Bagong umaga
Wala na ang mga nakasanayang yakap at bati
Nakakapanibagong wala nang ngiting bubungad sa'yoBagong tanghali
Wala nang kasamang kumain ng paboritong chicken skin ni aling beverly
Nagiiba pala ang lasa ng paborito niyong pagkain?
O baka sadiyang hinahanap-hanap lang kitaBagong hapon
Uwian na't kapwa pagod
Nangungulila sa pampalakas na yapos
Magiisang uuwi't dadaan sa fishbolan ni kuya jerry
Parang nagiba na rin ang lasa ng matamis na sawsawan
O baka wala ka langBagong gabi
Nagiisa na't ika'y naiisip
Patuloy ang pangungulila't paghikbi
Siguro nga'y kailangan makasanayan
Ang mga bagong araw na ika'y wala naNangungulila.