Prologue

2 0 0
                                    


Simpleng buhay lang ang meron kami, at masaya naman kami kahit papano.

Pero dumanas din kami ng kahirapan. Tatlong beses pa kami nag palipat-lipat ng bahay, nangungupahan lang kasi kami noon, pero sa iisang lugar lang din kami nagpapalipat lipat.
Bahay lang talaga ang paiba iba samin, dito na rin kasi kami lumaki sa lugar na toh kaya ayaw na naming umalis dito.

Naghirap daw kami dahil sa mga masamang karanasan ni mama nagkaroon si mama ng trauma sa past niya kaya ginawa ni papa lahat para gumaling si mama nagkasakit din kasi si mama pagkatapos nung insidenteng nangyari.
Pati rin si Tito ay si papa na yung umasikaso dahil magkasama sila ni mama sa insidente na yun kaya parehas silang may trauma.

Nung gumaling naman si mama ay medyo naging maayos na din ang lahat pero si Tito ay mas lalong lumalala yung kalagayan niya kaya pinaubaya nalang muna namin sa mga psychiatrist.

Nung gumaling din si mama ay nagtulong tulong sila ni papa para mabayaran nila yung mga utang na naiwan nina Lolo at Lola medyo may kalakihan din kasi yung mga utang na naiwan nila.


Kaya nung nakaluwag luwag na si mama at papa, ay binili nila yung bahay na tinitirhan namin ngayon. Medyo may kalakihan din yung bahay namin ngayon, pati lupa ay pag mamay-ari na din namin, kaya wala na kaming problema.

Pinangako din ni papa samin na gagawin niya lahat, di lang ulit namin maranasan yung mga naranasan na namin na palipat lipat ng bahay at di naman nabigo dun si papa, dahil di niya talaga kami pinapabayaan kahit wala siya dito sa bahay, ayaw na ayaw niya kasi na di kami nakakakain ng maayos dahil reaponsibilidad niya daw yun bilang Padre de pamilya.

Nakakalungkot nga isipin na, kayang isakripisyo ni papa yung buhay niya para lang sa ikasasaya at ikabubuhay namin. Kaya malaki yung respeto ko kay papa at saludong saludo ako sa kanya, para sakin siya na yung pinaka the best na papa sa buong mundo, na kahit minsan sinasabi niya samin na di siya perpektong ama. Pero para sakin perfect siya sa buhay namin at proud na proud ako dahil siya yung papa ko.

Masaya nako ngayon, dahil di na namin kailangang magpalipat lipat .
Masaya kaming namumuhay ngayon, dahil wala na kaming pinoproblema na babayarin,tanging mga gastusin nalang ang poproblemahin. Kaya nabili nadin ni mama lahat ng mga pangangailangan namin at mga gamit sa bahay namin.


Ang saya din kasi kahit papano, nakakabili na kami nina ate at kuya ng mga luho namin, kaya laking pasasalamat namin kay Tito Bernard, dahil malaki ang naitulong nila sa pamilya ko.

Nang sumagi sa isip ko si tito ay naalala ko na naman si Marc, miss na miss ko na siya. Matagal tagal narin kaming di nagkita, mula nung lumipat na kami dito sa Brgy. Patawid at hindi pa kami nakakapag usap, mag two years na din mula nang lumipat kami dito. Madali lang naman kaming nakapag adjust sa lugar na to at sa mga kapitbahay, mababait naman kasi sila kahit papaano at madaling pakisamahan. Konti lang yung mga tsismosa, pero alam ko namang nagtatago lang yung iba kaya di ko na lalahatin .

Being A FangirlWhere stories live. Discover now