Hindi ko malilimutan ang gabing 'yon ika'y nasa gilid nakaupo
Hindi ko malilimutan kung gaano kaganda ang iyong bistidaAng tuhod ko'y nangangatog at nauutal kong itinanong
"maari ba kitang maisayaw?"Bumagal ang lahat nang ibinaling mo sa akin ang iyong atensyon
Para bang na sa pelikula ang tagpo
At nakangiti kang sumagot ng "oo"Sa isip-isip ko baka ito na rin yung tamang panahon para umamin
Baka ito na rin yung iniintay kong pagkakataonHabang magkahawak ang mga kamay
Napansin ang aking malamig na paladKinakabahan ka ba? Tanong ni Aliah
"Gusto kita! Gustong gusto kita"
Tangina bakas sa mukha nating dalawa ang pagkagulat
Siya'y bumitaw sa nanlalamig kong palad at sinambit ang salitang magbabago ng aking buhay
"Pasensya."