Chapter 10

7 0 0
                                    

Third Person's POV

Nandito sa simbahan ngayon si Nathalie at taimtim na nagdadasal. Tahimik lamang ang paligid at walang tao rito. Biglang may narinig siyang mga hakbang ngunit pinagpatuloy niya pa rin ang pananalangin.

Pinapangalanin niya na sana ay humaba ang buhay ng kaniyang ina na nag-iisang katuwang niya sa buhay. Nang matapos siyang magdasal ay napatingin siya sa paring nasa tabi niya na mukhang bata bata pa. Hindi ito ng paring palagi niyang nakikita kapag pupunta siya rito.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at pinagpag ang palda niya. Nakatingin lamang sakaniya ang pari kaya napatingin siya rito. Nagaalangan kung tatanungin niya ang pangalan ng pari ngunit di kalauna'y tinanong niya ito. "P-padre parang ngayon ko lang kayo nakita, ano po pangalan n-niyo?"

Napatingin siya sa mukha ng pari at inusisa ito. Kamukha ito ng paring palagi niyang nakikita ngunit mas pinabatang version. May matangos itong ilong at mapupungay na mga mata.

" padre Tasyo." Maikling tugon ng pari at ngumiti ito sakaniya. Nakatitig lamang ang pari sa altar. "Bakit po kapangalan niyo yung paring matanda?" Hindi maipaliwanag ni Nathalie ang mga tanong sa isipan.

"Hmmm...siguro ako rin siya?"nanlaki ang mata ni Nathalie sa sinabi ni Tasyo.

"Biro lang bata. Nagkataon lang siguro."

Umiling lang si Nathalie dahil magkamukha talaga ang dalawang pari. Magkamaganak kaya sila? Tanong ni  Nathalie sa isipan.

  di kalauna'y  ibinigay sakaniya ang isang puting kandila na medyo mataba. Nagtaka naman siya kung bakit binibigay sakaniya ito.

Tumawa lamang si Tasyo sa naging reaksyon niya. Kinuha naman ni Nathalie ang kandila kahit na may pagtataka sa mukha. "Malalaman mo ang sagot pag pumunta ka sa sementeryo."

"Bakit naman po?" Hindi ito sinagot ni Tasyo bagkus ay tinignan lamang ang banana cue na nasa lalagyan, apat na stick lamang ito ng banana cue.  "Di mo ba ko bibigyan non?" Biro ni Tasyo dahilan para matawa si Nathalie at alukin si Tasyo. Tuluyan namang nalihis ang isip niya. Ito yung banana cue na mga binebenta niya ngunit sa tingin niya ay hindi na niya ito maibebenta kaya ibibigay nya na lang.

Nang mabigyan niya ito ng banana cue ay umalis siya palabas ng simbahan bitbit ang tatlong natitirang banana cue at isang kandila.

Tumama sa balat niya ang sikat ng araw ngunit hindi ito masakit sa balat kahit tirik ang araw. Naglalakad siya papuntang sementeryo, habang naglalakad siya ay nakakatapak siya ng mga dahon na nabulok. Matunog ang bawat paglakad niya dahil sa dahon. Nang makarating siya sa sementeryo ay may natanaw siyang isang lalaking nakaupo sa lapida. 

Pamilyar ang postura nito kaya bago pa tuluyang maglakad si Nathalie palapit roon ay sinigurado niya kung sino iyun. Nang masigurado niya kung sino iyun ay tumibok ng malakas ang puso niya at biglang naconscious.

Tinignan niya ang damit niya kung maayos ba. Pinagpag niya ay puting palda na lagpas hanggang tuhod, pati na rin ang black t shirt niya. Nang masiguradong maayos ang itsura ay lumapit siya rito ngunit napahinto rin. Teka ba't ako nacoconscious?" Sabi sa isipan at aalis na sana doon sa sementeryo.

Ngunit nahinto siya sa balak dahil nakita niya ang paggalaw ng balikat ng lalaki, senyales na umiiyak ito. Nagdalawang isip siya ngunit bandang huli ay lumapit sya sa umiiyak na lalaki. Kinuha niya ang isang banana cue mula sa lalagyan, habang naglalakad siya papunta doon ay hindi niya mabatid sa sarili ang sakit na nararamdaman habang minamasdan ang binata.

Nang makarating siya sa tabi nito ay agad niyang itinapat ang banana cue sa mukha ng lalaki. Napatingin naman ang lalaki rito at tinignan ang babaeng nakatayo sakaniyang gilid.  Nagtama ang kanilang paningin.

Nakita ni Nathalie ang namumulang mata nito.

