{CHAPTER 1}
Kristy Lyoura POV
"Kristy! Ano ba gising na anong oras na, palagi ka na lang puyat, kaka selpon! " Hayyy, ang aga-aga bunganga na naman ni mama yung naririnig ko, ganito kasi palagi yung set up tuwing umaga kaya sanay na sanay nako.
"Ng dahil diyan sa selpon na yan palagi ka na lang alas nuwebe na nagigising! " Blah! blah! Blah
Nadamay na naman ang pinaka mamahal kong selpin. Inaantok pako at ayoko pang bumangon kaya bumalik ako sa pagkakapikit ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang kuko ni mama sa mga singit ko.
"A-aray naman mama! "Pagalit kung sabi kaya naman di pa siya nakuntento at binatukan pa ako.
" Sabi ko naman sayo diba at maaga kang gumising dahil maglalaba ka! Wala ka na ngang nagagawa dito sa bahay dahil puro ka nalang selpon-"
"ito na nga oh babangon na" Pinutol ko na yung sasabihin niya dahil alam kung sesermonan niya lang naman ako ng dahil sa pagseselpon ko.
Sa lahat nalang kasi ng nangyayaring hindi maganda sa buhay ko, sa selpon niya palagi sinisisi, tulad na lamang pag may sakit ako, at pag may mga gawain sa bahay na di ko nagagawa.
"Pfft sakit ng Mata ko"pag rereklamo ko sa harap ng salamin at tinignan ng mabuti ang mukha ko.
"Sobrang ganda ko talaga hayy, good morning Cee , musta tulog mo? " parang tangang pag kausap ko sa poster ni Cee na nakadikit sa may pader.
Kung di niyo lang naitatanong buong sulok ng kwarto ko puro posters lang ni cee yung makikita niyo at may picture frame din.
Pati mga unan ko may nga mukha ni Cee tapos yung kumot ko naman may mga pangalan ni Cee, yung cabinet ko puno ng picture ni Cee may sarili kasi kaming printer kaya madami dami tong poster ko.
Abot pa nga cr yung mga poster eh..
Baliw na kung baliw basta ako isa lang kinababaliwan ko at iyon ay si Cee.
Di ko pa nga pala napapakilala yung sarili ko....
Ako nga pala si Kristy Lyoura Mabuti.
Mabuti po akong tao kaya maraming gustong makipag kaibigan sakin, obvious na obvious naman na kac sa apelyido ko.17 years old na ako pero grade 10 pa lang ako, grade 11 na sana ako ngayong darating na pasukan pero 'sana' lang naman.
Well ganun talaga ang buhay.
Huminto kasi ako sa pag aaral noong grade 1 ako, dahil palagi akong binubully ng mga kaklase ko kesyo ang ang iyakin ko daw,lampa at payat.Pero hanggang sa childhood memory ko na lang yun dahil ngayong dalaga na ako who u sila sakin.
Isa pala sa daydream ko ay magkaroon ng bonggang debut. Yung sobrang bongga yung magiging escort ko si Cee, kaya grade 7 pa lang ako pinag iipunan na namin yun ni papa.
Si papa kasi yung nag push sakin na mag ipon, para daw mas lalong bumungga yung debut ko, kasi isang beses lang naman daw yun mararanasan ng mga babae tulad ng kasal, pero siyempre bata pa ako kaya yung debut muna yung iisipan ko bago na yung kasal.
Hinihintay ko lang kasi na mag propose sakin si Cee .
Meron akong magulong pamilya pero minsan tahimik naman at masaya, depende sa mood ni mama, may isa akong kuya at isang ate siyempre ako yung bunso kuya't, ate na nga diba?