Chapter 4

13 0 0
                                    


Iginugol ni Aaron ang paghahanap ng impormasyon tungkol kay Amarelio Monson na isang Chemist engineer na nagtatrabaho sa Germany bilang researcher. Habang nag-ta type sa computer naisip niya ang pagluwas ni Catalyst sa bansa para lang makahanap ng lead sa most wanted na si Timothy.
"Tech.Innovation". Sambit niya.
Anong connection nito kay Timothy? Ah! Di kaya nagtatrabaho rin ito noon? Posible. O Magkakilala ba sila ni Amarelio Monson? Maari.
"Hayst!".
Sinabunutan niya ang sarili, ito yung pinakayaw nya eh yun madami na syang tanong.
Napag-alaman niya ang Tech.Innovation ay isang sa nangunguna I.T company sa bansang Germany at ang sikat nilang produkto ay ang VR coffin na pinakamabenta kahit napakamahal. Tanging mayayaman at may pera lang ang nakaka afford bilhin ang nakakamangha teknolohiya. Ayon pa sa article nakuha nila concept na ito sa 2009 movie film Avatar pero ang kaibahan nito ay ang VR coffin ay isang gaming world na pwede mamili ang manlalaro ng mga available na VR games sa loob ng coffin.
You're awake from the other side. Tag-line pa ng kompanya.
Agad na inireport ni Aaron ang natuklasan sa police director at nag-conduct na ng formal investigation.
"I have to inform Marlow Danson about this".
Kumunot ang noo ni Aaron dahil hindi niya kilala ang binangit nito.

Secret Bait Book 2
City Night Lights

Ilang ulit na kinatok nila Catalyst at Aaron ang napakalaking gate ngunit walang sumasagot.
"Baka wala talaga sya".Nawawalan pag-asa sabi ng dalagita.
Gamit ang nasagap na personal infos mula sa government ay tinuntun nila ang tinitirahan ni Amarelio Monson.

"Matagal na wala ang may-ari ilang linggo na ang nakalipas". Pahayag ng isang matanda lalaki may tinutulak na Kariton.
"Eh lolo, nagbabakasakali lang po pero may alam ho ba kayo kung asan sya?". Tanong ni Aaron.
Napalipat-lipat ang tingin ang matanda sa kanila.
"Mag-jowa ba kayo?".
Nasapo nilang dalawa ang kani-kanilang noo sa echosero tanong ng matanda natatawa pa.
"Ah eh hin-".
"Tama ho kayo lolo".
Napanganga si Catalyst sa sinabi ni Aaron. Ano trip mo? Mas nagulantang pa sya ng akbayan siya ng lalaki na inilapit pa nito ang gilid ng katawan sa kanya.
Bumilis ang tibok ng puso nya sa simpleng gesture na iyon.
Akmang kakalas nang matitigan ang  mga mata ni Aaron na may kalakip na pagbabanta.
Shooka! pinagbabantaan mo ba ako humanda ka saakin mamaya! Gigil ni Catalyst sa loob-looban.
"Aba iha ang swerte mo naman sa boyfriend mo napakagwapo".
"Maliit na bagay lolo". Si Aaron na ang sumagot sa kanya. Anong maliit na bagay? mas magandang sabihin feelingero ka!
"So lolo may alam po ba kayo?". Back to the topic na tanong niya saka mahinang siniko sa tagiliran si Aaron.
"Hayst-".
Hindi niya pinansin ang pagkainis nito.
Nasaktan ka? Good for you!
"Alam mo iha naroon kana eh, pinalagpas mo pa isang lugar na nabubuhay tuwing gabi, Matiwasay man ang labas ngunit nasa loob pa rin ang mga mapangahas".
Napakamot sya ng ulo. "Lolo bugtong po ba yun, lumang tugtugin na po kasi".
Malakas na tumawa ang matanda sabay tulak ng kariton nito.
"Ang weird".
Komento ni Catalyst ng balingan si Aaron.
"Bakit?".
"Hindi mo ba napansin may laman ang sinabi nya". Sagot ng lalaki napahimas-himas ng baba.
Nag-isip din siya na inulit sa utak ang sinabi kanina ng matanda. Isang lugar nabubuhay tuwing gabi, Matiwasay man ang labas ngunit nasa loob pa rin ang mga mapangahas.
"Aaron satingin mo ba yun-".
"City Night Lights".

