Chapter 7:
Sad Anniversary?
Yahnnie’s POV
Siya ba talaga yun?
flashback…
Pagkalabas ko mula sa stall ng pinagbilhan ko ng regalo para kay Liam. hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Si..
Si..
Si..
Liambeb!! Siya nga! walang pinagbago kundi ang lalong pag-gwapo niya. gusto ko siyang lapitan, hawakan, yakapin at halikan. kaya lang may kasama siyang..babae. Sino yun? kailangang kong malaman. Umalis na siya at iniwan ang babae sa may bench, sa tingin ko napaltos ang paa kaya binigyan ko ng band-aid. ang cute niya, parang anghel. nag-usap lang kami at biruin niyo yun napagkamalan niya akong si goddess? natawa ako dun, kasi I look like one naman daw tapos I look familiar din daw, sikat na ba ako ^_^. kaya nagpakilala kami sa isa’t-isa,Felize ang pangalan niya, hanggang sa..
“Nice to meet you too, Felize. So why are you alone here?” nakangiti kong tanong.
“may kasama ako. may binili pa kase siya.” siya
“Oh.. you’re boyfriend?” curious lang kung anong relasyon niya kay Liam, malay niyo.
“NO!” napasigaw siya. Yes! buti nalang.
“I see.” bulong ko. napangiti ako ng lihim.
“He’s my fiancé..” O_O Halos di ako makahinga sa narinig ko. Oh no. my ghad! totoo ba to? nangingilid na ang luha ko buti nalang nag-shades ako.
“O-oh.. really? great. I’m happy for you.” I stutter then I faint a smile. gusto ko ng umalis dito.
“Thanks.” Felize said.
“Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Tara na.” galing ng timing mo Ethan. may silbi ka rin pala paminsan-minsan.
“Sige una na ko, Felize. Bye.” tumango lang siya with smile and I waved goodbye na then left. Can’t believe this. Sinabi ko kay Ethan lahat ng nalaman ko while crying habang pauwi. Gusto nga nyang balikan at bugbugin daw si Liam, pero pinigilan ko na. ayokong manggulo pa. I know he’s happy now, hindi naman siguro siya makikipag-engage kung di niya mahal diba? pero ba’t ako hindi pa nakamove-on? bakit ang dali para sa kanya? siguro nga’y andun si Felize nung mga panahong kailangan ako ni Liam.
Andito na ako sa kwarto ..umiiyak parin. Siguro nga’y mali ang pagbalik ko dito sa Pinas. Ikakasal na pala siya. hindi na ako ang mahal nya. hindi niya ako nakayang hintayin. Pero gaya nga ng sabi ko noon sa rooftop, dapat maging masaya kami para sa isa’t-isa sa kahahantungan ng desisyong to. Isang mabuting babae naman siguro si Felize at mamahalin din ito ng katulad ng pagmamahal ko para kay Liam. Kung ito ang gusto ng tadhana, wala na akong magagawa. pero shet! ang sakit lang! Sana pwedeng irewind ang nakaraan at di nalang ako nagdecide na makipag-cool-off sa kanya. edi sana ako ang pakakasalan niya ngayon. dapat pala naging ready ako kung sakaling wala na akong babalikan. pwedeng magmura ulit? pakinsh*t! ba’t ganito pa ang nangyare. di ko namalayang nakatulog na pala ako habang umiiyak.
Kinabukasan…
“Hija, may delivery ka. kain ka narin muna.” Manang knocked at my door. Ang sakit ng mata ko kakaiyak kagabe. pagtingin ko sa clock, 10 am na pala. ayoko munang lumabas, di pa ako ready.
“Mamaya na po ako,kanino po galing?” tanong ko habang nakapikit pa, di ko maimulat eh.
“Ah..from Soft Pillows ang nakalagy dito.” napamulat ako ng mata.
