Kabanata 5

118 6 1
                                        

Nakatanga lang ako sa kanya at hindi makapaniwalang nakangiti siya sa harapan ko.

Pero tumaas ang kilay niya nang makita ang reaksiyon ko. Nawala ang ngiti sa labi niya at sumeryoso. Nagiwas siya ng tingin.

Ano ba naman yan!!

Nakaramdam naman ako nang panghihinayang, minsan na nga lang siyang ngumiti at saka tumawa magseseryoso na naman siya ulit.

"Kuya Rhett..." Sambit ng katabi ko na si Lora. Na napagkamalan kong si 'Jasmine'. Nilingon ko naman ang dalawang kakarating lang at nagsiupo sa kanilang upuan.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong naman nito na nakakunot ang noo. Napunta naman sakin ang mata niya at nawala ang pagkakanunot sa noo niya pagkuwan ay ngumiti sakin.

"Naks..!" Mapang-asar na aniya habang nasa akin ang paningin niya. Hinayaan ko nalang siya. Ngumuso ako at inilipat ang tingin ko kay Zyon na nakapikit na naman.

"May sinusundo ka ata Esperanza ah..." nanunuksong tingin ang bumungad sa akin pagkatingin ko sa kanya.

Sumama ang mukha ko nang makita ko ang nanglolokong ngiti niya. Bahagya pa siyang sumulyap kay Zyon at ibinalik ulit sa akin. Tinaasan niya ko nang kilay at
may mapaglarong ngiti sa labi.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit sa loob loob ko ay gusto kong magwala sa harapan  nila,na kahit panoorin ako nang mga estudyante na nandito habang nagmemerienda.

Eh paano ba naman kase? Nakakahiya kaya!? Sa harapan pa talaga ni Zyon? Inaasar niya ako?

"Oh baka naman..." bahagya pa siyang tumayo at dahan dahan na lumapit sa akin kung bakit napaatras naman ako nang kaunti.

Napalunok ako sa ginawa niya at hindi makatingin nang deretso. Nag-init ang pisnge ko sa ginawa niya.

"Baka naman...andito ka para sakin?" Aniya na ako lang ang nakarinig. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Asa ka naman!" Singhal ko pero tumawa lang siya at mas lalo pang lumapit.

"Monaghan..." rinig ko ang pagbabanta sa tinig nang boses ni Zyon kay Rhett. Nang mapatingin ako sa kanya kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata niyang nakatingin sa kaibigan. Umigting ang panga niya at nagiwas ng tingin.

"Oh...easy Dude..." sabay niyang isinuko ang kamay niya sa ere, na para bang pulis ang kaharap at sukong-suko. Lumayo pa siya.

Sumulyap pa siya sakin. Ayun na naman ang mga nanunuksong tingin niya.

"Join us, Esperanza..." ngiting asong pagkakasabi niya. Inalok niya pa sa akin ang katabi niyang bakanteng upuan. Pero hindi ko maigalaw ang mga binti ko.

Napatitig lang ako kay Zyon. Naalala ko ang mga mata niyang nanlilisik! Omo! Nagseselos?

Kinagat ko ang labi ko dahil sa naisip ko. Agad akong umupo doon, magkaharap na kami ngayon ni Zyon katabi naman niya si Lari na nasa kanan niya. At nasa gilid naman niya si Rhett na katabi ko. Kuha mo ba? Na'imagine mo? Ewan ko sayo bahala kana lang!?.

Pilit kong pinipigilan ang pagngiti ko. Nagusap sina Rhett at Lora. Hindi ako nakinig sa pinaguusapan nila. Nakatuon lang ang atensiyon ko kay Zyon.

Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Pero this time, wala na ang headset sa tenga niya. Umalon ang adam's apple niya. Hindi ko maiwasang matitigan siya sa malapitan.

Sobrang napakaputi niya at ang kinis kinis nang mukha niya. Grabe! Nakakahiya! Ako nga may pimple pa sa mukha. Napanguso ako at napayuko na lang dahil sa pagkapahiya.

Pero iniangat ko ang mukha ko at binasa ko ang labi ko. Halos mapatalon ako sa gulat at makaramdam nang kaba nang magtama ang paningin namin ni Zyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon