Kinabukasan, Sabado ng umaga ay maaga akong umalis para pumunta sa bahay ni Jamie. Meron kasi kaming research at kaming dalawa ang magkapartner. 2 persons per team lang daw kasi wala pa kaming lagpas 20 sa room at alam naman nilang matalino kami, kaya na daw namin yun. Kahti halos mamatay-matay kami sa research na'to!
"Ano?!" Tinakpan ko ang bibig ni Jamie para hindi siya marinig ng mga katulong sa labas.
"Huwag ka nga maingay ang kupal naman neto. Oo nga kasi!" Halos pabulong kong sabi sa kanya.
Sinabi ko na kasi sa kanya yung about don sa deal namin ni Jameson para hindi siya magtaka kung bakit makikita niya kaming magkasama pumasok sa school or even mag recess and lunch pati uwian.
"Paki-ulit! Hindi ko gets, like bakit kasama pa yung recess at lunch?" Napairap naman ako kay Jamie. Inayos ko ang upo ko sa kama niyang queen size ata ang laki.
"Kasi ganito yan. Pumunta kasi ako don sa classroom nina Jameson nung uwian para kunin yung notebook nila sa pinagawa ko sa subject Miss Trinidad. E saktuhang tumawag si Elijah sakin, nanghihingi ng isang libo pang graduation daw nila pati prom tapos nandon din pala si Jameson sis! Hindi ko nga alam kung bakit nandon padin siya basta lumapit siya sakin at nag alok ng deal. Tinanong pa nga niya ako kung kailangan ko ng pera, aba ako naman itong si nagtaray sabi ko hindi ko kailangan ng perang pinaghirapan naman ng magulang niya tas sabi niya hindi naman daw niya ako bibigyan ng pera. Tinanong ko siya kung ano yung deal niya, siya daw yung maghahatid sundo sakin. Aba humirit pa ang bakla ng recess at lunch!" Paliwanag ko sa kanya at umacting pa na parang nasstress.
Tumango naman si Jamie habang nakahawak ang kamay sa baba, "Akala ko ba iniiwasan mo siya, bakit ngayon lagi ka na niyang kasama? Change of heart?" Pabirong tanong ni Jamie. Kumuha naman ako ng unan at binato sa kanya.
"Sira ka talaga!"
"Kungsabagay, keep your enimies closer ika nga nila diba...osya kukunin ko muna yun laptop wait lang." Bumangon si Jamie sa kama at pumunta don sa dressing room niya slash taguan daw niya sa gadgets.
Nilibot ko naman ang tingin ko dito sa bagong renovate na kwarto ni Jamie. Kada taon kasi siya nagpapapalit ng room, nagsasawa daw kasi siya kaya hindi siya mapakali. Kung dati na white at pink ang theme ng kwarto ni Jamie, ngayon naman ay cream at brown. Minimalist ba ang datingan. Sabi sakin ni Jamie para daw professional tignan kasi magccollege na daw kami.
Sobrang lawak ng kwarto ni Jamie na may veranda at sariling sala pa. Merong alagang rabbit at husky si Jamie. Vivi at Coco ang pangalan kaso pinalabas muna ni Jamie si Coco baka kasi mang gulo samin. Magrresearch kasi kami pero nauna pa ang chismisan namin. Patapos nadin naman na kasi ang research namin at defense nalang ang hinihintay para makagraduate kami. Hindi ko nga akalain na makakasurvive kami sa research na yan dahil halos ayaw iapprove ng teacher namin yung title namin dati. Huhuhuhu.
"Ano nga palang gusto mong lunch? Order nalang tayo nakakatamad magluto." Bumalik na si Jamie habang hawak ang laptop niyang may logo na mansanas. Hindi ko naman alam kung anong tawag don basta Apple. Kinakalikot niya iyon na para bang may hinahanap, "Asan na nga ba yon...anong title ng document natin don Elisha?"
"Pahirap-na-research.docx" Sagot ko at humabol pa, "Ay hindi! Bwisit-na-research-docx pala."
"Eto na, nahanap ko na. So ano nga lunch natin? Nagawa ko na nga pala lahat, conclusion nalang gagawin mo then pasa na natin para mapahardbound ko na." Inabot sakin ni Jamie yung laptop at nakiupo din sakin. Kinuha ko naman ito at nilagay sa ibabaw ng lap ko at sinuri, "Tsaka wag mo ng isipin yung pampa-hardbound, ako na bahala don, oki?"
