Chapter 4: Kingdoms

104 9 2
                                    

Third person's Pov

Di naglaon ay inaya narin ng mga Aces ang iba pang Guardians na magpakasal habang ang mga ito ay nasa kani-kanilang trabaho.

Si Luna ay naging isang ganap na guro sa paaralang dating pinamumunuan ni Eya. Teacher's Day noon nang sorpresahin siya ni Hunter ng pagaaya ng kasal. Sumasideline din siya bilang patissier dahil mahilig sa matatamis na pagkain ang nobyo niya.

Si Sue, na isang Chef ay sumasideline din sa music industry kasama si Ron. Matapos ang isang concert na kanilang ginawa sa isang mall ay nagpropose si Ron sa harap ng maraming tao.

Si Yumi na naging isang sikat na painter ay inaya ni Jaq na magpakasal sa araw ng opening ng panibago nitong art gallery na kasama pa ang mga magulang nitong botong boto sa kaniya.

Si Micca naman ay isinantabi muna ang pagtuturo at naging flight attendant... anniversary ngayon ng airline nila ng sorpresahin sya ni Mike. Nagsetup ng date si Mike sa private flight ng hindi alam ni Micca na siya ang pasahero at siya ang nakaassign... Nasa kalagitnaan ng himpapawid ay nagpropose ito kay Micca.

Si Thea naman ay kinilala bilang isa sa pinakamagaling na dance instructor sa bansa. Nasa isang kompetisyon sila noon ng hiningi ni Vince ang kaniyang kamay with matching dance moves pa.

Lahat sila ay pumayag na pakasalan ang mga Aces at ikinasal din agad sila in less than a year. Sinimulan narin nilang magpaliwanag sa mga magulang ng Aces na sa ibang lugar na sila maninirahan ang iba dito ay hindi pumayag pero kalaunan ay nakumbinsi din nila..

Luna's Pov

" Guysss ok na ba tong suot ko?" tanong ko sa kanila habang iniikot ikot pa ang dress ko.

Ngayong araw kasi ay hihirangin na kami bilang mga hari at reyna ng iba't - ibang kingdoms na ipinagawa para sa amin.

"Hmm siguro mas ok kung i-off shoulder mo yan sis" komento naman ni Yumi kaya't sinunod ko ito.

"Yaannn perfect!" nakangiting saad nito with matching check gesture.

Hinihintay nalang naming dumating ang Aces upang makaalis kami natraffic daw sila e.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga nagagwapuhan naming hari hahaha.

" Waaahhh Luna babes namiss kita huhu" kunwaring iyak ni Hunt sa akin sabay yakap.

"Kakagaling nyo lang dito kahapon miss agad? Ang oa mo naman" sabay irap ko dito. Tinaas naman nito kamay niya na nagsesenyales na suko na siya at ayaw niya ng away hahaha dapat lang.

"Ang harsh mo naman sa asawa mo" singit ni Faro na ngayo'y anyong tuta.

I mentally rolled my eyes then focused on packing up my things.

" Guys let's go! Ready na ang portal" pagtatawag sa amin ni Thea habang kumakaway pa.

Pumasok na kaming lahat sa portal. Ilang sandali pa ay sa labas kami ng palasyo dumating.

Tila nanibago ang lahat sa naging itsura ng kaharian nila kuya Nil. Halos kulay itim ang nakikita at madaming mga darkers na umaaligid dito pero mayroon parin namang incantarian na piniling magstay.

Naikwento kasi sa amin ni kuya Nil na inatasan niya ang mga incantarian na lumipat sa kaharian kung saan nababagay ang kanilang mga kapangyarihan.

Naikwento din sa amin nila kuya Nil na dahil wala nang matitirahan ang mga mababait na Darkers ay napagpasyahan nila ni Ate Eya na dito na lamang sila patirahin at tawagin na lamang itong Dark Kingdom.

Bakas sa muka ng mga naninirahan dito ang saya at makikita mong kahit halos puro kulay itim ang paligid ay buhay na buhay parin ito dahil sa mga nag-gagandahang lanterns at mga batang masayang naghahabulan sa daan.

Draco Incantare Land 2: The Half GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon