Chapter 11

7 0 0
                                    

3rd Person's Pov

"Sigurado ka na ba kuya sam?" Sam looked at his fellow Angel with no emotion. Atsaka pinagpatuloy lang ni sam ang pag-aayos niya ng suit and tie niya habang nakatingin sa salamin.

"Oo, kita mo naman diba?" Pabalang na sagot ni Samuel. Sumimangot lang si Angelita. Ang tinutukoy ni Angelita ay ang pagpublish niya ng kaniyang storya under ng Company ng mga Colastino.

"Nagtatanong lang eh."

"Alis na ko Angelita, mag-ingat ka." Sabay lapit ni Samuel kay Angelita at ginulo ang buhok nito.

"ANO BA YAN!" Nagmadaling umalis si Samuel at iniwan si Angelita na nakasimangot ang mukha.

Sa kabilang banda ay naghihintay si Sebastian sa kaniyang kikitain na author ng storya. Nasa loob siya ng isang mamahaling restaurant ngayon. Kada minuto ay tumitingin siya sakaniyang orasan. His jaw clenched because of irritation from the author dahil late na ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya maiwan-iwan ang storya at talagang siya pa mismo naghahabol dito.

Kung bakit ba naman kasi kailangan niya pang makipagkita? Na siya pang CEO ng kumpanya nila. Maya maya ay may narinig siyang tikhim kaya napaangat siya ng tingin dito.

Nagulat siya nang makita si Samuel. Hindi niya inaasahan na ito ang kaniyang makikita ngunit hindi niya pinahalata ang pagkagulat. Umupo naman si Samuel sa harap na upuan ni Sebastian. Hindi inasahan ni Sebastian na ito pala ang author ng storya. What a small world.

Nagtama ang kanilang paningin. Maya maya pa ay iniwas ni Samuel ang tingin at itinaas ang kamay sa table, may hawak itong libro. Pagkalabas ni Samuel ng libro ay parang kuminang ito sa paningin ni Sebastian. Napatingin rito si Sebastian dahil sa pagkinang nito. Napatitig siya sa libro.

Bumilis ang tibok ng puso ni Sebastian at parang may mahiwaga sa libro na ito.

"Hindi pa lumalabas ang librong ito. I want you to be the first reader of this story." Iniabot naman ni Samuel ang libro kay Sebastian. Unti-unti namang inabot ni Sebastian ang libro.

" 'Yan ang unang copy ng libro. May pirma ko na rin, read that novel and I'll agree na company niyo ang magpublish."

Tahimik lang si Sebastian na pinagmamasdan ang libro. Inangat niya ang tingin at nakita niya ang mata ni Samuel. A longing eyes. Namamalikmata lang ba siya?

Ang daming tanong sa isipan ni Sebastian dahil sa mga sinabi ni Samuel. Siya ang author? And what does he mean by saying that he wants Sebastian to be the first reader?

"Why?" Maikling sabi ni Sebastian habang sinusuri ang libro

"Just because." Iyan ang sinabi ni Samuel, he doesn't want to tell the truth. Samuel wants to lend the book personally. He has his reasons.

Napaangat ng tingin si Sebastian.

"Right time." Maikling tugon ni Samuel na lalong nakapagpagulo ng isipan ni Sebastian.

***

"Kuya Sam, bakit natin ginagamit kapangyarihan natin?" Tanong ni Angelita. Nalipad sila ngayon papunta sa mansion ng mga Colastino.

"Shhh 'wag kang maingay. Just follow me." Napatango na lang si Angelita ngunit may pagtataka pa 'rin sakaniyang mukha.

Ngayong araw din kung kailan naganap ang pagbibigay ni Samuel ng libro kay Sebastian at ngayong araw din niya titignan ang mangyayari. Tahimik lamang nag-iisip si Samuel habang lumilipad patungo kila Sebastian.

Nang makarating na sila malapit sa mansion ay huminto sila sa paglipad. Mula sa himpapawid ay nakatanaw ang dalawang anghel.

"Kuya Samuel ano ba talagang nangyayari?"

"Right time."

Naguguluhang tumingin sakaniya si Angelita. Ang pagkakaalam kasi ni Angelita ay magiging matchmaker lang sila ng dalawang tao ngunit ngayon ay 'di na siya sigurado dahil sa ikinikilos ni Samuel.

"Pwede bang umuwi ka muna Angelita?"

Agad namang sumunod si Angelita dahil sa seryosong boses ni Samuel. Agad-agad na lumipad pauwi si Angelita. Ngunit nainis siya dahil pauuwiin din pala siya, nang-aasar ba to?

Ngayon ay mag-isa na lang si Samuel na nakatanaw sa bintana ng kwarto ni Sebastian mula sa himpapawid. Trip niyang asarin si Angelita.

Sa kabilang banda ay tahimik na nagbabasa si Sebastian sa kaniyang kwarto. Binabasa niya ang nobela ni Samuel. Tahimik lang siyang nakaupo sa rocking chair niya at paminsan-minsan na tumitingin sa bintana.

Medyi sumakit ang kaniyang ulo dahil may naalala siyang bagay na hindi naman nangyari sakaniya mula sa libro. Inilapag niya ang libro na malapit na niyang matapos, short novel lang naman kasi ito.

Pumunta siya sa bintana at tumanaw sa bilog na buwan. Binuksan niya ang bintana ng kaniyang kwarto upang pumasok ang malamig na simoy ng hangin.

Tahimik siyang nakatanaw sa bintana ngunit may pumapasok na naman sakaniyang ala-ala. This time napaupo na siyang nakahawak sakaniyang ulo.

Maya maya ay nawala ito.

"S-samuel, s-salamat dahil n-naging kaibigan k-kita..."

Napatayo si Sebastian nang makita niya sa ala-ala niya ang author ng libro na kaniyang binabasa. At nakita niya rin ang mukha ng isang babae na medyo malabo pa....pati ang kaniyang sarili. Nagulat siya ng magkatugma tugma ang kaniyang mga panaginip sa kwento ng libro.

Nagmadali si Sebastian na kinuha ang libro at binasa ang dulo nito. Nanlaki ang mata niya.

Sebastian at Natalia sa susunod niyong buhay asahan niyong magkakatuluyan kayo...

Ang inyong kaibigan,
Samuel

Iyan ang nabasa ni Sebastian at di niya namalayang tumulo ang mga luha niya. Ang mga panaginip na akala niya ay wala lang ay napatunayan ng librong ito na totoo pala.

"Lahat ng nasa libro ay totoo." Napatingin si Sebstian sa nagsalita. Si Samuel. 

Pasimpleng pinunasan ni Sebastian ang luha at tumayo ng diretso upang harapin si Samuel.

"I'm your friend from your past life...and the girl...it's for you to find out."

"So you're an angel now?" Ngumiti lang si Sebastian. Nakaramdam siya ng lungkot at ginhawa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Sebastian. Ngunit nangibabaw ang kaginhawaan.

Ngumiti din si Samuel at niyakap ang kaibigan. His heart is longing for his lifetime friend.

Hindi man halata sa mukha ni Sebastian na naniniwala siya sa mga hiwaga ay naniniwala siya sa ganito.

My past life...huh? Ani Sebastian sakaniyang isip. Hindi inasahan ni Samuel na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari...na ito na pala ang right time na tinutukoy nya.

Love Is MagicalWhere stories live. Discover now