A/N; Gusto ko sanang pasalamatan yong gumawa nang book cover 'tong pinakajeje na kauna'unahang story ko. Heyyy WhoStoleMyStar, i love ittt!! Isa ka sa mga inspirasyon ko sa buhay kass!! Ayieeee kilig na kilig pwet mo motherr!! Charrott iloveyouuu!! Thank youu for supporting me!! Promise ko sayo na kahit anong mangyari, i will stay beside you, hindi kita iiwan inanngg!!
- - - - -
Hindi ko talaga maiwasang mapangiti, pano ba naman kase, si Zyon Velasco ay nasa likuran ko?
Umayos ako ng upo at tsaka tumingin sa harapan. Mga ilang segundo, dumating na rin ang magiging teacher namin sa subject na ito. Kaso vacant namin pero okay lang.
Nakatayo siya sa harapan at seryosong iginala ang paningin samin. Biglang namawis ang magkabilang palad ko at ipinatong sa hita ko.
Maya-maya, bigla nalang kaming nginitian, abot tenga ang pagkakangiti. "Okay? Good morning everyone, I'm Judy Ann Remus..." pagpapakilala niya, she started to fix her school polo shirt na may konting gusot.
"I'm 25 years old and, yeah, nakikita niyo naman ako sa harapan ninyo hindi ba?" Tinaasan niya kami ng kilay at ngumisi, "Sobrang ganda ng magiging adviser niyo..." pumalakpak siya nang isang beses at nanatiling magkadikit ang dalawang palad niya at kumikislap pa ang kulay itim niyang mga mata.
Nagkatinginan kami ni ayi at sabay na magkibit balikat. Mahinang tumawa naman yong mga iba.
Lumingon ako sa likuran ko. Nakita kong ngumiti siya ng konti, and then i heard him chuckled.
Napaayos pa ko nang pagkakaupo at dahan dahan na lumingon kay ayi na ngayon ay seryosong nakatitig sakin. Hindi ko malaman kong ano ang nasa isip niya sobrang hirap niyang basahin eh.
"Alam niyo, mga estudyante ko, kapag maganda ang adviser niyo, maganda at guwapo rin ang mga magiging estudyante ko..." sabi pa niya. Ngumiti naman ako nang pilit.
"So...bukas na tayo magstart, by now...kilalanin na muna natin ang isat isa, okay?" Na nakangiti.
Tumango kaming lahat, unang nagpakilala ang pinakaunang row sa kanan. Anim ang bilang ng mga studyante sa isang row. Kami ang panghuling row, at si sina ayi naman pang-apat.
Sunod naman ang pangalawang row na nagpakilala. Pagkatapos, ay ang pangatlo. Isa-isa silang nagpakilala. Nang matapos na, sumunod ang row nina ayi. Tumayo yong nasa harapan ni ayi.
"I'm Vincent Rosales..."
"Jiayi Altizio..."
"Ako si Angel Levantica..."
Sumunod naman ang pang huling row, kami. Isa-isa silang nagpakilala hanggang sa sumunod ang lalaking nasa harapan ko. He cleared his throat first.
"Ako si Enzo Branigan..." hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya. Umupo na siya kaya naman tumayo na agad ako.
Suminghap ako ng hangin. "Annika Hale Esperanza..." i sighed. I gave them a huge smile at tsaka umupo.
Pagkatapos non naramdaman ko ang pagtayo ni zyon, hinihintay ang pagsasalita niya.
Bakit ganito ang tibok ng puso ko? Kapag siya na, bumibilis ito daig pa ang pagtakbo ng kabayo.
BINABASA MO ANG
Dreaming Of You
Подростковая литература-Zyon&Annika Started - May 7, 2020 Finished - WATTYS2020