Bukang liwayway

23 0 0
                                    

Ginising ng aking lola mula sa paghimbing
Nakahanda na ang almusal at kumukulo na ang tubig na pang paligo
Wala namang espesyal sa araw na 'to
Ako nga pala si Isaac
Tipikal na estudyante lang ako, makulit, palabiro, takot umibig at mahilig rin ako magsulat
Tipikal lang ang araw na 'to
Papasok,
Magiintay ng uwian,
Makikipagtawanan kahit sa loob ay 'di ka naman talaga masaya,
Uuwi't magbibihis.
Magsusulat.

" Aking buwan, iyong liwanag ang siyang naging rason ng patuloy kong paglaban
Ikaw ang naging pagasa
Nung mga sandaling puno ng kadiliman
Iyong ilaw ang aking nakita."

Minamahal ko ang buwan dahil sa dala nitong pagasa
At sa taong ipikilala sa akin ang buwan, ako'y lubos na nagpapasalamat.

PahimakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon