"W-what do you mean?", tanong ko't kasabay 'nun ang pagsabog ng puso ko.
May pumapasok na ideya sa isip ko pero pilit kong inaalis dahil ayokong pangunahan kung ano man 'yun.
Hindi niya inalis ang paningin niya sakin kaya ako ang umiwas. My heart is still beating so freaking fast and I think I'm gonna explode anytime because of what he said.
"Hmm.... Let's just say that it's my way of expressing my feelings", sabi niya pa.
F-feelings?! Anong feelings ba pinagsasasabi nito? Tsaka, ano? Ano daw?
"What feelings?", I asked and looked at him.
"Nothing. By the way, hindi pa tapos ang event nyo diba? Bumalik ka na sa loob, baka hinahanap ka na ng mga kasama mo.", pag-iiba niya ng topic.
Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. I almost forgot na hindi pa pala tapos yung event kaya buti nalang ay sinabi niya 'yun.
I laughed a little to lessen the awkward atmosphere.
Kasi naman, nambibigla. May pa-feelings'feelings pang nalalaman.
Tumayo ako at hinarap siya, "So... pa'no? Balik na 'ko sa loob. See you when I see you", pagpapaalam ko.
Ngumiti siya ng pagka-tamis'tamis at nanatiling naka-upo, "Yeah sure. See you when I see you".
Psh. Gaya-gaya pa ng linyahan! Gayahin mo rin kaya feelings ko para sa'yo? Hihihi.
Sinamahan nya akong bumalik hanggang sa pinto ng entrance. I waved at him and headed straight to the vacant room. Naabutan ko roon si Kim na may tinatawagan and when she saw me, she immediately put her phone down.
"Where have you been?! Ang sabi mo ay magc-cr ka lang! Ang tagal mo! Sinong pumapak sa'yo dun? Pokpok ka!", asik niya at hininaan yung huling sinabi.
Tangina rin talaga 'tong gagang 'to. Napakarumi ng utak! Ka-stress!
"Alam mo ikaw? Pasmado rin yang bibig mo 'no?", pambabara ko. "Totoong nag CR ako! Sinamahan ko na rin ng pahinga sa labas, dun sa may bench. Oh ano? Okay na, Mama?"
She only raised her middle finger at me and mouthed "that" word. Pinagtawanan ko lang siya at niyaya siyang balikan 'yung tatlo sa table namin. Pagkalabas namin ay hindi na ganoon ka-ingay dahil may kanya-kanyang mundo na ang bawat grupo.
Pagkarating namin ay may pinag-uusapan sila kaya naman nakisawsaw kami.
"Ano yan? Chika nyo rin samin", sabi ko.
Naka-upo na rin kaming dalawa at nilapit ang mukha sa kanilang tatlo.
"I saw Matthew", Olivia said.
When I heared Matt's name, I looked at my bestfriend. She's also staring at me like I did something. What the hell?
"How?", si Kim na ang nang-usisa.
Nilipat ko ang tingin ko sa kanya at 'nung nakitang kong pinandilatan nya ako ng mata ay kumunot ang noo ko.
"Nag-restroom kasi ako saglit. Pagkatapos 'nun pagkalabas ko ay nakita ko si Matt na palabas ng hall na 'to.", Eunice explained.
Sumandal ako sa inuupuan ko dahil hindi na naman ako interesado.
"He was looking for you", my bestfriend suddenly butt in.
My eyes widened because of that. Napaayos ako ng upo at tiningnan sila isa-isa, "He was looking for me? Huh?", taka kong pagtatanong.
First, hindi naman kami nag-papansinan nun. Mas lalo namang hindi kami nag-uusap. Kaya.... bakit ganoon?
YOU ARE READING
Along the Midnight Sky
RomantizmKyle is a student-athlete who dearly loves his family especially his Mom. Not until he met Lira, a frisky girl and one of the member of their school's Dance Troupe.