Chapter 1 - Unexpected meeting

5 0 0
                                    

"PLEASE DON'T LEAVE ME, I CAN'T LIVE WITHOUT YOU, MAS MABUTI PANG MAMATAY AKO KAYSA MAKITA KONG MAWALA KA SA AKIN"

''PATAYIN MO NALANG AKO, PERO HINDING HINDI NA AKO PAPAYAG NA MAWALA KA SA AKIN!! NAIINTINDIHAN MO??!"

"LAHAT NG SUGAT KO PALATANDAAN NG PAGMAMAHAL KO SAYO, KAYA KONG TIISIN ANG SAKIT KUNG KAPALIT NON AY ANG PAGBALIK MO"
.
.
.
.
Hinihingal ako nang magising marahil dahil sa panaginip ko.

Isang panaginip na hindi siguro mangyayaring mawala sa aking isipan gaano ko man pilitin.

Kasalukuyan akong nasa barko.. Ilang sandali pa ay napansin kong malapit na itong dumaong kaya naman nag-ayos na ako ng aking mga gamit.

Nang makababa na ako, sumakay na ako ng jeep para tunguhin yung tutuluyan kong hotel.

Ilang sandali pa ng pagaantay ng pasahero ay nakaalis na din kame, hindi naman ganun kalayuan yung lugar.

Nag-para na ako kahit wala pa ako sa bababaan ko talaga, malapit naman na ako pero naisipan kong lakarin ito para madama ko din ang sariwang hangin ng Marinduque..

Habang naglalakad ako bigla namang bumalik sa akin ang dahilan kung bakit ako nandito..

Nasa Canada si Miguel ngayon para sa therapy niya. Kung hindi dahil kay Nikki siguro ay nasa Canada din ako ngayon.

Hindi ko alam pano niya ito napapayag na huwag akong isama. Pero kahit anong paraan pa man yun nagpapasalamat pa din ako kay Nikki.

Si Miguel ay boyfriend ko for almost 2 years, at si Nikki naman ay ang kapatid niya na siya ko ring matalik na kaibigan.

I dialled my best friend's number...

"Hey what's up? Kamusta, nasaan kana?"

"Malapit na ako sa Hotel.. Nikki, thank you ulit ha."

" Ellie pang 100000 times kana atang nag t-thank you, alam mo naman na iisa lang ang isasagot ko sayo diba? You're welcome and you deserve it, ako dapat ang mag thank you dahil di mo ako iniiwan at hindi ka nagbabago kahit nahihirapan kana, at sorry din kasi dahil wala akong magawa, na hanggang ganito lang ang kaya kong gawin for you " halata sa boses niya ang lungkot.

"No, wag mong sabihin na ganito 'lang' ang nagawa mo, you don't know how much this means to me"

"Love you Ellie, enjoy your 3 days stay there ha and don't forget to tell me if may mga handsome boylets jan hahaha"

"Puro ka talaga kalokohan, sige na bye"
then I ended the call.

Pagpasok ko sa Hotel na ito ay namangha ako sa ganda nito, marami din akong nakikita na mga naka pang swimming attire at tyaka ko naalala na resort din nga pala ito.. nawala sa isip ko yun dahil biglaan lang ang bakasyon kong ito.

"Hi, reservation under Elliana Santos po" sambit ko pagka lapit sa front desk.


"Hi mam! Welcome to Del Falco Hotel & Beach Resort.. Please spare me a minute, check ko lang po" ngiting sabi ng babaeng staff sakin.


"Mam, by exactly 2pm po our room attendant will escort you to your room, k-kindly patiently wait po for 10-15 minutes sa waiting area. Thank you po" magalang na sabi nito, mukang bago lang siya kase kabado yung pagkakasabi niya..


Exactly after 15 minutes ay may lumapit na sa akin na room attendant, at inassist nya ako sa mga gamit ko.


Sinundan ko lang siya at inihatid nya na ako sa floor ng kwarto ko.


"Your room number po mam as per our front desk staff is room 601" sabi ng nag assist sakin nang makalabas kame ng elevator.


"Ah kuya, ako nalang po magpapasok sa kwarto. Salamat po ulit" sabi ko sa kanya kaya umalis na din ito pagkatapos niyang iabot sakin yung key card ng kwarto


Sinubukan ko nang buksan ang pinto, at nung bumukas na ay ipinasok ko na ang mga gamit ko.


Nang maipasok ko na lahat ay tska ko palang natignan ng maayos ang kwarto ko.

Ito ba yung binooked kong kwarto? Bakit parang masyadong magara yung kwarto ko samantalang regular room lang sa pagkakaalam ko yung binayaran ko?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ito ba yung binooked kong kwarto? Bakit parang masyadong magara yung kwarto ko samantalang regular room lang sa pagkakaalam ko yung binayaran ko?


Sinubukan kong libutin yung kwarto, dahil nagtataka pa din ako kung bakit nandito ako.


Napabalikwas ako ng may lumabas na lalaki na nakatapis lang ng tuwalya ang baywang.

Napabalikwas ako ng may lumabas na lalaki na nakatapis lang ng tuwalya ang baywang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ellie?
.
.
.

.
.
What are you doing here?"

Kunot noong tanong nito sakin.

She Who Doesn't CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon