CHAPTER 12

2.1K 50 3
                                    

GABI na at tulog na si Cedrich sa gitna namin ni Cedrick.

Nakasandal kami pareho sa headboard ng kama. Nakatulala lang ako.

"Sigurado kaba sa gusto mo?" Tanong ko bigla.

"Gusto?" Tanong nito.

Tumango ako at hinarap ito. "Papakasalan mo talaga ako? Hindi ka napipilitan?" Tanong ko pa dito.

"Hindi ako napipilitan. Nung umalis ka plano ko na sanang pakasalan ka. Pero ayun nga umalis ka eh. Hindi pa dumadating yung singsing na gustong gusto mo." Malungkot na sabi nito. Nag baba ito ng tingin sa anak namin, pero ibinalik din naman agad sakin.

"If i propose to you. What will be your answer?" Tanong nito na nakatitig sakin.

"Seryosong sagot?" Tanong ko dito.

"Yeah." Sabi nito.

Umiwas ako ng tingin dito. Kesa sagutin ang tanong nito ay nag kwento muna ako.

"Nung araw na iniwan kita, nag dadalawang isip ako nun bago umalis. Kase ayoko talagang maranasan ng magiging anak ko ang mag karoon ng broken family. Pero pinaranas ko parin kase selfies akong tao. Mas pinili ko ang gusto ng utak ko kesa sa puso ko. Limang taong pag sasama. Kilalang kilala na kita. Noong panahong hindi ka pa ng liligaw sakin ay nakikita ko ang mag kaliwaang babae mo. Nung una ayoko talaga sayo pero na hulog ako eh. Magaling kang mag pahulog ng babae. Hanggang sa naging tayo tumagal ng limang taon. Akala ko iba ka kay Gray pero pareho nga lang kayo. Alam mo ang dahilan ko kung bakit takot ulit akong mag mahal Cedrick." Sabi ko at pinahiran ang luhang tumulo sa mga mata ko. "Ayokong maranasan ulit yung sakit na naranasan ko noon. Akala ko pareho lang pero hindi. Mas masakit ang sayo. Kahit halik lang yun. Mas masakit kase mas mahal kita kesa kay Gray. Kase nakikita ko na ang kinabukasan natin pero nasira ng isang pag kakamali ko." Sabi ko at humagulgol na.

"Mahal kita noon hanggang ngayon. Yung harang na nasa puso ko unti unti mong binabakbak. Ilang araw palang tayong nagkikita at nag sasama. Pero wala na ang harang na yun." Sabi ko.

"Pangarap ko lang na sana, sana mabuo ko pa ang family ng anak ko. Iniisip ko noon na baka may asawa't anak ka na at masaya. Pero nung nakita kita kasama ang anak ko. Iba iba yung saya kapag na kikita kong mas masaya ang anak ko ng kapiling kana niya. Yung saya niya noon na kaming dalawa lang ay matatawag mo lang na saya. Pero ng nalaman niyang ikaw ang Daddy niya mas sumaya siya. Lahat gagawin ko para sa anak ko Cedrick. Hindi ito labag sa kagustuhan ko. Pero kung totoo mang yang tanong mo. Mag papakasal ako dahil hindi ako napipilitan. Mag papakasal ako kase mahal parin pala kita." Sabi ko at nag baba ng tingin sa tuhod ko.

Naramdaman kong lumubog ang gilid ng higaan ko. Nilingon ko si Cedrick na nakangiti na saakin.

"P-pweding parinig ulit ang salitang m-mahal mo ko?" Tanong nito. Tumango ako.

Kinapitan ko sa ang mag kabilang pisngi si Cedrick at kinabisado ulit ang mukha nito. Walang pinag bago mas gumwapo pa nga eh.

"Cedrick Altaraza Mahal na Mahal kita." Sabi ko habang titig na titig sa mga mata nito. "Huwag mo na sana ulit akong saktan." Parang nag mamakaawa ang boses ko ng sinabi yun.

"Mahal na mahal din kita Carla." Sabi nito at dinampian ng halik ang labi ko. "Hinding hindi na kita sasaktan." Sabi nito at siniil ulit ako ng halik.

Ang akala ko ang pinaka the best na araw sakin ay noong na nganak ako kay Cedrich ay hindi pala. Ito ito pala yun.

" EVERYTHING ready?." Tanong ko sa mga tao doon.

"Yes Ma'am." Sabay sabay na sabi ng mga ito. Ngumiti ako sa mga ito at pinalibot muna ang tingin. Tumango ako sa mga ito bago ito talikuran.

POSSESSIVE MAN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon