CHAPTER 16

1.9K 50 2
                                    

ANG BILIS lumipas ng araw. Parang kilan lang inaayos pa namin ang kasal namin. O sabihin ko na nung nakaraang linggo ay inaayos pa namin ang kasal namin pero ito ako ngayon nag lalakad sa simbahan palapit sa taong mahal ko.

Mababakasan sa mukha nito ang saya pero parang maiiyak pa. Napansin kung tinapik ito sa balikat ni Mark .

Ngumiti ako dito ng pilit. Kahit ako ay naiiyak. Hindi ko sukat akalain na aabot kami si Cedrick sa ganitong punto. Ikakasal din pala ako sa taong mahal ko. Sawakas akin na talaga siya at kanya na rin ako

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala siya at naka ngiti. Pinahiran nito ang isang butil na pumatak sa gilid ng mata nito.

"Alagaan mo ang anak ko Cedrick." Sabi ni Mommy.

"Yes Ma'am." Sabi nito.

"Don't hurt my baby again." Sabi naman ni Daddy ng may diin.

"Yes sir."

"Good." Sabi ni Daddy bago ibigay ang kamay ko kay Cedrick.

Inalalayan ako nitong makaakyat at makapwesto ng ayos sa harap ng pare.

"Simulan na natin father." Sabi ni Cedrick kaya siniko ko ito.

NANG nasa reception na kami ay halos puro tawa ang ginawa namin sa mga speech nila. Mga katarantaduhan kase namin noon ang mga sinasabi ng mga ito.

Nag handa ako ng dance number para kay Cedrick. Kase di man masyado magaling sumayaw ay pinilit ko parin. Ito naman ay kinantahan ako ng unang kanta nung naging kami ang tadhana.

"Hays, kapagod ang araw ngayon." Sabi ko ng makaupo sa kama.

"Ikaw muna ba maliligo o ako?" Tanong ko kay Cedrick.

"Sabay nalang tayo." Nakangising sabi nito.

"Tigilan mo ko." Sabi ko.

Tumayo na ko at inaabot ang zipper ng gown ko.
"Ibaba mo nga yung zipper." Utos ko kay Cedrick.

Lumapit naman ito at ibinaba ang zipper ng gown ko.

"Maligo kana, ako sunod." Sabi ko.

"Sabay na kase tayo." Nakasimangot na sabi nito.

"Tigilan mo ko mauna kana." Sabi ko dito habang hinuhubad ang gown ko.

Nakinig naman ito. Kinuha ko ang roba doon at isinuot.

Humarap ako sa salamin at tinanggal ang mga clip sa buhok ko, tinanggal ang make up sa mukha ko.

Sakto ng pag tapos ko ay tapos na rin si Cedrick.
Ako naman ang pumasok sa cr. Naligo at nag lagay ng cream sa mukha bago lumabas ng banyo na naka roba.

"May suot kaba?" Tanong ko kay Cedrick na naka sandal sa headboard ng kama.

"Wala." Sabi nito.

"At bakit aber?" Tanong ko dito.

"Hindi ba tayo mag hohoneymoon?" Tanong nito habang nag tataas baba ang kilay nito.

"Tsk." Sabi ko.

Lumapit ako sa salamin doon at isinaksak ang blower doon. Tinutuyo ko ang buhok ko ng yumakap si Cedrick mula sa likod ko.

"Sige na. Halos ilang linggo tayong hindi nag ano eh." Sabi nito at hinalikan ako sa batok.

"Ano ba baka mapaso ako ng blower!" Kungwareng inis na sabi ko dito.

"Sige na, baby." Sabi nito at hinalikan ako ulit sa batok.

"Ano ba, nakikiliti ako Cedrick." Sabi ko.

POSSESSIVE MAN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon