Kabanata 4

70 6 0
                                    

A/N; Trip-trip lang!


>>>>


"Jusme!! Annika...tama na yan.. sige ka..matutunaw yan.." biro ni Daphney sakin na binangga pa 'ko sa balikat habang nakaupo kami.


Bumuntong hininga ako at napanguso. Hindi ko siya binalingan ng tingin. Tutok lang kay Zyon ang mga mata ko.


"Akin na lang 'tong pagkain mo Annika kung wala kang balak na kainin 'to.." sabi naman ni Crystal sakin. Hindi ako nagsalita, hindi ko rin siya nagawang tingnan.



Ipinatong ko ang magkabilang siko ko sa mesa habang ang mga palad ko naman ay nakadikit sa magkabilang pisngi ko. Wala akong ganang magmerienda.


Nagtatawanan ang dalawang kasama niya samantalang siya naman ay seryoso at prenteng nakaupo na may headset pa na nakapasak sa tenga niya.

Nagulat na nga lang ako ng biglang may humarang na kamay at may hawak pang empanada sa harapan ko kung bakit hindi ko na masilayan ang guwapong mukha ni Zyon.

Inis kong binalingan ng tingin ang may ari nito.


"Hey..!" Bigla pa siyang kumindat at biglang sinunggaban ang empanada niya. Pinanliitan ko siya ng mata.



"Hindi ka magmemerienda?" Tanong niya habang nginunguya niya ang empanada.




"Hoy Crosby! Nakakairita ka! Pwede bang kahit ngayong araw lang manahimik ka naman? Kahit ngayon lang?" Iritable, pero nagmamakaawang tanong ni Crystal sa kapatid niya.




Agad naman na lumukot ang mukha nito at bigla na lang lumayo at umupo sa tabi ni Enzo. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Zyon. Nakapikit parin.



Kelan mo kaya mapapansin ang isang tulad ko na humahanga sayo? Daig mo pa ang mga bituin sa langit, na kahit nino man hindi kayang abutin.





Tumulis ang nguso ko. Pano ba naman kase. May dalawang babaeng nasa gilid niya na pilit nilang inaagaw ang atensyon niya.




'Wag niyo nang subukan pang magpapapansin sa harapan niya...magiging hangin lang kayo sa paningin niya...promise!!'


Binasa ko ang labi habang nanliliit ang mga mata kong nakatanaw sa kanila. Ngayon ko lang din napansin na..magisa lang siya. Asan ang mga kasama niya?

Kaya pala eh! Kaya pala may lakas silang loob na magpapansin sa kanya, Tsk! Nakakainis! Bakit ba inis na inis ako eh wala naman akong pinagkaiba sa kanila?




Napaayos ako ng pagkakaupo at palihim kong sinulyapan ang mga kasama ko. Busy sila sa paguusap at sa kani-kanilang pagkain.





'Shit! Natatae ako! This is my chance! Hindi na rin kase ako mapakali eh..i really want to talk to him kahit hindi ko naman alam kong anong pwede naming pagusapan...tsk..pero seryoso...natatae ako ngayon...'



Ang ibig kong sabihin, kinakabahan ako. Amp!



Pero alam naman na ang mga kaibigan ko na may pagtingin ako kay Zyon. Pero 'tong  dalawang ugok, hindi pa nila alam. Baka asarin lang ako at kulitin kung sakali man na malaman nila.




Tumayo ako sa kinauupuan ko, inayos ko ang sarili ko. Kinagat kagat ko rin ang labi ko. I can feel their eyes on me. Pero wala ng atrasan 'to!




Namalayan ko nalang na naglalakad na pala ako papunta sa kanila. Hindi na rin ako nag-abalang lumingon sa mga kaibigan ko dahil paniguradong nasa akin ang mga paningin nila.




Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon