PROLOGUE

7.5K 112 3
                                    

NAG IIMPAKE nako ng mga damit ko dahil sa nalaman ko.

Napaka kapal ng mukha ng lalaki na yun. Kaya siguro hindi ako sinama sa New York dahil kikitain nito ang babae niya. Ang kapal lang talaga, pangalawang beses na ito. Kaya aalis na ko sa ayaw at sa gusto niya, gusto ko umiyak pero pinilit ko na hindi para hindi mag taka ang mga kasambahay at mga bantay dito sa mansion ng dimuag na yun. Ako ang nanghihinayang sa 5 taon na mag ka relasyon kami.

'Ahhhhh' sigaw ko sa isip ko.

FLASHBACK

"Anong balita, Roben?" tanong ko sa kausap ko sa telepono ko.

"Pang dalawang araw na po sila nag kikita dito sa Restaurant hindi ko po alam kung nakikipagkita talaga si boss o nag kakataon lang, ma'am." Sabi nito.

Tiningnan ko ulit ang larawan na hahalikan ng babae ang boyfriend ko.

'Ayan pala yung trabaho na sinasabi mo huh.' sabi ko sa isip ko.

"Ok, sige. Wag kana mag balita ulit sakin." Sabi ko.

"Bakit ma'am?" takang tanong nito.

"Basta, akin nalang yun." Sabi ko.

"Pinadala ko na sa pamilya mo ang bayad ko." sabi ko.

Ang binayad ko dito ay sa pera din ni Cedrick, hindi naman ako mayaman para may pang bayad kay Roben. Binahay na ko ng lalaki at syempre gusto ko din yun kase mahal ko ang isang yun. Limang taon na pag sasama sa iisang bubong at kasal nalang ang kulang. Akala ko naman ay papakasalan na ako nito pero hindi pala at hanep huh sa New York pa nang babae.

"Salamat ng marami ma'am, sige po baba ko na ito na dito na si Boss." S7abi nito at binaba na ang tawag.

Kasama ng pag baba ko ng Cellphone ko ang pag buhos ng luha ko.

"Hindi naman ako nag kulang sa kanya bakit kailangan niya pang gawin sakin ito. Ibinigay ko na ang lahat lahat pati ang matagal na gusto niya saakin di parin ba sapat yun?" Tanong ko sa sarili ko habang umiiyak.

Hindi ko na kayang tiisin to pang dalawang beses niya ng ginawa saakin to. Ang babaero nga naman always babaero. Last year itong babae din na ito ang kinikita niya. Tas hanggang ngayon ba naman. Kaya pala hindi ako sinama.

Wala akong paki kung sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya lalo na ang magulang ko na mukhang pera. Di ko naman totoo magulang yun pero mahal ko parin. Pumayag agad kase ang mga ito ng ipagpaalam ni Cedrick na ibabahay daw ako. Tas pinatayuan naman ni Cedrick ng isang restaurant ang magulang ko. Hindi ako mayaman na tao pero kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

END OF FLASHBACK

Lumabas na ko ng kwarto pag ka tapos ko mag impake.

Sumalubong sakin si Reynold at kinuha ang maleta ko.

"Wag kang mag papakita sa ibang tao dito na dala mo ang maleta ko." sabi ko dito.

"Yes, ma'am hintayin ko po kayo sa garahe." sabi nito saakin na tango lang ang sinagot ko. Tumalikod na ito at ako naman ay bumaba.

Nag tungo muna ko sa kusina para uminom. Habang umiinom ay tumunog ang cellphone ko na nasa body bag ko.

Hinayaan ko lang yun dahil si Cedrick lang naman yun. Kapag nasa sasakyan na siguro ko sasagutin ang tawag niya.

POSSESSIVE MAN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon