Chapter 6: Encountering the..rival or friend?

112 2 1
                                    

Chapter 6:

Encountering the..rival or friend?

“Gising, andito na tayo sa bahay.” alog niya sakin. kanina pa kasi ako tulog ng tulog, si Ethan kase, nakaramdam na tuloy ako ng jetlag. Kinusot ko ang mga mata ko, pagkababa ko..

“WAaaaaaaahhhhhhhh! andito na nga tayo! aba medyo nagbago ang garden ah!” sigaw ko at pumitas ng isang bulaklak at nilagay sa tenga ko. “ Hi manang, I miss you!” niyakap ko si Manang. close kami nito eh parang mama ko narin to.

“Aba,aba. Lalong gumanda ang aming prinsesa ah, anung bago?” Manang

“Nakuu manang, kayo talaga. wala pong nagbago, ganun parin po ako?” ako

“Mabuti naman, hija. Oh andito pala si Sir Ethan. “

“Magandang araw po, Manang.” Ethan

“Oh siya, pasok na kayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng makakain ng makapagpahinga kayo kaagad pagkatapos. Tulungan mo sa mga bagahe si Sir Ethan, Daryo.” Manang

“Maraming salamat po.” saka kami pumasok, kumain, nagkwentuhan at nagpahinga na.

Pagkagising ko, 5pm na. Napasarap yata tulog ko ah. Bumangon na ako at nag-ayos. Itinali ko pataas ang buhok ko at nag-shades. Naka-denim shorts at off-shoulder na yellow blouse. Pupuntahan ko ang condo ko. Pagkababa ko..

“San ka pupunta?” epal Ethan.

“Sa condo ko. di pwedeng sumama ang mga pangit.” asar ko sakanya. siguradong sasama to eh.

“Tsk. ihahatid na kita.” ui may driver ako. okay yun. pumayag na akong maging driver siya, saying naman sa gas kung car ko ang gagamitin ko eh, taas na kaya presyo ng gasoline ngayon ^_^V

“Hintayin mo nalang ako dito.” I said tapos pumasok na sa loob ng unit ko.

“Aba, wala paring pinagbago ah.” nasabi ko sa sarili. Malinis parin, binilin ko kasing palinisan to every week sa maintenance dito. Andito rin ang mga alaala namin ni Liam sa isa’t-isa. Bukas. Anniversary na namin, ano kayang pwedeng iregalo? Makabili nga. Lumabas na ako.

“Tara, mall. dali.” utos ko

“Kung maka-utos ka parang driver mo lang ako ah. ” reklamo niya.

“Oh? hindi bah?” ako >:))

“Duga mo.”

Sa mall…

pagkarating namin sa mall, pumunta ako sa mga stall ng damit. Ano kayang magugustuhan niya. Well, lahat ata babagay sa kanya eh. kaya lang baka lumaki na katawan nun at di pa magkasya sa kanya.

“Ano sa tingin mo magandang iregalo sa lalake huh Ethan?” tanong ko.

“Wag mo kong tanungin kung di rin lang ako ang pagbibigyan mo.”

“ammp. sunget!” binelatan ko ko sya saka lumakad palayo ng mabilis. walang kwentang kasama talag yung si Ethan, kaasar. naglibot-libot pa ako and at last nakabili rin.. hanggang sa..

Felize’s POV

7 pm na. Pupunta kami ngayon sa mall, kase may importante raw siyang bibilhin. but as usual, dumaan muna kami sa condo ni Arrianne at patay parin ang mga ilaw. pagtingin ko sa kanya, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Bukas na kase ang 2nd anniversary nila at di parin bumabalik ang babaeng hinihintay niya.

“Kung wala parin siya bukas, ititigil ko na ang paghihintay.” bigla niyang sabi while driving,

“Why? Sumusuko ka na ba?”

Destiny's Decision by UrGirlNextDoorKimyinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon