It's been two days since Charlee visited me here at my unit.
Nagtimpla na muna ako ng hot cocoa na ipa-partner ko sa niluto kong hotcake ngayong pang-umagahan. I'm feeling much better now. Humupa na ang aking temperatura at hindi na rin ganoon kabigat ang aking pakiramdam.
Dinama ko ang init ng tasa nang mapirme ako sa aking pagkakaupo sa hapag. Wala ako sariling napangiti nang muli kong maalala ang init ng haplos ni Charlee sa 'kin. Hindi ko maipagkaila sa sarili ang kagustuhan kong maramdaman muli 'yon. Matagal na panahon na rin ang lumipas nang huli ko iyong maranasan.
And Charlee made me feel that fluttering sensation once more.
Umiling ako nang mahinuha ang aking mga pinag-iiisip. Mariin ang napapikit habang mabilisang tinatampal ang aking sarili. I heavily groaned as I looked up on the ceiling. Tila nawala ako sa ulirat dahil sa alaalang 'yon.
"Ano ka ba, Stacy? Nilalagnat ka pa rin ba?"
Isinubsob ko ang aking sarili sa lamesa habang napapakamot na lang sa aking ulunan, tila nababaliw at nawawala sa katinuan. Ilang impit pa ng pagsinghal ang aking napakawalan bago muling tumunhay sabay subo ng isang hiwang hotcake.
Hindi ko mawari ang mga salitang naguguhit sa 'king puso. Mabilis ang pagkaribok nito at may kakaibang sensasiyon sa 'kin na nagsasabing nagugulumihanan ako sa mga nangyayari. Sa sobrang kawalan ko ng malay sa sarili ay 'di ko namalayang nasamuol ko na nang buo ang aking kinakain.
Walang hiya ka, Charlee! Anong ginagawa mo sa 'kin?
Napadahak ako ng ubo nang magitla sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Dali-dali akong napahawak sa tasa dahil sa 'king pagkabalisa. Agad kong ininom ang laman nito bilang pangontra sa bulon ngunit mas lalo akong napaubo nang dumampi na sa 'king labi ang mainit na cocoa.
Limot kong bagong timpla nga pala 'yon.
Tiniis ko na lang ang init habang maluha-luhang nagmadaling nagtungo sa pinto. Uubo-ubo pa rin ako hanggang sa matanggal na ang kating aking nararamdaman sa lalamunan. Ipinampahid ko ang aking braso sa 'king bibig, hihinga-hinga nang mabilis upang matagtag ang mainit na pakiramdam ng inumin sa 'king dila.
Nang mahinahon ko ang sarili ay saka ko lang binuksan ang pinto. Tumambad sa 'king harapan si Margaux na siyang napaigtad kaagad ng kilay nang makita ako. May ilang ubo pang nakatakas mula sa 'king lalamunan kaya naman mas tumalima ang kamiyang tingin sa 'kin.
"Akala ko ba okay ka na?" pamaywang niya sa 'kin, groaning. Pumalatak pa siya bago niya inanyayahan ang sarili papasok sa 'king unit. Naupo muna siya sa may sofa kaya naman sumunod na lang ako sa kaniya. Isinara ko muna ang pinto bago naupo sa kaniyang tabihan.
"Ginulat mo kasi ako eh nakain ako. Nabulunan tuloy," pagdadahilan ko sa kaniya.
"Okay, sabi mo eh," pagkibit niya ng balikat. I just rolled my eyes at her as a response. Minsan napapaisip na rin ako kung kaibigan ko ba talaga 'tong babaeng 'to o ano eh. "Siya nga pala. Pinuntahan ka ba rito ni Jay noong nakaraan? Nagtanong kasi siya sa 'kin kung sa'n ang address mo kaya binigay ko na para naman may magche-check sa 'yo kahit wala ako."
"Ano ako? Bata na kailangan ng yaya? Ikaw sheb, masyado mo akong bine-baby," hahagihagikhik kong usal sa kaniya.
"Bakit ba napaka-defensive mo lagi? Bunga ba 'yan ng pagko-cover-up mo ha? Kailangan mo lagi ng alibi gano'n? Sheb, huwag mong i-mix up ang realidad ng buhay mo sa buhay-pagpapanggap mo. Magkaiba 'yon. Totoo ka samantalang yung mga pangalang ginagampanan mo, character lang," bigla niyang pangaral sa 'kin kaya naman natigilan ako. Seryoso ang tingin niya sa 'kin, making me swallow my own saliva.
BINABASA MO ANG
Recruit the Cover Girl
Romance[ON-HOLD] Kailangan mo ba ng babaeng magpapanggap bilang girlfriend mo? Naghahanap ka ba ng babaeng panakip sa tunay mong pagkatao? In need of a muse sa t'wing maiiwan ka sa ere ng syota mo? Eh babaeng panangga para pagselosin ang ex mong aali-aligi...