C H A P T E R ~ 33

40 2 0
                                    

Anong pakiramdam ng ingay na nakakabingi? Na sa sobrang lakas ay tila wala ka nang marinig? Yung tipong mayro'n ka pang paningin ngunit wala nang masilayan. Yung tipong mayro'n ka pang pandama ngunit wala ka nang maramdaman. Ang taong nakakaranas ng gano'n... tao pa kaya sila?

The white light reflected tile after tile habang paroo't parito ang mga tao. Hindi mo aakalaing maraming taong gumagawa ng ingay sa bawat sulok ng ospital dahil sa pagkalunod sa sarili mong ingay sa loob ng 'yong sistema.

My hands sweated as I clutched on my pants, curling them up over my knees. Kanina ko pa kinakagat ang aking labi dahil sa 'di maipaliwanag na pakiramdam na namuo sa 'king dibdib. Mabagal ang bawat tibok ng aking puso, pinanunuot sa 'king balat ang kaba at kaguluhang naghalo na.

Sinimulang hagurin ni Margaux ang aking likuran nang mapansin niyang 'di na mapakali sa paglalaro ang aking mga daliri. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat, ipinaparaos ang pagod na namuo sa bawat parte ng aking katawan.

My eyes moved around the corner only to gain sight of my Father. Kanina pa siya nakaabang sa tapat ng pinto ng emergency room, looking agitated. Nakailang gasumot siya sa kaniyang damit habang atras-abante sa kaniyang puwesto. His hands traveled from his head, messing up his hair, down to his clothes from time to time. I just can't help but silently watch his every move.

And his eyes... mas nanginginang 'yon tuwing may ilaw na dadapo roon. I know he's just holding back his tears pero hindi ko magawang lapitan siya upang ako mismo ang mag-comfort sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung paano.

I thought he was a strong man. Pero kahit anong lakas mo pala, matututo't matututo ka pa ring lumuha.

The ringing sound of my phone broke my trance. Hindi ko magawang buhatin ang aking sarili upang dukutin 'yon mula sa 'king maliit na bag. Mas lalong bumigat lang ang pagtuon ng aking ulo sa balikat ni Margaux.

"Gusto mo bang tingnan ko kung sino yung tumatawag?" Margaux whispered nang mapansin niya sigurong wala akong balak na patahimikin ang kung sino mang tumatawag na 'yon. I did not bother to answer her kaya nagkusa na siyang kunin 'yon. "Si Charlee," pagpapaalam niya.

For some reason, my lips had the audacity to move upon hearing his name. "Sagutin mo na," I weakly said. Sinunod naman 'yon ni Margaux. She put it in loudspeaker mode para marinig ko rin si Charlee.

"Hello?" Margaux did the talking.

"Margs? Si Stacy?" Charlee's deep voice made its way to my ears. For some reason, na-miss ko bigla ang kaniyang presensiya. I wanted him around but I can't reach out to him para sabihin 'yon.

"She's here," sagot ni Margaux sa kaniya. I-aabot na sana niya sa 'kin ang telepono ngunit inilayo ko 'yon. I think she got the message kaya siya na lang ang kumausap sa kaniya. "Nasa emergency room pa rin si Richard. Naghihintay pa rin kami rito."

There was a long pause before I heard him talk back. "He'll get better. Tiwala lang." Another pause. "Si Stacy ba? Kumusta?"

"Still in shock," Margaux replied to him before she started caressing the side of my face. "I think wala pa siya sa mood na makipag-usap."

Naramdaman ko kung gaano kabigat ang pinakawalan niyang hininga mula sa kabilang linya. "Please look after her for me." His voice dropped. "I'm so sorry..."

I felt a pang in my heart. Mas lalong bumaon ang aking mga ngipin sa 'king labi.

Akala ko ay ibababa na ni Margaux ang tawag ngunit nagulat na lang ako nang may muling umimik pa sa tawag.

"Hi..." Her voice. The voice that I want to strangle.

The fact that she's still with Charlee made my stomach hurl and my chest tighten. Dumiin ang aking mga pilik sa 'king balat, drawing circles in my mind.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Recruit the Cover GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon