BHOB:3

266 6 0
                                    

ELISHA

Mahigpit ang hawak ko sa Manila paper na hawak ko. Kinakabahan padin akong pumsok ng classroom na ito dahil paniguradong aasarin nanaman nila ako kay Jameson.

Section B dapat talaga ako pero nagpalipat ako kasi ayaw kong makasama si Jameson sa iisang classroom pero tignan mo nga naman ngayon papasok ako sa room nila para mag mentor.

Shit kumalma ka! Magkasama lang naman kayo kanina so anong big deal don diba? Hindi naman na siguro ako aasarin ng mga kaklase niya.

Huminga ako ng malalim bago pumasok ng tuluyan at bumati.

"Good afternoon Section B." Pagkabati ko ay naglingunan sila saking lahat. Nagsilabasan ang mga ngiti nila at sabay-sabay sumigaw ng "ayiiiieeeeeee"

Hinanap ng mata ko si Jameson. Nagtama ang mata namin at napansin kong gulat siya kung bakit ano nandito. Magmmentor lang naman ako. Agad akong umiwas at naglakad na papunta sa harapan. Natigil naman ang pang aasar nila nang malamang ako pala ang magiging mentor nila sa oras ni Miss Trinidad.

Sinimulan ko nang idikit sa whiteboard gamit ang masking tape ang Manila paper na may sulat ng sasagutan nila sa Science. Pagkatapos ko itong gawin ay agad ko silang hinarap pero ang mga mata ko ang tumutok kay Jameson na nasa right side dulo ng classroom. Napalunok ako nang makitang nakatingin lang siya sakin habang nakangisi. What does it mean?


Iniwas ko na ang tingin ko at nagsimula ng magsalita. "This will be your activtity for today. Miss Trinidad told me to finish this until dismissal time. Pass it to your President and the President shall leave the papers here infront para kukunin ko nalang mamayang uwian."


Nagtaas ng kamay yung isang lalake sa bandang second row pero hindi ko kasi alam pangalan niya kaya tumango nalang ako, "Ibig sabihin ba non babalik ka dito mamayang uwian?" Nagsihiyawan ang ibang mga lalake sa room tila ba inaasar si Jameson at yung kupal naman hinahayaan lang habang nakatingin sakin. Nakangisi. Nakakahiya bwisit.


"Start doing your work or I will collect it after 30 minutes!" Sigaw ko na nagpatigil sa pag iingay nila. Naglabas sila ng notebook nila kaya nagsimula nako maglibot. Iniiwasan na mapunta sa pwesto nila Jameson.


Sa gilid ng mata ko nakita ko siyang naglabas ng binder niyang plain black at G-tech na ballpen habang tinitignan ang problem sa harapan. Hindi ko alam kung paano niya nalalamang may nakatingin sa kanya, lumingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay.


"Start answering," I mouted at him.


"Copy and answer?" He mouted too. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa kanila.

"Guys copy and answer ha.." Anunsyo ko sa buong klase. Ang dami namang napadaing kasi nakasulat na daw sila ng sagot at ang iba daw nasa number five na. "Quiet!" Bumalik ang tingin ko kay Jameson na umiling nalang na para bang pinipigilan ngumiti.


"Huy ano sagot sa number 2?"


Napalingon ako sa narinig kong boses sa bandang harapan. "Ano yan? Nagkkopyahan kayo?"








Natapos ang araw na to na puro mentoring lang ginawa ko. Excused naman ako kaya hindi na ako dapat pang mamroblema sa ibang subjects. Naglalakad ako ngayon sa hallway at kanina pa uwian kaya wala na masyadong tao. Last kong pupuntahan ang classroom nila Jameson para kunin yung mga activity kanina. Inayos ko ang strap ng bag ko at ang mga notebook na bitbit ko. Pinauna ko nadin kasi si Jamie, may service kasi siya e ako naman magccommute.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko muna sa bulsa ng palda ko. Kinapa ko naman ito at tumingin sa paligid kung may teachers ba. Nang makasiguradong walang teachers na nasa paligid, agad kong nilabas ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

Breaking His Obsessive Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon