BHOB:2

372 5 0
                                    

Lunch na kaya tumayo na agad ako at inayos yung mga gamit ko. Lutang ako kanina at medyo naiilang dahil si Blossom na isa sa mga sikat dito sa school at may gusto kay Jameson. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya diba? Well exept sakin!

Dapat nga'y nagpapasalamat pa ako dahil may gusto sakin ang gwapo't sikat na si Jameson Bautista pero ewan ko. Hindi kasi ako na gwagwapuhan sa kanya at sya naman dikit ng dikit sakin, sawang sawa na nga ako sa pagmumukha nya eh!

Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Jameson mula sa malayo. Narinig ko naman ang patakbo niyang yapak papunta sakin. Hayst.

"Hi Elisha!" Diin kong pinikit ang mata ko at kinalma ang sarili. Akala ko ba naman ay makakapaglunch ako ng matiwasay.

Kalma lang Elisha. Kalma.

Hinawakan nya yung isang balikat ko at humarap sakin.

"Sabay na tayo maglunch!" Yaya nya sakin gamit ang 'killer smile' kuno niyang nagpapabighani sa mga ibang babae dito.

Sa likod ni Jameson ay nakita ko si Jamie, Kaibigan ko. Dapat sabay kami ngayon pero sa tingin at ngisi nya ay parang okay lang sa kanya. Pati ba naman ikaw Jamie?Wag mo sabihing...

"Okay lang!" She mouted. Bwiset!

Tinignan ko si Jameson na nakangiti sakin. Hindi ko ba alam pero naiirita talaga ako kapag nakikita siyang ngumiti. Gusto ko nalang siya mawala sa paningin ko. Napansin kong nakasuot siya ng black Tshirt sa loob ng color white na blouse na naka tuck-in sa pants niya.

Nag-isip pako kung tatanggapin ko ang alok ni Jameson. "Hindi ba't sinabi ko kaninang tantanan mo nako kapag tinanggap ko yung breakfast?"

"Pero hindi ba't sabi ko din na see you at lunch?" Pag bawi ni Jameson.

Akala ko kase hindi niya s-seryosohin yung sinabi niya kanina since napag-bigyan ko na siya kaninang umaga. Kaya heto ako ngayon, iniwan ako ni Jamie para makipaglunch sa asungot na 'to. "Okay.."

"Talaga?" Hindi makapaniwala nyang tanong. Paulit-ulit?

"Bakit ayaw mo?" Nakataas kong kilay na tanong.

"Syempre gusto!" Sabi nya at bigla akong inakbayan at nagsimulang maglakad. Aba! Umaabuso 'to ha! Pumayag na nga ako makipaglunch sa kanya umaakbay pa.

Tinatanggal ko sa kanya yung pagkaka-akbay nya pero napakalakas nya kaya ang ending ang sasama nanaman ng tingin ng mga babae sakin sa Hallway. Na para bang na-a-artehan na nakikita nilang tinatanggal ko ang pang a-akbay ni Jameson.

Hindi naman sa choosy ako pero mas okay nga yung nirereject ko sya kaysa na pabayaan ko lang syang umasa sakin. Wala naman akong gusto sa kanya.

Pagdating sa canteen ay hindi nawala ako mga masasamang tingin sakin. Kabilang na dun sina Blossoms. Kailan kaya matitigil 'to?

"Uy pare! Nagayuma mo na si Elisha?" Bungad samin ni Ronnie ng makaupo kami. Nasa harap ko si Ronnie na katabi naman si Mccoy. Binati ko naman silang dalawa na sinuklian lang ako ng ngiti at bumaling agad kay Jameson para asarin.

"G*go!" mura ni Jameson. Ang bibig!

"After 2 years, Pare. Congrats kasal na kayo!" Pag bibiro ni Mccoy. Hindi ata sila inform na yung pinaguusapan nila nandito din ano?

Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti lang sya sakin. Tinignan ko si Ronnie kasalukuyan syang nagtetext.

"Sino ka text mo Ronnie?" Okay ako na feeling close pero curious ako eh! Tsaka chismis din yon no! Pangiti-ngiti kasi siya sa cellphone niya. Naging mag kaklase din naman kami ni Ronnie nung second year kaya medyo feeling close ako.

Breaking His Obsessive Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon