"Congrats bestfriend kong dancer!"
I was sitting alone in our classroom when Mica suddenly appeared in front of me. Break time namin at last period na sa umaga pagkatapos nito.
Bwiset! Si Miss A na naman. Science na naman.
"Ha? Anong meron?"
"Alam mo ikaw, updated ka sa mga gwapo pero hindi ka updated sa mga ganap sa buhay mo 'no?" kasabay nun ang paniningkit ng mga mata niya.
I laughed at her. Seriously? Ganun ba ako? Ganun nga.
"Halika! Samahan mo 'ko ng makakita ka ng totoong bituin!" and just like that, kinaladkad niya na ako papunta sa hallway.
Pansin ko rin ang mga nagkukumpulang mga estudyante lalo na sa bulletin board.
"Hoy! Ano ba kasing meron jan? Mamaya malate pa tayo, eh, alam mo namang si Gurang 'yon! Strikta yun sis"
"Sandali lang 'to, promise."
Eh ayun nga, sinunod ko naman siya. Whatever!
I assumed na sa bulletin board nya nga ipapakita sakin kung san nandun daw yung mga bituin.
"Ang daming tao!" she said.
I sighed.
"Excuse me! Excuse! Dadaan kami! Tabi!" walang manners kong paki-usap sa mga taong nandun.
Hinila ko siya hanggang sa makarating kami sa harap.
"Thank, God!" Mica said.
I looked at her, "Oh? Eh ano bang papakita mo dito? Anong meron? Bilisan mo" utos ko sa kanya dahil ang utak ko'y lumilipad sa kakaisip na baka late na nga kaming makapasok sa klase ni Gurang!
"Nakikita mo na ba ang mga bituin?" she asked.
Hindi ako sumagot. Konti na lang upakan ko 'to. Masyadong pa-surprise effect.
I turned my gaze at the different papers in front me.
Not until.....
My eyes widened when I saw an announcement from the school's dance troupe.
Congratulations to the newest members of SLU Dance Troupe!
10. Lirianne Isabel M. Celeste
Oh. My. God.
OH MY GOD!
"OH MY GOD!" I looked at my bestfriend.
She winked at me.
Oh my god! Thank you, Lord! Thank you po!
"I told you!" she scolded me, "But before we celebrate, bumalik na muna tayo sa classroom."
I giggled.
"Oo nga pala, si Gurang!"
Pagdating namin sa classroom, I think two minutes after, eh pumasok na rin si Ms. A
We call her Gurang because.... hindi ko rin alam. Basta, kasi matanda na tapos ang suplada pa.
Wala namang masyadong ginawa sa subject niya. Nag-surprise quiz lang naman siya. Ebarg pre, walang rebyu rebyu, quiz agad. Matalino 'to! Matalinong mangopya sa katabi kong si Olivia.
Olivia Silvestre. Nerd. At... at.. at nerd.
Well, slight lang, siya ang top one sa klase namin at siya lang ang nakakakuha ng line of nine na marka kay Gurang! Kaibigan rin namin 'to ni Mica 'no! Yun nga lang hindi masyadong sumasama samin kapag lumalabas kami dahil hatid sundo ng driver nila.
YOU ARE READING
Along the Midnight Sky
RomanceKyle is a student-athlete who dearly loves his family especially his Mom. Not until he met Lira, a frisky girl and one of the member of their school's Dance Troupe.