Simula

241 19 14
                                    






"Huh? Love letter?" Agad kong nilingon ang katabi ko. May bahid na pagtataka ang mukha nito habang hawak hawak niya ang papel na nakatiklop. Pinagmasdan pa niya ito, Simple lang.








"Nako, ikaw ha? Sino yang secret admirer mo?" Asar kong tanong. Taka naman siyang lumingon sakin.





"Hindi sakin to ulol.." tawa niya. Ngumiwi ako sabay umiling-iling. "Sinong niloloko mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.





"Dahil hindi naman talaga sakin ito.." mariin niyang sabi habang tumatawa pa. Bigla niyang iniabot sakin. Agad naman bumaba ang tingin ko don.






'Baka para sakin?'




Nanlaki ang mata ko at saka ako pumilig. 'Ano ba tong iniisip ko? Kung ako man? E di sino ang nagbigay nito? At bakit ako? Pero imposible naman!!'





Nanatiling nakatitig lang ako don. "Basahin mo para malaman mo..." aniya habang nakangisi at saka niya inilapag sa mesa ko at tumayo. Nilingon ko siya, pero papalayo na siya.





"Basahin mo para malaman mo..."




Ayukong mag'assume. Pero bakit parang umaasa ako na para talaga sakin itong love letter na ito?



Nagpakawala ako ng isang malalim na hangin sa ilong ko.



Dahan dahan kong inilalapit ang kamay ko ron. Habang inilalapit ko rin hindi ko maiwasang kabahan. Sa tanang buhay ko,ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. Kung 'talaga para sakin' nga ito. Nang nasa kamay ko na ito. Biglang bumilos ang pagtibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin?



Oo, inaamin ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito pero bakit ganito ang epekto sakin nito? Siguro first time ko?



Tumango tango ako. 'Oo, dahil first time ko nga makatanggap ng ganito, galing pa sa taong hindi ko kilala'



'Pero sino nga kaya ang magbibigay sakin nito?'



Pinagmasdan ko ito, nangunot ang noo ko nang mapagtanto kong 1 whole ang ginamit niyang papel? Napabuntong hininga ako.



'Di man lang nag effort?'



Napapikit ako dahil sa naisip ko.




'Wow!! At least may nagbigay sayo nito kaya wag kang magreklamo!!'




Kinagat ko ang labi ko dahil sa mga naiisip ko. Kaya naman binasa ko nalang ang sulat.




'The first time i saw you, the world stop rounding. I can feel the beat of my heart. I don't know what to say. But girl, you're driving me insane. I'm stupid because i can't talk to you, i can't come close to you. That's why i wrote you a letter. I like you for almost 10 months. And i'm sorry for that. First time kong magkagusto sa isang babae, and i don't know what to do. Girl, im confessing my feelings to you...and that's all what i want to say to you...'


From: T



'T?'




Nakatulala lang ako sa papel na hawak ko. Wala akong kakilalang nagsisimula sa 'T' ang pangalan.



Iginala ko ang paningin ko sa loob ng classroom. Hindi na ako nagulat dahil ako nalang pala ang natitira rito.




Kinamot ko ang kilay ko at saka tumayo. Napatitig muna ako sa papel na hawak ko.




Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon