CHAPTER 2

20 1 0
                                    

I Love You Still

A story written by:

Kim_missu

_________
______

Ditch

Aszrea's POV

Mom is really true to her words. This school is really beautiful! I love it, specially their cafeterias! Yes they have 3 cafeteria. I think the first one is for elementary students. The second one is for highschool students and the last one is for college students.

Nandito na kasi sa school na'to lahat ng grade level. Malaki rin yung sakop nya that's why hindi siksikan! Specially sa cafeterias! Lalo na we have 2! The hallways are wide pati na rin ang classroom. Air-conditioned rin pati yung covered court and auditorium nila. And lastly their uniform! Color blue and kulay ng uniform na suot-suot ko at may straight line na color white sa blouse ko. 2 inch above the knee naman yung skirt, pencil cut. I love it!

Madami rin akong nakakasalubong na students.
Dere-deretso lamang ako sa paglakad hanggang sa malikuan ko nanaman ang panibagong hallway. I need to make it fast, baka malate ako! That's why even though naa-amaze pa rin ako sa University na'to eh mabilis pa rin yung lakad ko.

"Hmm where is room 224 located kali? This is so big!" Saad ko habang palinga-linga upang hanapin ang room 224. Nakalagay kasi dito sa form na  hawak-hawak ko is Room 224 daw ako. But the problem is hindi ko mahanap! This school had 18 buildings na para lang sa highschool and senior high students. Separate kasi ang elementary, highschool to senior high and college

Habang naglalakad ay tinignan ko ang wristwatch ko and omy gee! 5 minutes and I'll be late!

Tumakbo na ako sa hallway na tinatahak ko.

Nakarating na ako sa isang building, it is bigger than the other one. Tinignan kong muli ang nasa taas ng bawat pinto. Duon kasi nakalagay ang room number ng bawat room.

"Gotcha!" Masaya ko pang saad ng makita ko ang room 223 kasi diba ang sunod nyan ay 224? I know I'm smart.

Tuloy-tuloy ko lang nilampasan ang room 223, i don't even mind checking it kasi nakafocus lang ako sa next na room. Pagkatapos kong makalampas sa room 223 ay agad na akong nakarating sa pinto ng room, tuloy akong pumasok sa kasunod nitong room. Dere-deretso lang ako sa pagpasok not even looking at the students. Naramdaman kong lahat sila ay unti-unting napatingin sa akin, I already see this coming. Of course! I'm 2 weeks late at transferee pa, I don't even have friends here or atleast someone that I know kaya hindi ko na pinansin at naghanap na lamang ng free na upuan. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng room, well this is big! Looks like maganda ang taste ng teacher. Maganda kasi ang itsura ng room at malinis rin! Pumunta na ako sa bandang likod ng room, they're still looking at me like I'm a criminal! Or maybe I'm just over reacting?

I shook my head. Siguro kaya lang ganito dahil ako lang ang nakatayo sa aming lahat, yeah right I should find a seat para ma divert ang attention nila sakin! Like what I've said naghanap na nga ako ng seat at sakto may isa namang free'ng seat masaya at masigla akong lumapit duon. Saktong sakto ang pwesto dahil hindi sya dulong dulo, hindi rin naman gilid na gilid and Lastly hindi ako masisinagan ng araw. Ilak hakbang na lang ay makakarating na ako. Ayan na ayan na...

Nakarating na ako sa harap ng upuan, I was about to place my bag pero napahinto ako dahil biglang pagbagsak ng bag sa upuan na napili ko. Napatigil ako dahil sa nangyari! Hell nakita naman siguro ng taong yun na pupwestohan ko na.

Nabitin ang paglalagay ko sa bag ko. Hawak ko pa rin iyun at dahan-dahang isinakbit uli sa balikat ko. Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi naman sya bastos. I promise hindi talaga.

I Love You StillWhere stories live. Discover now