Chapter 2

14 0 0
                                    

"Aray!". Napasigaw sa sakit si Catalyst nang pingutin ng police director Magno IImares sa tainga nya.
"Pumunta ka ng ibang bansa na wala ang pahintulot ko! Aba! kung hindi pa tumawag sa akin ang Investigation department ng Germany hindi ko pa malalaman!".
Mas nagalit pa ang lolo nya dahil ginamit nya ang IPI para lang makalusot sa airport. Although valid naman lahat ng proweba nya maliban sa lolo nyang nag-hysterical sa ginawa nya.
"Lolo naman eh! Sige nga paano ako makakapunta dun eh ang layo ng Germany as if may pera ako". Alibi nya.
"Wag mo ako gawin tanga Catalyst kapag curious ka pa naman hindi ka dyan mapakali may dahilan ka kung bakit ka naroon ka ni report saakin ni Marlow Danson".
Sa huling sinabi nito kumunot ang noo niya.
"Nagpakita gilas ka raw sa mall roon".
Napaisip siya ng malalim.
Marlow Danson pala ha.
"Tsk! sumbongero naman pala ang police detective na yun".
"So inamin mo din andun ka nga!".
Paktay! Nahuli ako ng sarili kong bibig
"Basta! kung ano ang pinunta ko roon akin na lang yun!".
Naiinis na nagwalk-out si Catalyst sa opisina ng lolo nya.
"Aba! Batang to-".
"Hey kiddo-". Bati sana ni Aaron ngunit nilampasan nya lang. Wala sya sa mood makipag-chitchat rito.
Para kay Catalyst hindi mo na siya uuwi sa kanila. Bigo na nga sya alamin kung anong meron sa Germany pag-balik  nya ng Pilipinas ay sermon lang ang aabutin niya. Buntong-hininga tiningnan nya na lamang ang papel na binigay sa kanya ng godfather.
Black + Red +Yellow =
DPDUHOLR PRQVZQ
D-3-@-+-8
Kaya lang naman sya pumunta ng Germany dahil sa nabuo konklusyon. Germany's flag has a three colors at nagbabasakali sya na yun ang sagot sa Black,Red and Yellow. Sa una akala nya wala sense ang mga ito pero hindi naman ilalagay ng godfather iyon kung walang dahilan. It means may kinalaman ito sa hinahanap nya na si Timothy.
"Tsk! Pwede nya naman kasi sabihin daming alam". Reklamo niya na itinaas ang papel. Kung nandyan pa rin ang kuya Zvan at si Red ay mapapadali ang lahat kaso dalawang araw na ang mga ito wala na sa Pilipinas sakto din pagkauwi nya.
Kapag nasa America kami bawal muna chat, tawag as in wala muna istorbo gusto ko lang masolo si Red ha! makulit ka pa naman halos araw-araw di ka nauubusan ng tanong.
Naalala bilin ng kuya Zvan nya ngunit may kalakip na reklamo.
"Hayst! Oo". 
Gumising ang diwa ni Catalyst na naninibago sa daan.
Nasaan ako?
She's stuck with unfamiliar old buildings, weird kasi tahimik although may mga dimlights pero iba ang pakiramdam nya eh. When she feel something bad she have to believe it. Ganon kalakas ang instinct ni Catalyst. Buntong-hininga pabalik na sana sya ng may grupo ng mga kalalakihan ang nagsilabasan.
"Miss pauwi kana mukhang naliligaw ka ah, ihahatid ka ba namin?". Tanong ng isa sa mga ito na inaamoy-amoy siya.
"So-sorry may-". Tatangi na sana siya ng pagkatalikod ay may grupo din ng kalalakihan ang naroon.
"Hatid? Kami dapat ang gumagawa sa baby girl na ito".
Napahawak siya sa stun-gun wristwatch.
"Wag nyo kami subukan". Nagsidikitan ang mga noo nito na hudyat n ng umpisa ng kaguluhan.
Mama ko po!
Napangiwi ang mukha niya sa nerbyos. Tatakbo ba siya o mananatili sa magaganap na gulo.
"Ah eh natatae ako".
Wik niya saka kumaripas ng takbo. "Oy habulin nyo!".
Narinig nya pang utos nga isa.

"Ano ba kasing lugar 'to". Reklamo ni Catalyst.
Marami ngang gusali puro naman mga close o di kaya private. Ang luluma na din ng mga plaka at billboards. Talamak din ang vadalism sa mga ding-ding at dumpster.
Nang tingnan ang mga nalalampasan niya mas dumagdag lang ang kaba sa kanyang dibdib.
"Wait? Lugar ba ito ng mga gangster?".
Di kalaunan natagpuan niya ang sarili sa abandonadong pabrika kahit madilim tinahak niya iyon para lang makapagtago. Hinihigal itinago niya ang sarili sa  kumakalawang na mga makinarya.
"Yoohoo! baby girl alam namin na nandito ka".
Tinakpan ni Catalyst ang bibig upang di makasinghap.
"Let's have fun!".
Nagpaikot siya ng mga mata. Ang titigas kasi ng apog ng mga ito na hindi umalis hangga't  hindi sya lumabas.
"Niloloko nyo ba kami wala kaya sya rito!".
Maangas na nilapitan nito ang kalaban grupo.
"Mga bobo! Na amoy ko sya kanina kaya nakatatak ang halimuyak nya saakin!".
"Wala nga sya rito eh!".
Matapos sabihin ng gangster na iyon nagsuntukan ang mga ito.
"Mga troublemaker!". Naiiritang iniwanan niya ang pinagtataguan at maingat na lumabas sa fire exit ng pabrika.
Pagkalabas niya...
"Hey kiddo-".
Kunot-noo tumingala siya kay Aaron.
"Opps! Don't ask i'm here to save you".
Sinimangotan niya ang binata sa pagpigil nito pagsalitain siya.
"I'll drive you home". Alok ni Aaron.
"Wag na!".
Nang ikinabigla nya buhatin siya ng lalaki at isinampay ang tyan niya sa balikat nito saka niyakap ang binti nya para hindi makasipa.
"Hoy! Aaron! Ibaba mo ako!".
"Mga men kayo nabahala sa mga gangster, iuuwi ko lang ang makulit na 'to.
"Bingi ka ba! Sabi ko ibaba mo ko!".
Natatawang hinayaan siya ni Aaron tumalak.
        
                               ***

"I thought we lost you Amarelio". Malambing at mahinahon pahayag ni Navises.
"We're doing a test to a young boy so we got here to find you, there's a bit of conflict when he tried to escape but don't worry someone is taking care of him".
"As I told you! I already dismissed that drug, it is too dangerous".
"From the start it is dangerous Amarelio!". Pinandilatan ni Navises ang chemist engineer.
"You're being such a coward for doing your job! All i want is to continue your experiment that could beat Cold war's LSD".
Muli ay malambing na ngumiti si Navises.
"Be thankful that we need you".
Pinagitnaan si Navises nina Mavicus at Othello.
Ang tatlo ito ay ang tinatawag na tristar of the Prime Crescent Palace, mga dugong bughaw na galing sa pamilya ng mga negosyante. Pero ang kinikilalang pinakapuno ay si Lord Navises ang C.E.O and owner ng Tech Innovative ang kompanya sikat sa pag produce ng Virtual Reality Coffin.

Secret Bait : Book 2 City Night LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon