I Love You StillA story written by:
Kim_missu
__________
______Pads
Aszrea's POV
"Hala! I need to change my pads na!"
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at pumunta sa cr ng room ko. I'm feeling uncomfortable na that's why I need to change it.
I opened my mini cabinet and I was about to get one but unfortunately ubos na pala. Naubusan ako ng stocks!
Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at tinakbo ang kwarto nila mommy at daddy. I know that they don't mind, they're not here naman. Bumalik sila sa ibang bansa so that they can handle our company there.
Pinihit ko na ang door knob ng pinto ng kwarto nila at mabilis na tinakbo ang cr nila, pero malas nga naman dahil wala ring napkin sa cr!
Gosh what will I do? Bat kasi ngayon pa? Hindi ko napansin na paubos na pala! Should I ask kuya Del, our driver to buy my napkins? Obviously no!
How 'bout Nanay Cynthia? Nah she's a lil bit old na at tsaka isa pa its eight p.m. na nang gabi.
Nahihiya akong mamili sa sarili ko. Its embarrassing! Kung hindi naman ako mamimili anong gagamitin ko?
Hayy, I don't have a choice but to buy with my own. I don't want to disturb them kaya ako na lang.
Napailing- iling ako. Napakamalas. Bigo akong bumalik sa kwarto ko at kinuha ang wallet at cellphone ko. Humarap muna ako sa salamin at tinignan ang itsura ko.
Nang makuntento na ako ay tuloy-tuloy na ako lumabas at bumaba. Habang nasa hagdanan ako ay napansin agad ako ni Nanay Cynthia at ng ibang maid.
"Oh, Aszrea iha. Aalis ka?" Nanay Cynthia asked me.
I smiled at her. "Opo Nanay Cynthia I need to buy something."
"Hindi ba pwedeng ipagpabukas na? Wala kasi si Del dito para ihatid ka isa pa'y gabi na."
Napkin? Obviously hindi ko pwedeng ipagpabukas yun! Gosh I really need it talaga!
Tinapos ko munang makababa sa hagdan bago ako nagsalita. "Okay lang po nay, kaya ko naman pong mag-isa. Hindi ko po pwedeng ipagpabukas, kailangan ko po kasi talaga 'yong bibilhin ko."
"Ha? Delikado iha gabi na, Ano ba yung bibilhin mo, ako na lang ang bibili."
"Hala wag na po 'Nay Cynthia, ako na lang po tsaka dyan lang po ako mamimili sa 7-eleven sa labas ng village...... " Pamimilit ko pero walang talab dahil halatang hindi pa rin kumbinsido si Nanay Cynthia.
"...... Pleasee? Tapat lang naman po ng village natin yun."
She sighed. "Hay, ano pa nga ba? Sya sige na basta'y mag-iingat ka. Isama mo 'tong si Mika. Umuwi kayo kaagad."
"Okay, bye!" After that ay tumalikod na ako.
Mabilis akong lumabas ng bahay namin. Nakasunod naman si Mika sa akin, well Mika is Nay Cynthia's grand daughter.
It's a good thing that Nay Cynthia let me, I don't want to disturb them rin naman 'coz I know na busy pa rin sila sa pag-aayos at paglilinis ng bahay namin.
Bagong lipat lang kasi kami dyan, Mom decided to move out--- matinding pilitan pa ang ginawa ko para bumalik kami dito. Ginawa ko ang lahat, iniyakan ko sila until they decided to go back here in the philippines at dito simulan ang grade 10 ko. Pagkauwi ko duon ko lang nalaman na 2 weeks late na pala ako para sa start ng pasukan. Kaya inenroll ako kaagad, pwede na daw akong pumasok next day.
YOU ARE READING
I Love You Still
RomanceA feeling that you've always wanted to feel. Love. Until one day a man made you feel it. It is an unexpected love. Love that made you happy. Love that made you feel how lucky you are. Love that made you cry. Love that made you feel like you're on a...