“Pakitapon niyo nalang po yan. salamat.” wala na kasing silbi yun eh. And yep, anniversary gift ko sana kay Liam yun ngayon, this day lang naideliver kasi pina-customize ko pa siya. Unan siya na soccerball ang design then may nakaprint na ‘Yahnnie and Liam Forever’. Oh diba ang keso lang, kaya lang wala ng FOREVER.. hindi ko na pwedeng ibigay yun sa kanya. baka mag-away lang sila ni Felize pag nakita yun. Hangad ko na lang na maging happy sila forever at di niya sasaktan at iiwan si Liam gaya ng ginawa ko noon. Kahit masakit kailangan ko ng magmove-on. Bukas na bukas din ay babalik na ako ng London para ipagpatuloy nalang ang nasimulan kong business dun.
Ethan’s POV
Rinig ko sa may sala ang usapan nila Manang at Yahnnie. Di naman kase to kalakihan ang bahay nila, pero elegant parin ang dating. nagkukulong nanaman siya sa kwarto niya.
“Pakitapon niyo nalang po yan. salamat.”Yahnnie saka bumaba si Manang
“Ako nalang po ang magtatapon nito, tapusin niyo nalang ho ang ginagawa nyo.” saka ko kinuha ang delivery.
“O sya, sige. salamat at magluluto pa ako.” said Manang. di ko naman talaga to itatapon, alam kong ito yung regalong binili niya kagabi sa mall. kahit gusto ko ng sunugin to, di pwede kase may gagawin pa ako. Itatago ko muna to. Ang totoo, pinaimbestigahan ko ang background ng g@gong Liam na yun pati yung fiancée daw niya na si Felize. Marami nga akong nalaman pero di pa sapat yun, I’m still waiting for the information na nakalap ng mga connections namin rito ang about sa marriage nila. Hindi naman sa may plano ako pero nakikita kong masyadong masakit para kay Yahnnie ang nangyayare ngayon kaya gusto ko lang siyang tulungan dahil isa siya sa mahahalagang tao sa buhay ko.
Liam’s POV
Andito kami ngayon nina Al,Tristan at Felize sa may rooftop ng Café Latte at naghahanda para sa anniversary surprise para kay Yahnnie. Kahit walang bakas ng pagbalik niya, umaasa parin ako na darating siya. Tanga na kung tanga, pero mahal ko lang talaga ang babaeng nang-iwan saakin noon. Hihintayin kita hanggang sa matapos ang araw na to Yahnnnie.
“Okay na ang fireworks tol! 12 midnight ang set.” sigaw ni Al sa baba.
“Music are also prepared.” Tristan
“The table is set and foods are ready to be served, just give us a signal mamaya.” Felize. tango lang ako ng tango sa kanila.
“Maraming salamat sa inyo.” ako
“Wala yun, basta ba yung 1 month na gastos ng gasoline ng sasakyan ko wag mong kalimutan eh.” Al while laughing.
“Yung akin 1 month stock ng grocery ah.” Tristan
“My 1 month shopping spree don’t forget!” Felize.
“Tsk =_= sigurado akong di kayo tutulong kung walang suhol. napaka duga niyo.” ako
“Walang anuman tol, basta ikaw.” tinapik pa ni Tristan ang balikat ko.
“Umalis na nga kayo, pineperahan niyo pa ako, kaya niyo naman gumastos para sa mga luho niyo. Mamaya ah.” Napailing nalang ako . mga kaibigan ko ba talaga ang mga to.
“Mas masarap gamitin kung kung galing sa kaibigan pare. HAHAHAHAHA! Di ko sasayangin ang isang buwang to, HAHAHAHAHA!” Al at bumaba na kasama si Tristan.
“Goodluck nalang, Liam.” said Felize. “May pasabog pa kami mamaya.HAHAHA! Enjoy!” saka siya tumakbo pababa. Mga lokong yun. 4pm na pala. At wala parin siya. Pano kung hindi na.. Aish! stop being pessimistic Liam. Umupo nalang ako at sumandal sa may tangke. Please Yahnnie, dumating kana dahil kung hindi, mawawalan na ng saysay ang buhay ko.
--
to be continued :)
vote. fan. comment. recommend. add to rl :)
BINABASA MO ANG
Destiny's Decision by UrGirlNextDoorKimyin
Teen FictionFictional story written by: UrGirlNextDoorKimyin in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :) With a touch of Yeng Constantino’s “Cool Off” :) This is a short story based on a song. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV...