Chapter 2: Pervert Roommate.

168 7 2
                                    

Klyde


Nagising ako sa tama ng sinag ng araw sa mata ko. Bahagya ko pa itong tinakpan dahil sa silaw.

Nag inat-inat ako bago tumayo at pumasok sa banyo. Medyo pikit pa ang mata ko dahil sa antok. Sobrang aga ata ng gising ko.

Bukas na pala ang class ko. I need to prepare my stuff para wala na akong aalalahanin bukas.

After umihi ay naghugas ako ng kamay at naghilamos. Why do I feel so tired?

Kibit balikat kong nilisan ang bathroom. I looked at the wallclock, it's 6:37 am. Ang aga ko pala nagising. Tiningnan ko namam tong kasama ko. Sa sobrang himbing ng tulog, di manlang nakaramdam na bumangon ako.

Well anyways, ano bang pake ko?

I went to the kitchen. What should I cook for breakfast?

Maybe hotdogs? Bacons? Eggs? Ehh... it'll do.

Sinukbit ko sa leeg ko ang apron at nagsimulang magluto.

**********

Finally i'm done cooking. Inilapag ko na ang mga pagkain sa lamesa. Sakto namang lumabas ang kadormmate ko na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam ng pangalan.

"Hey goodmorning, sumabay kana sakin dito." Anyaya ko sa kanya. Tumingin ito sakin at humikab.

Tumango naman ito at naupo sa harap ko.

"By the way, what's your name?? I still haven't known you." I asked him. Kumuha ito ng isang hotdog at kinain. Halatang inaantok pa ito dahil sa papikit-pikit nyang mata.

"I'm Dreik, Dreik Hutchenson." Pakilala nito sakin. "Nice meeting you Dreik." Nginitian ko ito, he smirked.

"You're cute when you smile." Uhh??

Ako? Cute?

I can feel my cheeks turning red. Tumayo ako at kunwaring kukuha ng tubig. Calm down Klyde...

Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom ito. Naubos ko ang laman nito at bumalik sa hapag-kainan.

Itong lalaking kasama ko? Eto, nakatitig sakin. Ang lagkit ng tingin nya. Now it's awkward...

Binalewala ko nalang ito at nagpatuloy sa pagkain.

"Dahan-dahan lang Klyde. Wala kang kaagaw sa pagkain." He chuckled.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Just eat, will you?" Pagtataray ko.

"Cute." Bulong nito.

Di ko alam kung bulong ba yun o sinasadya nyang iparinig. Argh, I don't care!

Binilisan ko na ang pagkain para makaiwas sa awkwardness namin. Titig na titig sakin ang mokong. Am I that Beautiful? Char....

"Ako na bahala dyan Klyde. Iwanan mo nalang dyan yan." Aniya. "Hindi na, ako na." Pagpupumilit ko.

He sighed. "Ako na."

"Ako na nga."

"Ako na sabi"

"Ako na nga bahal-"

"Ako mag-aasikaso nyan? O hahalikan kita?" He looked at me in the eyes.

I'm in shock.

Possessive Roommate (BxB) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon