C H A P T E R ~ 1

95 25 14
                                    

Isang maaliwalas na panahon ang siyang bumungad sa 'kin habang naglalakad ako sa sementadong daanan na siyang katabi ng mga naglalakihang mga gusali. Masarap ang simoy ng hangin kahit pa tirik sa alas dos ang araw. Wala na akong pakiramdam ng pigil-hininga maging ng namumuong kaba. Sadyang galak lang ang siyang naglalaro sa aking sistema.

Hindi hassle sa 'kin ang maglakad ngayon mula sa 'king tinutuluyang unit papunta sa Peach House, ang pinaka-favorite kong café dito sa 'ming siyudad. Dahil na rin siguro sa tuwa kaya sinipag ang aking mga paa na magmartsa-martsa. Aba, kung ikaw ba naman ang may alam sa sarili mong may malaki kang makukuhang kuwarta ay hindi ka ba gagaan nang ganito?

Nakarating ako sa Peach House nang hindi man lang nabubura ang ngiti sa 'king mga labi. I walked inside the establishment as if I own it. Halos mapunta na sa 'kin ang atensiyon ng mga naroroon pero hindi ko na lang sila pinansin.

Lumingon ako sa gawi ng pinakapaborito kong spot sa lugar na ito: sa table na may couch na malapit sa bintana at water dispenser. Nakapagpaikot ako ng isang ismid nang makita kong kumakaway na sa 'kin ang isa sa mga pinakamalalapit kong kakilala mula doon sa puwestong 'yon.

Wala na akong ginawang pagpapatumpik. Dumiretso na ako sa kaniya, still having the excitement written all over my face.

"Hello, sheb!" 'yan ang naging bungad sa 'kin ni Margaux Leandro, ang aking partner-in-crime sa lahat ng raket ko sa buhay. Inambahan niya ako ng yakap na siya namang sinalo ko kasabay ng isang pagbeso. "Grabe ka, hindi kita keri!" she exclaimed as we broke the hug.

Umupo ako sa kaniyang tabihan sa pabilog na sofa. Ilang buwan na rin kaming patambay-tambay rito kaya kilala na ng upuang 'to ang parehong puwet namin ni Margaux.

"Mukhang jackpot ulit tayo ngayon Ate Stacy ah," bati sa 'kin ni Richard, ang binatilyong waiter ng Peach House. Sa lahat ng staff nila rito, si Richard ang pinakakilala namin ni Margaux. Bukod kasi sa magalang at magiliw siyang bata, palagi rin siyang nakabungisngis kaya naman nakakagaan siya ng mood. Lagi tuloy namumukadkad ang malalim niyang biloy na ikinadadagdag ng kaniyang pagkabagets.

Pero kung iniisip niyong may gusto kami ni Margaux sa binatilyong ito, think again. Hindi kami fan ng child abuse.

Part-time lang naman dito si Richard. Nag-iipon para mapaghandaan ang kaniyang pagkokolehiyo para raw hindi na rin gano'n kabigat para sa kaniyang mga magulang ang mga gastusin. Mahirap man para sa kaniya ang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, kinakaya na lang niya para sa kinabukasan.

'Yon talaga ang siyang nagpaantig sa 'min ni Margaux.

"Yung usual pa rin po ba?" tanong sa 'min ng binata habang hawak-hawak ang sulatan ng orders.

"Sa 'kin, oo. Caramel macchiato frappe saka isang slice ng New York cheesecake," tugon ko sa kaniya. "Ikaw ba, Margaux? Naka-order ka na?"

"Hindi pa po umo-order 'yan, Ate Stacy. Hihintayin ka raw niya muna kasi at baka raw ilibre mo," pabirong buking sa kaniya ni Richard.

"Huy, grabe ka!" ani Margaux sabay hampas nang pabiro sa braso ng binata. Humagikhik lang naman si Richard. "Wala naman akong inimik na gano'n. Ang sabi ko lang naman ay hihintayin ko si Stacy."

I made a face as I stared at my friend, partly teasing her. Sinundot ko siya sa kaniyang tagiliran na siya namang ikinaigtad ng kaniyang buong katawan.

"Defensive mo, sheb. Napaghahalataang guilty," asar ko sa kaniya na siyang ikinabusangot ng mukha niya. Ngumuso siya na tila isang batang hindi isinali sa laro ng mataya-taya. I playfully giggled and rolled my eyes on her. "Ay hala, sabihin mo na kung anong order mo. Ako na ang magbabayad."

Recruit the Cover GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon