Prologue

115 5 2
                                    

"San po ba kayo bababa, Ma'am?"

"Sa may Holy Cemetery po, Manong." sagot ko.

I let my eyes wonder at the view outside the window. Nakakatawang ang ganda gandang mamuhay sa mundo kung saan may masarap na simoy ng hangin at magagandang tanawin. It's so calming and comforting. Ngunit kahit ano atang gawin mo'ng pag iwas sa mga bagay na alam mo'ng makakasakit sa'yo sa mundong ito kung nakalaan pala yun para maranasan mo, mararanasan mo.

There's no chance for you to protect your heart... and your family. Maybe, sometimes we need to fight these battles para alam natin kung hanggang kailan tayo malakas. Kung hanggang kailan natin kayang lumaban para sa mga taong mahal natin.

"Dito nalang ho, Manong. Salamat po."

I grabbed my baby blue sling bag. Hindi ko na hinintay pang makarinig ng anumang salita at nagpasya na akong bumaba sa taxi.

I'm walking along the path as I come closer to her grave.

Helen Mallari Celeste.

Nanatiling akong nakatayo sa harap ng kanyang puntod. Bumuntong hininga ako ng malalim... malalim na malalim bago ako nagpasyang magsalita.

"Hi, Mommy!" my voice sounded so happy... but my heart still hurts big time.

"Kamusta ka na jan? Ang tagal mo ng nagpapahinga, My, ah. Kailan mo 'ko susunduin?" naramdaman ko namang lumakas ang ihip ng hangin.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nangyari lahay ng 'to. Hindi ko pa rin talaga alam. Hindi ko pa rin maintindihan. Ang hirap maipit sa sitwasyong kailangan mo'ng mamili. Ang hirap maipit sa sitwasyong may isang dapat na isalba.

"Joke lang, My! Wag serious, baka mamaya eh totohanin mo! Ohmygosh! Hindi pa po pala pwede. Walang mag'aalaga kay Leah." I laughed a little at my own joke.

Leah is my only sister. Ako ang panganay pero hindi naman ganun kalayo ang agwat namin sa isa't-isa. She's now on her second year in College. San Lorenzo University is where I graduated. I took up Accountancy. At ngayong nakapagtapos na ay plano kong magtrabaho sa naiwang negosyo ni Mommy. Pero hindi pa siguro ngayon. Leah is a scholar there dahil gumraduate siya as their batch valedictorian noong 10th Grade niya. Luckily, with the help of that scholarship she was able to study there.

"I have good news for you! Guess what? We will be joining the dance competition hosted by the biggest people in our town, My! Finally!" balita ko sa Mommy kong tatlong taon ng namayapa.

"Pero matagal'tagal pa naman, My. Jessica shared the news earlier para daw po makapag'prepare yung katawan namin sa matinding training and practices na naman. But don't worry, My! I'll balance my time in practices and sa bahay para naman maasikaso ko pa rin si Leah."

Jessica is the leader of our group. J District. She's a year older than me kaya nauna siyang magtapos. I became an official member two years ago. It was my graduating year during high school when I passed the audition since naghanap sila noon ng mga bagong myembro ng Dance Troupe ng school.

I was thankful because I was part of it. Kasi kung hindi ako naging myembro nun, hindi ata ako makakapagpatuloy ng kolehiyo. And after I finished college, Jessica asked me if I could join her group and I gladly accepted her offer. Wala pa rin naman akong plano nung mga panahon na yun sa buhay ko kaya tinanggap ko. Sayang rin naman yung mga oportunidad kung sakali.

Nakakatawang isipin ulit yung naging dahilan kung ba't ko naranasan ang ganun.

"Ang anak mo, Helen, nagda'drama na naman!"

For sure, kung buhay pa si Mommy babatukan ako 'nun kasi kung ano'ano na namang kalokohan lumalabas sa bibig ko.

Inhale.

Along the Midnight SkyWhere stories live. Discover now