Lutang akong pumasok ng bahay. Parang gusto ko ata pagsisihan ang pagpayag ko kanina kay Jameson. Buti kasi sana kung kasama si Kuya Lito pero kaming dalawa lang daw bukas. Kung hindi ko lang naman kasi kailangan ng tulong niya tatanggihan ko yung deal niya, gusto ko nga siya mawala sa paningin ko tas eto ako ngayon, pumayag sa deal niya na sunduin at ihatid araw-araw, but wait, there's more! Humirit pa ng recess at lunch.
Pinihit ko ang doorknob namin at pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan kong nakaupo at nanonood ng TV si Elijah habang kumakain ng chichirya. Katabi naman niya si Papa na tila ba nagbbonding sila. Sinilip ko ang palabas sa TV, PBA naman pala ang palabas kaya nagkakasundo ang mga ito.
Kadalasan kasi talagang naapagalitan tong si Elijah dahil pasaway. Madalas din siyang ikinukumpara sa'kin dahil sa mababa yung grades niya pero kahit ganon sila kay Elijah, kitang-kita kong favorite nila ang bunso namin. Huwag na akong makapasok basta mabigyan ng pera si Elijah, ganon siya ka priority dito sa bahay.
Hindi ko nga maintindihan minsan. Ganon ba sa public school? Walang tuition fee pero ang daming bayarin. Nilulubos ata ang paniningil sa studyante e.
Nang isara ko ang pintuan ay napansin nila ang presensya ko. "Ate! Pa nandito na si ate, paano na yung perang hinihingi ko?" Bungad sakin ni Elijah. Inalog-alog niya si Papa para lumingon sa'kin.
Tinanggal ko ang sapatos ko at napansing nakabuka na pala ang dulo nito sa may heels. Kailangan ko nang dikitan. Hindi ko na kailangan pang bumili ng bago dahil maliban sa wala akong pera, patapos naman na ang school year. January na kasi at ilang beses ko nadin naman dinidikitan to. Nasisira siguro sa pananakbo ko minsan kapag naghahabol ng klase sa mentors.
Binuhat ko ito at dinala sa kwarto ko. Mamaya ko na ibibigay yung pera ni Elijah, masyado akong napagod kanina. Pati nadin ang paa ko na tila ba nakahinga nung tinanggal ko ang sapatos ko. Naglakad ako papuntang kwarto ko habang nararamdaman ko na nakasunod ang presensya ni Elijah sa'kin sa likod.
"Ate kailan mo ibibigay?" Tanong ni Elijah sakin habang hawak ang pintuan ng kwarto ko. Pinipigilan na masara.
Huminga ako ng malalim, "Hindi mo man lang ba ako pagpapahingahin muna Elijah? Pagod ako galing pa school. Ginabi na nga ako---"
"So kailan mo nga ibibigay?" Tanong ulit ni Elijah tila ba walang pakialam sa sinasabi ko.
Para tantanan niya ko ay kinuha ko ang coin purse ko at kinuha ang nakatupi kong isang libo't binigay sa kanya. Umaliwalas naman ang mukha niyang kinuha yon at umalis, nang wala man lang pasalamat.
Nawalan ako nang gana magpahinga at dumiretso sa kusina para tignan kung may pagkain ng nakahanda ngunit tira-tira nalang ang nakita ko na halos sabaw nalang ng adobo ang nadatnan ko.
"Kinain na kasi ni Elijah nung dumating siya. Ang sabi ko tirhan ka. Ipagluluto nalang kita ng tortang giniling.." Mukhang nabasa ni Mama ang itsura ko nang makitang wala ng natirang ulam sa'kin. Galing siya sa kwarto nila ni Papa at nilapitan ang ref namin na halos wala nang laman.
May trabaho naman si Papa. Isa siyang staff sa isang opisina malapit sa munisipyo pero hindi sapat ang sinasahod niya dahil siya lang naman ang nagttrabaho sa pamilya. Si Mama naman ay trinatry na sumideline minsan sa palengke, taga bantay ng pwesto.
Hindi naman katandaan si Mama dahil maaga siyang nag buntis sakin. Kaka-39 niya palang ata tapos si Papa ay kaka-41 lang nung nakaraang buwan. Hindi nalang talaga nagpatuloy ng trabaho si Mama bilang teacher dahil bawal na sa kanya ang magpuyat at ma stress dahil anemic siya. Kahit na umiinom siya ng gamot ay masama na sa katwan niya ang magpuyat.
"Kamusta school?" Tanong ni Mama sa'kin. "Ginabi ka ata ngayon?"
I smiled at her. Buti pa si Mama nakuhang kamustahin ako pero yung kapatid ko, bangko ata ang tingin sakin.. "Ayos naman po sa school ma. Nammantain ko naman po yung grades for scholarship. Nabigay ko na nga din po pala yung pera kay Elijah.."
Lumungkot ang mukha ni Mama bago tumalikod at kunin ang kawali sa ilalim ng lababo.
First floor lang ang bahay namin ngunit malawak ito. Naswertehan na nabili ito ni Papa at napagawan at nasementuhan pa. Nung nakaraang dalawang taon bago magsara ang pabrika na pinagttrabauhan ni Papa, napapinturahan at napakabitan ng maayos na ilaw itong bahay. May Talong maliit na kwarto na tag-isa kami ni Elijah at magkasama naman si Mama at Papa, tapos may isang maliit na banyo at kusina. May sala din pero hindi ganon kalakihan. Kasya na ang maliit na sofa na gawa sa kawayan pati maliit na TV.
"Pasensya na anak ha..hindi ka tuloy makakapasok sa school. Hindi na kasi ako makautang kay Aling Ika e." Humarap si Mama at nilapag ang plato na may ulam. "Hindi ka tuloy makakapasok."
Tumayo ako para kumuha ng kanin sa kaldero na halos tutong nalang ang meron. Kaya na sigurong pag tiyagaan. Nagsandok ako ng kaunti at nilagay sa plato bago sumagot. "Okay lang ma. May kasabay naman akong pumasok ng school sa Lunes...hatid-sundo kung baga."
Umupo ako sa harap ng hapag-kainan. Umupo naman sa harap ko si Mama, "Si Jamie ba? Naku pakisabi salamat ha? Ang swerte mo talaga sa kaibigan mong 'yun anak. Ang ganda na ang bait bait pa!" Napangiti ako ng makita kong tuwang tuwa si Mama kay Jamie.
Dati kasi ang mga kaibigan ko ay mga pariwara. Ako lang ang matino sa tropa at ginagamit lang nila ako para kopyahan tuwing quiz at exam. Buti nalang talaga at nung nag high school ako lumipat ako sa Blake University para mag-aral. Nakilala ko dati si Jamie kasi magkaparehas kaming mentor kaya ngayon best friends padin kami. Mayaman ang magulang ni Jamie dahil may business ang nanay nito sa Japan, broken family sila kaya lumaking walang tatay si Jamie.
"O-opo...may sarili na po kasi siyang kotse," pagsisinungaling ko. Hindi ko naman pwedeng sabihing si Jameson ang maghahatid-sundo sakin, baka isipin pa nila manliligaw ko si Jameson.
"Osya, kumain kang mabuti. Kailangan ko ng matulog alas otso na. Good night anak," Humalik sa noo ko si Mama bago pumasok ng kwarto. I sighed.
BINABASA MO ANG
Breaking His Obsessive Heart [COMPLETED]
JugendliteraturElisha Constantino is a 4th year high school student who has a admirer named Jameson Bautista yet she was really tired of rejecting and ignoring her admirer for a thousand times so she think of a plan that Jameson will never come near her again...an...