Ang nabanggit ni Aaron sa kanya ay isang syudad na malimit lang ang mga tao pumunta roon dahil sa kalumaan at napabayaan na ang lugar hindi rin ito maaari bagohin dahil sa Treaty of Individualistic or sa madaling sabi stand alone city. Hindi na sakop ng gobyerno ang naturang syudad kaya walang residente roon bagamat madami ang palihim ang gumagawa ng transaksyon roon marumi man o malinis.
Trivia: Sa Book 1 ng Secret Bait natuklasan na ito ni Red dahil doon tinipon ng mga taga Phantom ang mga nadudukot na mga batang kalye.

So yun na nga hangga't hindi pa patay ang may-ari ng syudad walang dapat baguhin at gawin.

Bumaba si Catalyst sa sasakyan ni Aaron saka nagsalita.
"Kakaiba talaga ang lugar na 'to, hindi ko alam kung paano ako na padpad rito". Wika ni Aaron na malayo naman ang tingin sa tahimik na City Night Lights.
"Ano pa nga ba? Sa pag-iisip ko paa ko na ang nagdala saakin rito". Dag-dag pa ng dalagita.
"So it means may reason kung bakit Catalyst".
Tiningnan niya si Aaron na hindi makapaniwala. Tao rin naman pala kausap ito. Pero di parin mawala sa kanya na maloko parin ito.
"Hay! Ewan!". Usal agad na response nya.
"Alam mo may problema ka nga saakin eh! Di na nga ako nagrereklamo di mo man lang ako matawag na kuya!".
"Kuya". Asik na ulit nya. "From day 1 na nakilala ka! Hindi ka karapat dapat na tawagin kuya".
"Eh ano pala tingin mo saakin?".
"Dapat alamin mo yan sa sarili mo engot!".
"Aba sumusobra ka na ha!".
Inalsa nito ang kamao na kunwari'y susuntukin siya.
Naputol lang ang iringan nila ng may mga narinig na humaharurot na sasakyan sa di kalayuan.
"Drag-racing?legal ba 'to?". Tanong ni Aaron sa ere.
Pinuntahan nila ang kuta nun at, marami ngang mga tao naroon para masilayan ang karera.
"May dapat managot-".
"Hey, pretty boy wanna join with us". Pang-aakit na say ng sexy babae.
Samantala si Catalyst naman ay ikinumpara ang sarili dibdib sa magandang hubog ng hinharap ng bebot. Truthslap, wala syang panama rito.
"Ah-eh may pupuntahan pa tayo hindi ba?". Agaw eksena niya sabay hinila ang kamay ni Aaron at patakbo.inilayo ang lalaki roon.
It was a slow motion moment while they were running. Catalyst don't want to see that will ruin her mood because of an annoying scenario.
"Ba't tayo umalis dun?". Tanong agad ng lalaki sa kanya ng napahinto sa ilalim ng tulay na may pulang violet dim lights.
Di muna sya sumagot, she's catching her breath. Hanep naman sa lalaki ito hindi niya nakitaan hinihingal. Runner nga.
"Ayiiee...wag mo sabihin-".
"Hindi sya bagay sayo".
Nabigla si Catalyst sa lumabas sa labi nya maging si Aaron din.
"Ibig ko sabihin matino babae ang dapat sayo". Patay malisya umiwas siya ng tingin.
"Aww, may care ka pala saakin?".
"Oo para tumino ka din".
"Salamat hawak mo parin kamay ko".
Lumaki ang mga matang binibitawan niya kamay ng lalaki.
"Hindi ko naman papatulan yun eh".
Nagtama muli ang mga paningin nila.
Again...
This feeling...

Secret Bait : Book 2 City Night LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon