Chapter 1

15 1 0
                                    

After 15 years....


Alas dos na ng hapon nang mag umpisang lumabas ang isang dalagita upang magtinda ng banana cue na ginawa nila ng kanilang ina. Matirik tirik ang araw nang lumabas siya sa kanilang barong barong na tahanan. Tumakbo siya palabas sa kanilang bahay habang dala ang malaking basket para mailako ang kanilang tindang banana cue.

Tinangay ng hangin ang kaniyang buhok na kulay itim na napakahaba pa. Tuwid na tuwid din ang kaniyang buhok. Nakasuot ito ng short na hanggang tuhod at t-shirt na kulay puti. Nakasuot din ang dalagita ng kulay itim na sumbrero panangga sa init. Morena ang kutis ng kaniyang balat, may matangos din siyang ilong at medyo singkit na mga mata, at ang kaniyang labi ay katamtaman lang ang laki.

"Banana cue! Bili na kayo!" Sigaw pa nito. Hindi niya  ininda ang init habang naglalakad dahil para rin naman sakanila ito ng inang si Angela Lorenzo.

"Gem! Bibili ako!" Sigaw ng isang ale upang gumuhit sa labi ni Gem ang malawak na ngiti. Agad siyang pumunta sa ale na gustong bumili. "Manang Rosita eto oh! Masasarap ang mga ito! Siguradong mas lalo kayong gaganda dahil mapapangiti kayo kapag tinikman niyo itong banana cue." Sabi pa ni Gem.

"Hmmm edi di na ko bibili? Tikman ko na lang?" Biro pa nito dahilan para mapatawa si Gem. Sabi niya sa kaniyang isip, pag eto pinalunok ko ng stick. Pero syempre hindi niya gagawin yun, biro niya lang yun sa kaniyang isipan. "Oh siya bibili ako ng dalawang stick nito." Sabay abot nito ng bayad kay Gem na benteng lukot. Agad niya itong kinuha at inilagay sa sling bag niya kung saan niya inilalagay ang mga pera na galing sa benta.

Nagpasalamat naman si Gem at nagpatuloy na ulit ng may ngiti sa labi habang inilalako niya muli ang paninda. Mukhang mahaba habang oras pa ang gagamitin niya para maibenta itong banana cue. Patuloy lang niyang inilalako ang paninda. Hindi niya pwedeng hindi maubos ang paninda, dahil umaasa sila ng kaniyang ina sa kikitain nito sa pagbenta ng banana cue.

Dalawa na lang sila ng kaniyang ina sa buhay. Mahal na mahal niya ito at mas lalo pang minahal nang iniwan sila ng haligi ng tahanan upang sumama sa ibang babae. Nagkaroon siya ng hinanakit sa kaniyang ama dahil ito nga, iniwan sila na naghihirap ngayon. Nathalie Gem Lorenzo ang buong pangalan niya, 15 years old na ang kaniyang edad ngunit hindi ito naging hadlang upang sumubok ng iba't ibang trabaho. Maliban sa mabibigat na trabaho pati na rin ng pag poprostitute. Hindi siya hibang para gawin yun noh, may dignidad siyang pinapahalagahan kaya.   Marami rami din siyang part time jobs, isa na don pagiging crew ng Jollibee. Isa din siyang scholar sa Rennaisance Academy, pang mayaman at sosyalin itong school na ito. Kung hindi lang siya matiyaga at matalino hindi siya makakapasok dito dahil isa itong pang mayamang school na pagmamay-ari ng mga Jimenez.

Napailing na lang siya nang bigla niya ulit maalala ang kaniyang buhay. Hangga't maari gusto niya palaging  positibo lamang sa buhay, minsan na ring nasubok ang faith niya sa Panginoon dahil sa problemang dumating sakanila ng kaniyang ina. Ngunit lalo lang napagtibay ang relasyon nila ng Panginoon. Lahat ng nangyayari sakanila ay may rason, yun ang paniniwala niya.

Hindi namalayan ni Gem na nabunggo na siya sa isang matigas na bagay dahil sa pagmumuni muni niya ukol sa buhay.

"A-aray" mahinang sabi niya, muntikan ng  tumilapon ang tinda niya at muntikan na rin siyang mapaupo. Naramdaman niyang may humawak sa pulsuhan ng kaniyang kamay at mapatingin siya ng dahan dahan sa humawak sakaniya.

Nagtama ang kanilang paningin, nakita niya ang dalawang pares na kulay bughaw na mga mata. Napatingin siya sa perfect lips nito at kulay itim na itim na buhok na may simpleng istilo lamang, napakaputi din ng balat nito. Napagtanto ni Gem na para siyang nakakita ng anghel. Napailing iling siya sa kaniyang isip at agad naman siyang iniayos ng tayo nito.

Love Is MagicalWhere stories live. Discover now