Naging mabigat ang mga umaga
Dahil ika'y 'di na nakakausap
Kaya binuo ko muli ang tapang na nasira't pilit kang nilapitanAliah maari ka bang makausap?pabulong kong tinanong
Ika'y ngumiti na para bang ibang tao na ako
Bigyan mo ako ng huling pagkakataon para magpaliwanag.
Ika'y tumungo't ngumiti na parang pahintulot
"Pasensya"
Saan? Tanong ni aliah
Ito basahin mo nalang 'tong liham ko sa'yo.
"Liham ng pagamin"
"Mahal ko, pasensya
Kung sa liham ko pinili ipahayag ang aking nararamdaman
Alam mo naman na 'di ako magaling magsalita
Pasensya
Pasensya dahil nahulog ako sa alaga mo
Kahit alam kong 'di naman dapat
Salamat
Salamat dahil naniwala ka nung mga panahong walang naniniwala
At oo, natatakot ako na mawala ka ng tuluyan ikaw nalang kasi ang meron akosinubukan kong labanan ang pag-ibig ngunit natalo ako
masyadong malakas ang pana ni kupido
Naging totoo ako sa'yo noong sinabi kong mahal kita.
naging totoo ako.
Dati,
Hanggang Ngayon.
Parati.
Nagmamahal Bernabe.