Aww. Natouch naman ako kaya niyakap ko siya ng mahigpit, "thank you.."
She hugged me back, "No problem! So ano ngang lunch?"
"Unli ka gurl?" Natatawa kong tanong at bumitaw sa yakap. Ano bang masarap?
"Chicken nalang? O kaya spaghetti." Suggestion ko at tumutok naman sa paghahanap nung sa Chapter 5 conclusion. "Ayaw mo ba magpaluto nalang sa yaya mo?"
"Sige Shakey's tayo," Kinuha ni Jamie yung cellphone niya at nagtipa. Ako naman ay naging abala na sa pag gawa ng conclusion. "Ayaw ko. Mas gusto ko umorder."
Natahimik kami saglit at naging busy ako sa pagsusulat.
"Omg look oh! Elisha you should see this," Maarteng sabi sa'kin ni Elisha habang nakatingin sa cellphone niya.
"Ano yun?" Tanong ko at inalis sa tingin ang laptop. Sumiksik naman siya sakin at pinakita ang screen. My Day. "Oh anong meron?"
Plinay naman niya yon at bumungad sa'kin ang mukha ni Ronnie at ni Jameson ng black na tuxedo.
"Whooo! Happy birthday pre!" Sigaw ni Ronnie.
"Happy birthday Mccoy!" Pati na rin si Jameson.
Pagkatapos non ay bahagyang nagpause at lumipat sa back camera. Nakita ko si Mccoy na nagbblow ng candle at madami ding nanunuod sa kanya na nagvvideo din. Grabe mukhang nasa mamahaling hotel sila dahil sa background at mga babasagin ang mga kubyertos.
Nang maihipan ni Mccoy ang cake nag hiyawan silang lahat at natapos ang video.
"Gumawa ka na kasi ng Facebook para naman mapanuod mo yung My Day nila!" Ngumuso si Jamie na para bang tinuturo ang cellphone ko. "Akina ddownloadan kita tapos I'll make gawa your Facebook."
Inabot ko naman sa kanya yung phone kong Cherry Mobile. Pinaglumaan pa nga yon ni Papa para lang may magamit ako pang contact sa kanila.Wala kasi sa isip ko 'yang Facebook na yan kasi parang yabangan lang naman sa Facebook e wala naman akong maipagyayabang.
"Alam mo Elisha na-a-abnormalan talaga ako sayo ngayon, bakit dati halos isuka mo si Jameson tapos ngayon pumayag ka sa deal niya?" Tanong ni Jamie habang nakatingin sa cellphone ko. Hinihintay matapos yung magdownload ng Facebook.
"Sinabi ko naman na sayo diba? Wala akong allowance ng dalawang linggo kaya kahit halos masuka akong kasama si Jameson e pagttiyagaan ko na!"
"Hay nako! Papahiramin nalang kitang pera. Baka mag assume pa siya na binibigyan mo siya ng pag-asa tapos masasaktan mo siya---" Pinutol ko sa pagsasalita si Jamie.
"Wait...nakaisip ako ng idea." Napangisi ako. Oo nga no?Bakit hindi ko naisip yun?
"At ano naman yon?"
Pinaayos ko ng upo si Jamie. Nilapag ko naman saglit ang laptop sa kama at hinarap si Jamie na curious na curious na. "That's it! Bakit ko ba hindi naisip to ha?" Napahagikhik ako.
"Ano ba kasi yon? Spill!"
"Paasahin ko kaya siya?"
Nagulat naman si Jamie sa sinabi ko, "Whoa! Demon, lumayo ka sa body ni Elisha." Gumawa pa siya ng krus gamit ang daliri niya at tinapat sa ulo ko. Hinawi ko naman yon.
"I'm dead serious Jamie!"
"Then okay fine. Paki-repeat nga yung sinabi mo baka kase nabingi lang ako kanina." Napairap naman ako at nag 'ehem'
"I said, why don't I break Jameson Blake's heart?" Ulit ko.
Tinitigan ako ng matagal ni Jamie bago magsalita, "Okay fine! But how?"
I smirked, "Yan ang pag-uusapan natin ngayon."
BINABASA MO ANG
Breaking His Obsessive Heart [COMPLETED]
Teen FictionElisha Constantino is a 4th year high school student who has a admirer named Jameson Bautista yet she was really tired of rejecting and ignoring her admirer for a thousand times so she think of a plan that Jameson will never come near her again...an...