Chapter 5:
The Comeback
After another 2 months…
Liam’s POV
Ang bilis ng panahon. It’s already June. at hindi parin SIYA bumabalik. naibabalik ko na ang sarili ko mula sa pagmumukmok at paglalasing. Tutok kasi ako ngayon sa trabaho sa company namin. Ako na ang pina-manage ni Dad last month lang.
“You’re doing great, Son. Kahit bago ka pa lang, ang dami mo ng nagawang improvements dito sa kumpanya. I’m so proud of you.” saad ni Dad. ako na kasi ang CEO dito.
“Thanks, Dad.” umalis na ako at pumasok sa elevator. pagkalabas ko sa groundfloor laging tulala ang mga mukha ng employees ko. tsk, di parin talaga lalaos ang mukha ko.
“Ang gwapo talaga ni sir,kyaaaaaaahhh!” E1
“Bye sir, ingat po kayo.”E2
“Ang bata pa niya, pero magaling na sa trabaho.”E3
“Oo nga, pati kaya sa kama magaling siya? Swerte ng gf, ang hot!” E4
Napalingon ako sa huling empleyadong nagsalita -_-. pati ang iba, napalingon sa kanya.
“Hehe, sorry sir. Joke lang po yun. ^_^V.” E4 .saka ako nagpatuloy ng lakad.
“Ikaw kasi, ang green mo mag-isip. tsaka may nagmamay-ari na kay sir. di na kailangan ng gf.” rinig kong sabi ng kasama niya. Sa totoo lang ,hindi naman dahil dun sa magaling ako sa kama na totoo naman >:D kaya napalingon ako eh. kundi dahil sa nakarinig ako ng GF. naalala ko na naman siya. hindi ko parin makakalimutan ang buong pagkatao niya. halos gabi-gabi ko siyang naiisip at kahit na kasama ko ang fiancée ko, siya parin ang iniisip ko. pagdating ko sa carpark naghihintay na siya. Si Felize Marie T. Santiago, siya ang fiancée ko, kasabay ng pagiging CEO ko ang pagkakatali sa kanya kasi business partner ng Dad niya ang Dad ko.. mabait siya, maganda, mayaman at matalino. wala ka ng mahihiling pa sa kanya, marahil napalapit na siya sakin pero..
HINDI KO SIYA KAYANG MAHALIN. hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kung ipangtrato sa kanya.
“Kanina ka pa?” tanong ko.
“Not really. Let’s go.” saka siya pumasok sa car ko.
“Di mo bad ala ang car mo?” ako
“Hindi eh. tara, shopping.” Felize
“Eh panu ka nakapunta dito kung wala kang dalang kotse?-_-“ nagsisinungaling nanaman siya kaya natutuwa ako dito minsan eh.
“Ah..eh..naglakad?”
“Tsk. hindi ka papasa sa pagsisisnungaling Felize. ang tamad mo kaya maglakad kahit malapit lang.” nagpout lang siya at nagcross-arms. naalala ko nanaman siya. lagi naman eh.
“Tulala ka? naalala mo nanaman siya noh?”
“mind reader kaba?=_=” ako
“sus! selos na ako niyan. tara na nga, kainis to.” saka ko pinaandar ang sasakyan. hindi siya katulad ng iba na pinagsisikan ang sarili nila sakin, marunong siyang lumugar kahit may gusto pa raw siya sakin.
“McDo tayo,kain muna, gutom na ako.” ako
“Ang sabihin mo dadaanan mo lang ang condo ng pinakamamahal mo kaya ka nagugutum-gutuman.” talino talag ng isang to. madadaanan kase namin ang condo ni Yahnnie kapad pupunta kami sa McDo galing rito. bago ako umuwi sa condo ko, lagi akong umaasang bumukas ang ilaw sa bintana ng unit ni Yahnnie kaya lagi akong dumadaan dito at nagbabakasakaling bumalik na siya.
“Tumahimik ka nga jan, di kita ililibre eh.” saka pa siya tumahimik. pagkadaan namin, wala paring tao. hanggang kalian ba Yahnnie? hindi mo naman papaabutin ng taon diba?
BINABASA MO ANG
Destiny's Decision by UrGirlNextDoorKimyin
Teen FictionFictional story written by: UrGirlNextDoorKimyin in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :) With a touch of Yeng Constantino’s “Cool Off” :) This is a short story based on a song. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV...