Chapter 5

1 0 0
                                    

{CHAPTER 5}

Pagpunta ko sa corridor ay walang katao tao, kaya naman ng may nakita akong isang teacher ay nilapitan ko.

"Excuse me po, ma'am saan po ba yung mga tao?"

Inayos niya yung salamin niya at sinuri niya lang ako at kinikilala. Medyo may katandaan na rin kasi, siguro'y senior citizen na ito at sa dinami dami ba naman ng teacher dito, kaya di ko siya kilala. Siguro isa siya sa mga guro ng mga college kaya di ko siya kilala.

"Abay, late kana ija,kanina pa nagsisimula yung program at bakit andito ka pa? "

"Traffic po kasi sa daan kaya nalate po." Pagsisinungaling ko nalang.

"Namumukhaan kita ija! Ikaw ba ay anak ni Mrs. Mabuti?" patay at nagsinungaling pa talaga ako.

"Ah, opo hehe."

"Kaya pala magkamukhang magkamukha kayo ng ate mo, sana'y di ka katulad niya, na puro nalang pagmamakeup ang inaatupag, minsan ko ng nabato ng eraser yun, dahil naglalagay ng lipstick habang nagdidiscuss ako!" Pagkukuwento niya kaya naman tinanong ko nalang siya dahil wala naman akong pake diyan sa kapatid ko kanya-kanya na kami ng buhay pagdating dito sa school si kuya lang talaga ang pakealamiro.

"San po ba yung program ma'am? "

"Sa social Hall ija.. "

"Ah sige po aalis na po ako, sayang po yung attendance."

"Mga bata talaga ngayon wala ng mas mahalaga kundi ang mapaganda lamang ang mga sarili nila di na ni-"
dinig ko pang bulong ni ma'am na halata mong naiirita sa mga naaalala niya, tuluyan nakong nakalayo kaya di ko narinig yung iba niya pang sinabi.

Tapos na yung program kaya naman andito na kami sa bagong room namin, classmate ko si Julia pero si Lisa at Rexx ay nasa kabilang section limang section ang meron sa grade 10 kaya naman nahiwalay samin si Lisa at Rexx naka base kasi sa final grade namin nung grade 9 pa kami kaya nasa star section kami ni julia.Sina Lisa at Rexx naman ay nasa section A.

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko habang hinihintay yung professor namin at si Julia naman ay makikipag daldalan na naman, di kami magkatabi ni Julia dahil alphabetical order yung pag ka arrange ng mga upuan namin. Bago kami pumasok sa room ay may mga nakalagay ng mga pangalan namin kung saan kami naka upo.

"Ok class good morning! " bati ni Sir Bautista.

"Good morning sir! "

"Ok how's the vacation class?" Walang sumagot sa kanya kaya nagtawag nalang siya ng pangalan para sumagot sa tanong niya, nung dumapo yung tingin ni sir sakin ay alam ko ng ako yung tatawagin.

" Miss Mabuti..." tumayo naman ako.

"How's your vacation? "

"Wala naman pong mga magagandang ganap sir puwera lang nung nag beach kami and the rest ay nasa bahay lang po ako, tumutulong sa mga gawaing bahay at nagbababad po sa social media." Sir Bautista chuckled immediately, kaya naman umupo nako.

"Ok very good, Mabuti naman at tumutulong ka sa gawaing bahay, mabuti yan tulad ng apelyido mo." natatawang wika ni sir.

"Ikaw Miss Alvarez musta bakasyon mo. " Julia stand up confidently at sinagot yung tanong ni sir na para itong tanong sa beauty pageant.

"My vacation sir? I believe that my vacation is perfectly good, because me and my family travel in a different place and finding a most beautiful beaches and I'm enjoying the summer sir with my family and some other relatives and also my perfectly beautiful gorgeous body enjoyed it."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Being A FangirlWhere stories live. Discover now