Kabanata 3

77 10 4
                                    

"Hindi porke mas gwapo para sayo si Dylan Wang eh nilalait mo na ang xu kai ko..."

"Lah? Hindi ko naman nilalait ang asawa mo ah? Ang sabi ko, pareho silang gwapo...hindi ko siya nilalait...fyi, asawa ko rin kaya si Xu Kai..."

"Ikaw!!"

"Daph? Crys? Ano na naman ba yan? Hah?" Inis na tanong ni ayi sa kanila. Andito kami sa room namin. Maaga pa naman kaya konti lang ang mga estudyanteng pumapasok.

Nagsitigil naman sila at tsaka nila hinayaan si ayi.

"Basta mas gwapo sa paningin ko si Ryan Ding ko..." aniya. Binatokan ko naman siya.

"Jiayi, nagtatalo na nga yong dalawa, sumali ka pa!" Singhal ko. Hinimas niya naman yong ulo niya at masama akong tiningnan.

"Eh bakit ikaw? Sino ba mas gwapo sa paningin mo?" Taas kilay na tanong niya sakin.

"H-hah?" Maang-maangan kong tanong at iniwasan siya nang tingin. Nagkunwari ako na may hinahanap sa bag ko.

"Sinong mas gwapo sa paningin mo?" Pang uulit niya. Hindi ako tumingin sa kanya. Patuloy lang ako sa pagkalkal sa bag ko.

'Eh sino pa nga ba...walang iba kundi si Zyon...siya lang okay?'

"Annika Hale, kami-kami lang naman ang nandito oh? Ba't hindi ka nalang umamin na may nagugustuhan ka?" Iritang tanong na naman niya. I just glared at her.

Tumigil ako sa ginagawa ko dahil wala nakong kawala sa mga to. Seryosong nakatingin sakin si ayi habang sina daphney at crystal naman ay nang aasar ang mga tingin.

"Look, sympre si Xu Kai at si Dylan Wang...hindi na rin mawawala si Ryan Ding..." kabadong sagot ko. Hindi sila nagsalita, walang imik nila akong tinitingnan.

"Ano bang gusto niyong sabihin ko?" Inisa isa ko silang tiningnan.

"Akala mo siguro wala akong napansin kahapon no?" Sarkastikong tanong ni ayi sakin.

"Bakit?" Tanong ko rin. "Ano bang napansin mo?" Kinakabahan kong tanong. Parang natatae ako na ewan. Hindi ko naman alam na masyado na pala akong halata kahapon.

Bigla siyang lumapit sakin kung bakit mas lalo akong kinabahan na baka may napansin nga siya.

"Anong meron sa pagkakatitig mo kay Mr. Velasco kahapon?" Bulong niya. "I mean, may something sa mga tingin mo sa kanya..." tuloy niya.

Napalunok naman ako at tsaka napapikit. Pilit ko siyang tiningnan sa mga mata. Lumapit din samin yong dalawa para makinig.

Okay sige aamin na ako wala nakong kawala! At tsaka ayukong maglihim sa kanila.

"Jiayi, Daphney, Crystal!!" Tawag ko sa kanilang pangalan at tsaka pinipigilang ngumiti.

Luminga linga ako para makasigurong walang makakarinig samin. Nakita kong unti unti na ring pumapasok ang mga kaklase namin. Tumingin ako sa likod baka kasa hindi ko namalayan na nandito na pala siya. Pero wala.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa kanilang tatlo.

"May crush ako dito sa room..." pabulomg kong tili. Ngumisi naman si ayi. Samantalang yong dalawa kinikilig din tulad ko.

"Talaga?" Bulong ni daphney.

"Seryoso ka? Anong itsura niya?" Bulong din ni crystal.

Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon