ni Angelita at nilantakan ang banana cue samantalang si Natalio ay ngayon pa lamang makatitikim nito. Kadalasan kasi ay mga home made cake ang maryenda niya. Nagaalangan pa siya nong una at di nagtagal ay agad niya itong kinain at nasarapan.

"Thank you tita" sabi ni Natalio. "Oh siya mga bata enjoy lang kayo dyan." Umupo ang ina sa upuan nila sa sala na halos kadikit lang din ng hapagkainan nila. Nilibot ni Nathalie ang tingin at malinis ang bahay. Nag-aalala siyang tumingin sa ina dahil baka napagod ito sa kalilinis.

Ngumingiti an kaniyang ina habang dumudutdot ito sa cellphone nitong halos sira na. Napailing na lang siya at lumapit sa ina, si Natalio at Angelita naman ay nagdadaldalan at tumatawa, batid ni Nathalie na siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Ma ikaw po ba naglinis ng bahay? Tsaka nagtinda ka din ng banana cue ngayon?" Ilang beses na niyang binilinan ang ina na siya na lang ang gagawa nito dahil ayaw niya ng mapagod ang ina.

Napahinto naman ang ina niya na si Angela sa pagdutdot ng cellphone nito at binalingan si Angelita. Natawa na lang ang ina niya dahil sobra kung mag-alala ang anak niya. Umiling lang siya sa anak na ngayon ay nakasimangot na nakatingin sakaniya sa kaniyang harapan.

"Hindi ako anak si--"

Hindi natuloy ng ina ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto. Nabaling ang tingin nilang lahat at halos manigas si Nathalie sa kaniyang kinatatayuan. Lumawak ang ngiti ng kaniyang ina at panandaliang binitawan muna ang cellphone samantalang si Natalio at Angelita ay may nakakalokong ngiti. Medyo kinakabahan si Natalio sa pinsan ngunit mas nanaig ang mang-asar kay Nathalie.

"Si Sebastian ang sagot sa tanong mo anak." Sabi ng ina at nginitian si Nathalie na nakatingin kay Sebastian na nakasuot ng sando at walking short. Medyo pinagpapawisan pa ito habang hawak ang lalagyan ng banana cue na wala ng laman.   

Love Is MagicalWhere stories live. Discover now