C H A P T E R ~ 16

41 14 0
                                    

"Hooray for the pay!" sabay naming hiyaw ni Margaux habang ikinakampay ang aming mga basong naglalaman ng tinimpla niyang limeade. I took a sip from it and deeply inhaled, feeling refreshed from the cold drink.

"Ayos 'tong gawa mo ah. Sa'n ka naman natutong gumawa nito, sheb?" komento ko saka muling sumipsip mula sa 'king baso.

Huminto muna siya sa pag-inom upang sagutin ako. "Sa Freezing Joint. I befriended one of their bartenders there tapos tinuraan niya akong gumawa ng kung ano-anong mga inumin. Isa na 'tong limeade sa mga 'yon," saad niya.

"Ayos ka ah. May napapala ka pala sa pagiging cover-up wingwoman ko," komento ko naman.

Nag-eenjoy kami sa pag-inom nang biglang tumunog ang cellphone ni Margaux. Kaagad naman niya itong kinuha at tinugon kung sino man ang natawag doon. Nang sagutin ay ibinaba niya ito sa lamesa sabay pindot ng loudspeaker nito.

"Hi Kenjie," pakantang bati ng aking kaibigan.

"Margaux, kasama mo ba si Stacy?" kaswal niyang sabi mula sa kabilang linya. Tila presko ang kaniyang aura ngayon. Ramdam ko ito kahit hindi ko siya nakikita.

"Oo. Kaharap ko siya ngayon. Go on, just keep on talking. You are on loudspeaker," sagot sa kaniya ni Margaux.

"Anong balita?" sabat ko bigla sa linya.

"Yun na nga ang sadya ko kaya ako tumawag," his voice brightened up. "I think you made her psyche work. She asked for a little me-time para magmunimuni tungkol sa feelings niya para sa 'kin. She even reassured me na hindi naman daw ako mawawala sa kaniya-she just need the time to think over and over."

"That's great. Ibig sabihin napagselos ko talaga siya," matunog kong sabi. "What happened after the cinema hiatus nga pala? I'm curious," salta ko pa para matuloy ang usapan.

"Umiyak siya pero itinatanggi niya sa 'kin nang maabutan ko siya sa labas. Inalo ko muna siya saka ko siya dinala sa department store to cool her mind off. After no'n, dumiretso kami sa Freezing Joint to have some dinner. Doon na niya ako kinausap about a little space and all," siwalat naman niya sa 'kin. Sa aming palagay ni Margaux ay nakahiga siya ngayon, freely kicking his legs out.

"Tama lang na manghingi muna siya ng space but don't forget to check on her from time to time para naman kahit papaano ay mas madali siyang maka-realize," pagbibigay tip ko sa kaniya. "Siya naman kasi eh. Masyadong pabebe. Nakahain na nga sa harap niya, ayaw pang kainin. Naghihintay pa sigurong mapanis."

He laughed from the opposite line. Walang mapagsidlan ang kaniyang pagkagalak kaya naman isang ngiti na rin ang gumapang mula sa 'king mga labi.

"Oy," tawag atensiyon sa kaniya ni Margaux.

"Oh?"

"'Wag mong kalilimutang hindi pa 'to tapos ha. Kailangan mo siyang mapilit lumabas this Friday night para makahakbang na tayo sa step two," paalala niya rito.

"Ma'am, yes ma'am!" tila boy scout niyang tugon, his joy still visible in his tone. "Anything just to win her heart."

Pinakitaan ako ni Margaux ng tila naaantig na mukha. Pumalatak ako nang isang beses at nagsesenyas na huwag na niyang ipakita sa 'kin ang pagiging pabebe niya sa mga ganoong klase ng sitwasyon. Humagikhik lang siya bilang pang-asar sa 'kin.

"Siyanga pala. Kailan ako magbabayad? Handa na yung kalahati ng payment ko," imik muli ni Ken.

"Oh, kailan daw?" Margaux mouthed at me. May matching pagtapik pa siya sa 'king hita.

"After na lang ng phase two natin para full payment na?" tugon ko at mistulang hindi na ako nag-isip.

Pinandilatan ako ni Margaux dahil sa 'king isinagot. Tinampal niya muli ang aking hita, giving me a confused look. Binalikan ko naman siya ng isang mapagtanong na kilay.

Recruit the Cover GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon