Chapter 3

2 0 0
                                    

{CHAPTER 3}

Cee Adrian POV

"Son, go get some rest, I know that you're tired and tomorrow mamimili ka pa ng school supplies mo,"-Mom.

nakakapagod naman talaga bumyahe eh almost 8 hours yung biyahe, kadadating lang namin from Cali tuwing vacation kasi andun kami palagi sa California dahil nandun yung business ni mommy, isa siyang fashion designer and more on gowns,dresses yung ginagawa niya, Dun din kasi nakatira sina mommyla and daddylo.

*MELVIN CALLING*

[Sup , bro!]

"What!"

[Chill, mukhang pagod ka ah. ]

"What do you want? Can you please just straight to the point!" nakakairita naman kasi tong lalaki na to .

[Relax tumawag lang naman ako para alamin talaga galing sayo kung totoo ba talagang andito kana sa pinas. ]

"Yes! Kakadating lang namin and pwede ba pagod ako-"

[Si Marc ! ]

Nung marinig ko yung pangalan ni Marc bigla akong kinabahan and my heart is beating so fast , di na ko nagsalita at hinintay ko nalang ang susunod na sasabihin niya.

[Galit na galit parin sayo si Marc hanggang ngayon dahil sa paghalik mo sa kanya, tumawag ako sayo para sabihing wag na wag kang magpapakita sa Marc na yun , at bali balita ko rin na lilipat siya sa school natin-]

"What?! Are you kidding me? " bakit naman siya lilipat? Eh sila naman yung nag mamay ari ng school nila.

[Mukha ba Kong nagbibiro ha? Sinasabi ko sayo toh para aware ka sa gagawin mo at para makaiwas ka sa lalaki na yun, di parin talaga ma sink in sa utak ko kung bakit mo yung ginawa kay Marc, hindi ka naman siguro bak-]

Di ko na siya pinatapos pa magsalita at pinatay ko na yung tawag , kahit papano ay nagpapasalamat parin ako dito kay Melvin sa lahat ng member ng Team cancer siya lang mapag kakatiwalaan ko.

When I was on Cali siya yung nagdadala sakin ng balita kung ano nang nagaganap dito sa pinas .

Si Marc lang naman ang problema ko eh kung hindi dahil kay Marc ay napunta ako sa Cali, palagi nalang kasi kami nandun tuwing bakasyon kaya balak ko sana nun mag pa iwan dito.

Dito nalang muna sana ako magbabakasayon dahil never pa akong naka experience ng summer dito sa pinas pero ng dahil kay Marc ay di na tuloy, di ko naman sinasadya na mahalikan siya ng gabing iyon.

.....FLASHBACK

Nandito kami sa bar ngayon para I celebrate ang pag ka panalo namin ng sayaw, kami kasi yung nag champion sa hip hop dance bottle at dahil sa pagkapanalo namin ay mas lalong sumikat ang school namin .

"Congrats team Cancer! "

"Cheers! "-sigaw pa ni Melvin

"You know what guys,  di tayo mananalo kundi dahil kay cee , siya yung alas natin HAHAHA" sabi ni marjorie ang nagiisang magandang babae sa group namin.

"No! No! No! No! Ako naman talaga ang nagpanalo sa group natin kasi malakas ang appeal ko" wala na talagang mas yayabang pa dito kay luke .

"Wait! Before anything else , let's congratulate our group leader dahil siya naman talaga ang nag panalo dahil sa pag back flip niya." Suhestiyon ni Marah ang pinaka maarte at yung girlfriend ni Antony ang leader namin .

Being A FangirlWhere stories live. Discover now