KAKATAPOS LANG ng meeting ko dito sa mall. Kakauwi ko lang din ng pinas kahapon tas biglang meeting naman. Nag lalakad na kami ng bodyguard ko papunta sa elevator, ng may makita akong bata na umiiyak malapit doon. Binilisan ko ang lakad ko at lumuhod sa harap nito.
"Bata?" Tawag ko dito.
Hindi ito tumingin sakin at patuloy parin sa pag-iyak. Inalog ko ito sa balikat para kunin ang atensyon nito.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko dito.
Nag angat na ito ng tingin. "What are you saying po?" Tanong nito at pinahid ang luha sa mga pisngi.
"Why are you crying?" Tanong ko ulit dito.
"And where's your parents?""I don't know where's mommy and papa." Sabi nito at umiyak ulit.
Bumungtong hininga ako ."Ok, I help you." Sabi ko.
"Really?" Tanong nito.
"Yes." Sabi ko at tumayo na inalok ko ang isang kamay ko dito, na kinuha naman nito agad na ikinangiti ko.
"You know what is your mommy's name?" Tanong ko dito ng makapasok kami sa elevator.
"Ahm......Carla." Sabi nito. Na nakapagpahinto sakin.
"C-carla what?" Tanong ko ulit.
"Gray? I don't remember po." Sabi nito.
Lumunok muna ako bago ulit nag salita. "Your papa?"
"Papa Reynold." Sabi nito ulit.
Lalong nagulo ang isip ko. Isinama ko na muna ang bata sa condo ko, nakatulog kase ito sa kotse dahil siguro sa pag iyak.
"Insan, nasan kana ba?" Inis na tanong ko sa pinsan ko.
"Nandito na ko sa elevator." Sabi nito.
Pinatay ko na ang tawag at tinitigan ang bata. May kamukha ito pero di ko matandaan.
Nag hintay lang ako ng ilang minuto at may kumatok na. Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan yun.
"Nasan yung bata?" Tanong agad ni Mark pag kapasok. Tinuro ko ang sofa.
Lumapit agad ito doon at nagulat pa ng makita ang bata.
"Kilala mo?" Tanong ko dito.
"Anak ni Carla toh, pre." Sabi nito.
"Oo nga sabi niya kanina." Sabi nito.
Tumingin sakin to na parang nagulat pa. "Wala lang sayo yun?"
"Ano ba yun? Sino bang Carla?" Naiiritang tanong ko.
"Yung ex mo bobo." Sabi nito.
Nagulat din ako at tumingin ulit sa bata.
Di ko alam ang sasabihin ko."May kamukha itong bata na ito, pero di ko matandaan." Sabi ni Mark na nasa baba pa nito ang isang kamay na mukhang nag iisip.
"P-pano ko ibabalik yang bata na yan?" Tanong ko dito.
"Ayun lang." Sabi nito.
Binuksan nito ang tv at agad na balita yun.
"Please po kung sino nakakuha sa anak ko paki balik nalang po. Kahit anung hingin niyo ibibigay ko. Wag niyo lang saktan ang anak ko nag mamakaawa po ako sa inyong lahat. Kahit mag kano o kahit anong pagawa niyo gagawin ko o kahit anong hingin niyo ibibigay ko. Wag na wag niyo lang sasaktan ang anak ko. Nasa screen na ang number na tatawagan niyo. Please pakibalik po ang anak ko. Unang beses palang po niya dito sa pinas. Please nag mamakaawa ako paki balik na ang anak ko."
Umiiyak na sabi ni Carla sa TV habang katabi si Reynold na inaalo ito.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE MAN (COMPLETED)
RomansaWARNING: MATURE CONTENT |R-18 Naranasan ko ng lokohin ng lalaking mahal ko noong panahong nasa college ako. At ngayon matanda na ako ayoko na itong muling maramdaman o maranasang muli. Kase iba yung bigat na dala kapag nag cheat sayo ang taong mahal...