CHAPTER 5

20 1 0
                                    

I Love You Still

A story written by:

Kim_missu

_________
______

Guidance

Aszrea's POV

OUT OF ORDER!

Iyan ang nakasulat sa puting papel na nakita ko sa pinto. Nagtagal pa ang tingin ko duon.

Sa pagkakaalam ko ay wala namang nakalagay dun kanina.

No. Im pretty sure na wala talagang nakalagay duon kanina pero bakit nagkaroon? Totoo ba yung sinabi ni ate na may nangti-trip sa akin? Kung ganon sino?

"Aszrea! Iha andito ka lang pala."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Tumambad sa akin si Kuya Del. Shoot! Nalimutan ko!

"S-sorry po Kuya Del."

Lumapit pa sya sa akin. "Ano bang nangyari sayo at nagtagal ka?" Nakulong po.

"May ginawa po kasi akong groupwork. Nalimutan ko pong sabihin. Sorry, di na po mauulit."Paumanhin ko. Hindi ko naman napigilang makaramdam ng inis para sa sarili. Naiinis ako sa sarili ko dahil pinag-antay ko pa si Kuya Del.

"Walang problema." Ngumiti sya. "Halika na umuwi na tayo." Nauna ng maglakad si Kuya Del. Nakasunod lang naman ako sa nilalakaran nya. Hindi ko pa rin maiwasang maisip ang nangyari kani-kanina lang. Kung paano ako nakulong sa loob ng girls bathroom.

Buti na lang talaga ay may pabutton-button ang school namin kung hindi..... Gosh! Baka iyak na ako nang iyak sa loob.

Pakiramdam ko tuloy ay magkakaroon ako ng phobia sa nangyari! Pinagsisisihan ko na hindi ako sumabay at nagpasama kay Claudine.

Sumakay na ako sa kotse at nagsimula ng magmaneho si Kuya Del. Hindi naman nagtagal ang byahe pauwi. Hindi kasi masyadong traffic kaya ilang minuto lang ay nakauwi na rin ako.

Pabagsak kong humiga sa kama ko. Exhausting! Pinikit ko muna ang mga mata kong ng ilang minuto. I want to rest.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga nang marinig ko ang pag-vibrate ng phone ko. It must be Claudine!

Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid. My eyes were still closed. Nang maabot ko na ay dun ko lang minulat ang mata ko. Tinignan ko naman kung sino ang nagmessage and I was right.

Claudine: I'm home na,
how 'bout you?

Napangiti naman ako. Claudine is a sweet girl kaya nakakapagtaka na wala syang naging kaibigan bukod sa akin. Hindi na rin pala nakakapag-taka, pansin ko kasi na mapili sya. Hahaha.

Nagtipa naman ako ng isasagot.

Nakauwi na rin ako. Don't
worry about me. See you tomorrow ! :)) :Me

Sinend ko na ang message ko at naseen nya rin naman. Nagreact sya ng heart sa message ko. Thats it. Pinatay ko na ang cellphone ko at nilapag.

"Ang haggard na!" Naasiwang saad ko habang tinitignan ko ang reflection ko sa salamin. Hindi pa man ako nagtatagal nang isang buwan sa school pero ganto na ang hitsura ko. Argh!

Nakakunot ang noong bumaba ang tingin ko sa katawan ko. Medyo nabawasan ang pagkaasar ko, maayos kasi ang katawan ko. Mom said that my body is fine lagi pa nga nyang pinupuri na ang sexy ko daw she's my mom I believe her words.

Tinigil ko na ang ginagawa ko. It doesn't make sense mas mabuti pang simulan kong maligo para hindi ako mahuli sa klase.

"Anak! Come here let's eat breakfast na!" Masiglang aya sa akin ni Mommy. Binilisan ko naman ang pagbaba ko sa hagdan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You StillWhere stories live. Discover now