PASENSYA
'Di mawala sa isip ko ang mga salitang yun
Kasi sa dinami-dami ng tao sa'yo ko 'di inaasahan ang ganung reaksyon
Marahil ika'y nagulantang sa ginawa kong pag-amin kaya pasensya lang ang iyong sinabi
Naiintindahan ko, pangako naiintindihan ko
Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon para mapaliwanag ang sarili koSino nga ba si aliah sa buhay ko?
Siya yung babaeng nagpakilala sakin ang buwan
Siya ang buwan ng aking madilim na kalangitan
Bestfriend? Pwede kong sabihing ganun
Siya yung naniwala nung mga panahong walang naniniwala
Nahulog ako, katangahan