"S-sebastian?"

Sa paningin ni Nathalie ay kitang kita ang lungkot na tinatamasa ni Sebastian. Kinuha naman ni Sebastian ang banana cue. Umupo naman si Nathalie sa tabi ni Sebastian, hindi sinagot ni Sebastian si Nathalie. Hindi rin umimik si Sebastian.

Nang makaupo si Nathalie sa damuhan ay pinakiramdaman niys kung mainit o hindi. Ngunit hindi ito mainit

Napatingin si Nathalie sa Lapida.

Maria Janier Jimenez Colastino

You may rest in peace

Inayos ni Nathalie ang upo at binigay kay Sebastian ang kandila. Inilagay niya sa tabi ang lalagyan na may laman pang banana cue. Tumingin siya kay Sebastian, sa mukha nito at pinagmasdan. Tumingin din sakaniya si Sebastian matapos sindihan ang kandila.

Sa pagkakataong ito hindi alam ni Nathalie kung bakit hindi siya nailang ngayon kay Sebastian. Unti-unti na niyang nalalaman ang kaniyang pakiramdam. Matagal silang hindi nagkita, halos tatlong linggo rin at don niya narealize na namimiss niya si Sebastian na may agwat sakaniya ng labing isang taon.

"B-bakit ka umiiyak?" Tanong ni Nathalie habang magkatitigan pa rin sila. Nakita niyang nagtutubig na ang mga mata nito. Nasasaktan siya aaminin niya na sakaniyang sarili.

"P-pinatay nila ang nanay ko." Mahinang saad ni Sebastian dahilan para manlaki ang mata ni Nathalie. Agad namang sumubo ng banana cue si Sebastian pagkasabi niya nito. Natulala lang si Nathalie at hindi alam ang  sasabihin.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ni Sebastian. Hindi namalayang naubos na ang banana cue. "H-hey kiddo. This banana cue is delicious. Who made this?"

Nakatingin pa rin si Nathalie kay Sebastian, hindi niya sinabing siya ang gumawa nito kahit na tumalon ang puso niya sa pagpuri sa banana cue na kaniyang ginawa dahil ang mahalaga sakaniya ay alam niyang pinagtatakpan lang ni Sebastian ang sakit na tinatago nito. Oo aaminin niyang may pagkamasungit ito ngunit hindi sapat na dahilan na husgahan niyang masamang taong ito. Sa mga nakita niyang kabaitan na ipinamalas ni Sebastian sakniya, malabong sabihing masamang tao si Sebastian.

"W-why are you s-staring me like that kiddo?"

Hindi niya namalayan na niyakap niya si Sebastian. Nabitawan ni Sebastian ang stick na lang ng banana cue. Nanigas siya sakaniyang kinauupuan. "H-hey kiddo, bitawan mo ko." Nagpumiglas si Sebastian ngunit hinigpitan lang ni Nathalie ang yakap kay Sebastian.

"Ayoko...umiyak ka lang dyan. Kuyang hilaw." Tumigil din sa pagpupumiglas si Sebastian at napangiti ng kaunti dahil sa asar sakaniya ni Nathalie ngunit nagsibagsakan angckaniyang mga luha.

Dahan-dahan niyang itinaas ang mga kamay upang akapin sa ulo si Nathalie dahil matangkad siya ng lubusan rito. Nasa loob ng bisig si Nathalie ni Sebastian at rinig niya ang tibok ng puso nitong napakalas.

Marahang umihip ang hangin dahilan para tangayin ang buhok ni Nathalie. Kahit tirik ang araw hindi naging hadlang ito sa marahang ihip ng hangin. Nagsisayawan ang mga punong halos nakapalibot sakanila. Nasagot na ang kaniyang mga katanungan. Namatay ang kandila dahil sa ihip ng hangin.

Lalo pang lumakas ang ihip na hangin na dumadampi sakanilang balat.

Tama ang sinabi sakaniya ni tasyo, dahil nasagot na ang tanong niya....gusto niya si Sebastian.

Tumingin sa'king mata~

Magtapat ng nadarama~

Di gustong ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka~

Kung maging tayo, sayo lang ang puso ko~

 
Habang sa malayo ay nakatanaw si Tasyo at ang isang babae sa kabilang pwesto. Nagkatinginan ang dalawa at tumango sa isat isa, senyas na maayos ang mga pangyayari. Pinagmasdan muna ni Tasyo ang dalawang taong magkayakap bago tuluyang pumasok sa simbahan.

A/N: guYsss sayo by silent sanctuary. Pakinggan niyo guysss  

Love Is MagicalWhere stories live. Discover now