CHAPTER ONE
ELISHA
"Hi Elisha! Good morning!" Inirapan ko ito at pumasok na sa classroom ko. Hindi ba sya napapagod? Araw-araw nalang niya ako kinukulit. Badtrip pa man din ako ngayon, paano pag gising ko binungangaan ako ni Mama doon sa inutos niyang hugasin. Hindi ko kasi nahugasan dahil busy ako sa pagrereview sa quiz namin.
Ako nga pala si Elisha Constantino. 4th year highschool.
"Kamusta gising mo, Elisha?" Kanina maganda. Dumating ka lang hindi na! Bumuntong hininga ako at hinarap sya. Panget na nga ng araw ko, pinapangit mo pa!
"Hanggang dito pa naman susundan mo ako, Jameson?" irita kong tanong. Napakamot naman sya sa batok nya. May nilabas siya sa likod niya, paperbag ito na may malaking M sa gitna. Napakagat ako sa labi ko. Fuck Mcdonalds!
Pero hindi ako nagpadala sa sigaw ng tiyan ko na "tanggapin mo na yan!"at nagmatigas padin sa harapan niya.
"Bumalik ka na sa classroom mo." dagdag ko pa, hindi ko sya kaklase na dapat sana pero nagpalipat ako dahil alam ko kukulitin lang naman ako nito. Napapansin ko na din kasing madami nang nakatingin samin. Pinagtatawanan nanaman din kasi siya ng tropa niya mula sa kabilang classroom.
"Hindi mo man lang ako babatiin ng 'Good Morning din?'" Palihim akong umirap. Lord ang dami naman kasing babae sa mundong mas mayaman, mas sexy at mas maganda sa akin pero bakit ako ang napili nitong si Jameson na kabaliwan!
"Tapos ka na?" kumunot yung noo nya pero hindi padin natatanggal yung ngiti niya. Nakakairita.
"Kung tapos ka na, open na open yung pinto namin para makalabas ka. Okay?" Mahinahon kong sabi na pilit kinakalma ang sarili. "Makakaalis ka na Jameson. Salamat pero hindi ko matatanggap yang binigay mo." Sinungaling!
Nakatingin lang ako sa paperbag ng Mcdo na nasa harapan ko. Mukhang madami ang nasa loob nito. Madami kasi siyang pera kaya parang wala lang sa kanya ang pag gastos samantalang ako pinagkakasya ko ang 100 na baon sa isang araw. Napakamahal ng pagkain dito kaya tubig lang ang madalas kong binibili at nagdadala nako ng baon. Commute din ako dahil hindi naman ako kasing yaman nila na kung hindi nakaservice, mga naka kotse at limousine sila.
Yes limousine. Yung ibang studyante dito aba mga anak ata ng sikat na artista at politician! Kaya lang naman ako nakapasok dito kasi nakatyamba ako ng 50% less sa tuition dahil scholar ako.
Masasabi kong hindi ako mayaman ngunit hindi din ako mahirap. Kinakayod lang din ng magulang ko ang pang tustos samin ng kapatid ko. Mataas kasi ang quality ng education sa BU kaya talagang pinagsumikapan kong makapasok pero parang nagsisisi ata ako...
Kasi ng mag third year ako, nakilala ko si Jameson sa isang event sa school. Intramurals non at natalo ko siya sa chess. Simula non ay lagi na siyang nagpapapansin sakin at napakadaming umaaway sakin. Nung una akala ko hindi niya lang talaga matanggap na natalo ko siya sa chess pero yun pala sinadya niya yon para mapansin ko siya. Mula first year pa daw niya ako napapansin at ngayon lang siya naglakas loob na lumapit sakin. Crush niya raw ako.
Natawa naman ako. Ako? Crush niya? Nababaliw na ata ang anak ng may-ari ng school na'to pero binaliwala ko siya kahit sinabi niyang liligawan daw niya ako. Akala ko ulit parang joke lang pero hanggang ngayon lagi na niya akong binubungaran tuwing umaga at nangungulit. Doon nako simula mainis dahil hanggang ngayon hindi padin siya tumitigil kahit na matured na kami at mag ccollege.
"Basted nanaman si Loverboy!" Asar nung kaklase naming si Ryan. Napalingon ako.
"Suko na pards?" Asar ni Ronnie. Kaibigan niya na kaklase ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko.
Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang. Bakit ba kasi ako lumipat dito? Nakakaimbyerna.
"Huy...Elisha naman eh.." Tumingala ako sa kanya. Ramdam ko ang pagdikit ng dalawa kong kilay sa sobrang pagkairita at pagod sa araw-araw niyang pangungulit. Ikalma mo ang sarili mo Elisha. Ilang buwan nalang naman na at makakaalis ka na sa lugar na to at hindi mo na ulit siya makikita.
"Ano bang kailangan mo, Jameson? Pinagtitinginan ka ng tao. Napapahiya ka. Wala ka bang dignidad? Anak ka ng may-ari ng school! Gusto mo bang malaman to ng parents mo? Pano kapag napa-expel ako sa school---" Pinutol naman niya agad ako.
"They will not expel you Elisha. I just want you to accept this for your breakfast. Please Elisha? I know you're hungry." Nilapag niya sa mesa ko ang paperbag at bahagyang nilapit sakin. Nag-isip muna ako kung tatanggapin ko ba o hindi.
Napatingin ako sa paligid ko. Lahat pala sila ay sumisigaw.
"Tanggapin mo na!" Si Ronnie ang sumigaw.
"Accept it na! You're so arte naman!" Napa-irap si Blossom sakin pati ang mga kasama nito.
Fuck it.
Nanginginig akong tinanggap ang paperbag na siya namang pag ngiti ni Jameson. Naghiyawan ang mga taong nanunuod. Akala mo naman sinagot ko na yung idol nila.
"Tigilan mo nako ha---"
"Thanks Elisha! See you mamaya sa lunch!" Napapikit ako sa sinabi niya. Sinasabe ko na nga ba!
Sana joke niya lang 'yon. Sana hindi ko na siya makita mamayang lunch.
BINABASA MO ANG
Breaking His Obsessive Heart [COMPLETED]
Teen FictionElisha Constantino is a 4th year high school student who has a admirer named Jameson Bautista yet she was really tired of rejecting and ignoring her admirer for a thousand times so she think of a plan that Jameson will never come near her again...an...